Dream 08

171 68 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






-Hilary-

Napakagulo ko talaga. Noong nandoon ako sa mundo nya, iniisip ko ko kung paano ako makakabalik tapos ng bumalik naman ako gusto ko ulit makita si Zane. Hay naku self! Ba't ka ba ganyan?

Parang kapag nasa school lang. Kakapasok ko lang ng school pero gusto ko ng umuwi tapos kapag nasa bahay naman ako, namimiss ko yung school at yung classroom namin. Kahit kailan talaga baliktad yung utak ko.

Nagbalik naman ako sa wisyo ng tawagin yung pangalan ko.

"Hilary Tizon, present ba sya?" Tanong ni ma'am na nag che-check ng attendance.

"Present ma'am!" Sigaw ko at nagtaas ng kanang kamay.


Napa iling-iling naman si ma'am ng makita nya ako. Sensya na talaga. Lutang lang.


"Uy sis, ok ka lang ba talaga?" Nag aalalang tanong sa akin ni Velia.




"Heto baliktad pa rin naman ang utak," nakangiti kong wika.




Ang tagal na rin pala ng maging kaibigan ko itong si Velia. Freshmen pa lang kami at hanggang ngayon na last year na namin sa Junior High school ayun magkasama pa rin kami. Parehas kaming wierd nyan kaya magkasundo talaga kami.




Masyado syang mahilig sa strawberry. As in lahat ng gamit nya may strawberry. Yung bag nya, yung hairpins nya, yung mga notebooks nya at pati yung mga lapis o ballpen may strawberry. Kulang na lang talaga pati yung uniform namin lagyan nya na rin ng strawberry. Pero kumpara sa akin mas maganda sya. Maikli lang ang itim na buhok na hanggang balikat, Matangos ang ilong nya, ang pupungay  pa ng nga mata nya. Makinis at maputi rin ang balat nya na parang gatas in short yung kabuuan nya parang isang barbie doll.




Habang ako, heto at mukhang tuyong patatas. Mahaba ang itim na buhok hindi aabot sa pwetan, flat chested, malaki ang eyebags mukha na akong zombie at malapad pa ang noo. Malayong malayo ako sa kaibigan ko. Minsan nga napagkakamalan  pa akong yaya ng mga nakapaligid sa amin.





Nahihiya ako minsan lalo na kapag namamasyal kami ni Velia. Madalas nya kasi akong ilibre at hindi ko naman sya nalilibre pabalik kasi nga wala akong pera. Napupunta lang kasi sa mga assignments o projects yung perang naiipon ko.





Napapangiwi ako habang tinitingnan si Velia na kumain ng strawberry na isinasawsaw nya sa toyo at gravy. Ayoko ng subukan yung ginagawa nya. Ang weird talaga minsan ng mga kombinasyon ng pagkain na kinakain nya. Oo, weird din naman ako pero mas malala si Velia.






"Oh? Napapatingin ka sa akin. Gusto mo ba?" Tanong nya sa akin habang ibinibigay yung strawberry na isinawsaw nya sa toyo at gravy.




Mabilis akong umiling at kinain yung adobo na baon ko . Masyadong maingay dito sa canteen dahil sa mga estudyante na ang tindi ng mga chika pero wala rin naman akong magagawa. Alangan namang sumigaw ako para lang patahimikin sila. Kahit naman kami ni Velia maingay din kung minsan.






Matapos ng recess ay nagbalikan na ang mga estudyante sa kanya-kanyang classroom. Pagpasok namin sa classroom ay biglang umulan ng malakas. Kaagad kong tiningnan yung loob bag ko at nakahinga ng maluwag ng makita yung purple kong payong. Mahirap na walang payong. Mababasa at baka magkasakit pa ako kapag nagpaulan ako. Hindi na ako aasa sa mga lalaking mag-aabot ng payong gaya ng sa mga k-drama. Like duh! nasa reality ako wala sa k-drama.





Kahit pa nag uumpisa nang mag lesson ang teacher namin ay hindi ako makapag focus. Nakatingin nga ako sa board pero yung malalakas na patak ng ulan mula sa labas ang pinakikinggan ko. Minsan kasi ang sarap pakinggan yung patak ng ulan. Nakakarelax kasi.




Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami ni Velia sa library. Isa sa mga pinakapaborito kong lugar dito Wisdom Academy for better tommorow . Ang ganda ng name ng school namin ano? May pa wisdom talaga. Sana all may wisdom.





Napapansin ko na palingun-lingon si Velia na parang may hinahanap.







"Uy sis, napapansin ko kanina ka pa palingun-lingon. Ano ba 'yung hinahanap mo?" Tanong ko sa kanya.






Kaagad syang tumingin sa akin at umiling-iling. "Wala, wala akong hinahanap."






"E bakit ka palingun-lingon?" Tanong ko ulit.





"Ahh..eh..may mga tinakasan kasi ako kanina. Namimilit kasi sila na samahan ko sila kaya ayun umalis ako. Mas mahalaga itong assignment natin kaysa sa kanila," tugon ni Velia saka naunang pumasok sa library.








Naghanap na kaagad kami ng mga libro at naupo na sa mahabang table. Kakaunti lang ang mga estudyante na nandito dahil nag-uwian na. Mahirap din naman kasing umuwi dahil maulan at mabilis lang magbaha. Ewan ko ba  kay Velia. Biglang sinipag. Sinabi nya na tapusin na raw namin para wala ng alalahanin bukas. May internet naman pero gusto nya na magkalkal pa kami ng mga libro sa ganitong oras at naulan pa. Pero sa bagay, maganda na rin 'to. Mas reliable yung source namin.







Habang nagsusulat ay seryoso kami pareho ni Velia. Nakatutok kami sa makakapal na librong nasa harapan namin at kaagad na isusulat yung mga information na kailangan. Hindi pa kami tapos sa assignment ng biglang tumayo si Velia kaya nagulat ako sa kanya.






"Oh Bakit? May problema ba?" Nagtataka kong tanong.




"Ahm..naiihi na ako. Cr na muna ako sandali," tugon nya kaya tumayo na rin ako.




"Sasama ako sayo. Kasi nga di ba you never walk alone," wika ko saka ngumiti.




"Naku, wag na!" Sigaw nya kaya napakurap-kurap ako.





Pinatahimik naman kami ni miss librarian kaya naman nag sorry kami pareho.





"Wag na. Maghanap ka na muna dyan.  Sandali lang naman ako,"bulong nya saka dali-daling umalis.

Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat. Habang nagsusulat ay muli kong narinig ang malalakas na patak ng ulan. Napapahikab na ako dahil masyadong nakakarelax ang tunog plus tahimik pa rito sa library. Napapapikit na ako dahil bigla na lang akong nakaramdam ng antok.




Nilalabanan ko yung antok pero lalong nanlabo ang paningin ko. Nabitawan ko na yung ballpen na hawak ko. Napahawak na ako sa ulo ko hanggang sa nagdilim na ang lahat.  Parang bumabaliktad yung sikmura ko dahil pakiramdam ko ay umiikot ang paligid.



Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap pa naman ng amoy. Malinamnam talaga.



Dumilat kaagad ako at napaupo. Saka ko nakita yung malawak na damuhan na pinuntahan namin ni Zane. Nandito na naman ako. Pero nasaan na si Zane? Lumingon-lingon ako sa paligid pero iba ang nakita ko.



"Hoy babae! Bakit ka narito sa Galaxy Garden?"

















----

























Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon