•~•~•~•
"Teka lang!"
Hindi ko pinakinggan yung sigaw nya at nagpatuloy sa pagtakbo. Kaso hindi ko namalayan na malapit na pala sya sa akin.
Mabilis nya akong niyakap mula sa likod. Pero natalisod ako dahil sa bigla nyang pagyakap. Nasa dulo pa naman kami ng burol kaya naman gumulong-gulong kami paibaba.
Habang gumugulong ay hinarap nya ako at niyakap ng mahigpit. Maya maya pa ay tumigil na kami sa paggulong at ngayon naman ay nasa ibabaw ko sya.
"Uy u-umalis ka na nga. Tatayo na ako,"wika ko habang hindi nakatingin sa kanya.
Nagwawala na ang sistema ko dahil sa way ng pagtingin nya sa akin.
"Bakit di ka makatingin sa akin?"kahit hindi ako nakatingin ay alam kong nakangiti na naman sya ng nakakaloko.
Hindi pa rin ako tumingin sa kanya. Nagulat naman ako ng haplosin nya ang aking buhok. Saka nya hinawakan ang magkabila kong pisngi. Kaya kusa akong napatingin mukha nya. Hindi mawala-wala yung ngiti sa labi nya. Napatingin naman ako sa mata nya at para akong malulunod sa paraan ng pagtingin nya sa akin.
Naramdaman ko ang pag init ng magkabila kong pisngi. Gusto kong kumawala sa kanya kaso masyado syang malakas.
Napalunok ako ng unti-unting lumalapit ang mukha nya sa akin. Ano bang nasa isip ng lalaking 'to?!
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfic[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...