-Hilary-"Hoy! Ba't hindi mo naman sinabi sa'kin kaagad? Edi sana na-addopt ko yung pusa," Pagmamaktol ni Velia habang mahinang hinahampas ang braso ko.
Parehas kasi kaming mahilig sa pusa ang kaibahan lang, pwede syang mag alaga ng pusa samantalang ako hindi pwede dahil allergic si mama sa pusa.
"Naulan kaya kahapon. Kaya sigurado ako na wala ka rin namang magagawa," nakapoker face kong saad.
"Meron kaya! Ipapasundo ko yung pusa sa driver namin para naman may new home na sya. Kaso sayang talaga!" Halos mag walling na sya sa tabi ko.
"Hindi ko naman alam na biglang mawawala yung pusa doon sa kwarto ko. Baka nga pinalabas sya ng mga kapatid ko kasi nga may allergy si mama sa mga pusa." pangangatwiran ko nagbabakasakaling tumigil na si Velia sa kakadakdak.
"Aww, sana pumunta sya sa bahay namin si Cat Noir. Para makilala nya na sina Cathy at Clawie. Edi happy na silang tatlo sa bahay. Basta kapag magpunta ulit si Cat Noir sa bahay nyo sabihan mo ko para naman masundo ko sya!" Pagmamakaawa sa akin ni Velia.
"Oo na, sasabihan kita yun ay kung babalik pa sya sa bahay." nakangiti kong wika habang nakathumbs up.
"Yehey! Thank you sis! Syempre babalik yun kasi nga love ka nya and syempre love din kita!" Sigaw nya saka ako niyakap ng mahigpit.
"Yuck! Lumayo ka nga. Masyado ka ng clingy," sabi ko saka nilayo yung mukha nya.
Tumawa lang sya sa reaction ko. Hay! Kahit kailan talaga hindi sya naging matino. Kung sabagay, parehas lang kaming hindi matino dahil pareho kaming abnormal.
Pabalik na sana kami sa classroom ng marinig kong nag ring yung cellphone ko. Yung ringtone pa ay tomato song. Ang cute lang kasi. Yung song na kinanta ng Bangtan Sonyeondan noong run bts ep.31. Hindi ko kaagad nasagot yung tawag kasi napapasayaw ako sa ringtone.
"Hoy sis! Sagutin mo na yung tawag! Sayaw ka pa dyan," natatawang saad ni Velia na hinampas pa ang braso ko.
"Aray naman! Heto na sasagutin ko na." Pinindot ko na yung green na bilog at nagsalita. "Hello ma."
"Hilary, wala kami sa bahay. Nasa party kami ng ninang mo. Isasama ka pa sana namin kaso may pasok ka pa sa school. Pwede ba doon ka muna sa bahay ni Velia? " Lumapit sa akin si Velia na abot langit ang ngiti.
"Hello po Tita! oo naman po. Pwedeng pwede," nakangiting sagot ni Jenna kay mama.
Ngiting ngiti si gaga. As if naman na nakikita ni mama na nakangiti sya.
"Mamaya susunduin ka namin ng papa mo. Pero baka magabihan kami. Kasama rin namin mga kapatid mong makukulit at talagang ang gugulo nila," natatawang saad ni mama at naririnig ko yung music na pang chacha.
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Фанфик[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...