Dream 19

128 59 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




-Hilary-

Naging normal naman ulit ang buhay ko. Plain lang naman talaga ako. Walang kakaiba. Walang bago–ay meron pala. Iyon ay yung black hoodie na naiwan ni Zane.




Dinala ko lang yung hoodie ni Zane pabalik dito sa syudad at isinuot ko pa ngayon. Sana naman hindi magalit si Zane sa akin dahil isinuot ko yung hoodie nya. Malaki nga lang sa akin itong hoodie. Lagpas pa sa kamay ko at halos matakpan na nito yung itim na short na suot ko.


Bumuntong hininga na muna ako bago ko sagutan itong mga assignment ko sa nasa notebook.

"Kaya kong sagutan lahat 'to. Fighting!" Malakas kong sigaw saka inumpisahan ang pagsasagot.

Habang nagsasagot ay nagulat ako ng biglang makarinig ng kung ano sa may bintana. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatugtog na lang muna sa bluetooth speaker.

Mas lalo ko pang nilakasan ng Mr. mr by Girls Generation kaagad yung kantang tumugtog sa cellphone ko. Napapasayaw na ako habang nakanta kaso lang natitigilan ako dahil sa tunog doon sa bintana.


Mabilis akong lumapit doon sa bintana at kaagad iyong binuksan. Nagulat naman ako ng biglang may pumasok na pusa.



"Ay pusang gala!" Napasigaw na tuloy ako dahil sa pusang 'to.

Itim ang kulay ng balahibo nya at napansin ko kaagad na basang-basa sya. Nanginginig na sya dahil na rin siguro sa lamig. Hindi ko napansin na naulan na pala sa labas. Kaya siguro sya nabasa. Mabilis kong kinuha yung manipis kong twalya at lumapit sa pusa. Noong una ay umaatras sya sa akin. Siguro natatakot sya pero nabalutan ko rin naman sya ng  twalya.

"Kawawa ka naman. Kaya siguro nandyan ka lang sa may bintana ng kwarto ko." Naawa talaga ako sa pusang 'to.

Hindi naman sya mukhang pusang gala talaga. Siguro pusang gala sya pero ang ganda ng kulay at ang lambot ng balahibo nya parang sa mamahaling pusa. Mas lalo akong naawa kasi naman kapag nag mi-meow sya, yung boses nya parang napaos na. Kanina pa siguro sya nag hahanap ng masisilungan pero walang tumatanggap sa kanya.


Hiniga ko na muna sya sa kama ko at binalutan naman sya ng kumot. Sigurado akong papaalisin lang ni mama itong pusa dahil allergic si mama sa mga hayop lalo na ang mabalahibo. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ilalagay itong si..Hmm.. Ano nga bang pwedeng ipangalan sa kanya?



Alam ko hindi naman sya sa akin at wala akong balak na angkinin yung pusa kaso lang gusto ko rin sya pangalanan. Muli akong lumapit sa pusa at tinabihan. Tumingin sa akin yung pusa at nakita ko kaagad ang pares ng kulay berde nyang mga mata. Yung itim pa ng mata nya at bilog na bilog parang nagpapaawa. Napakacute naman ng pusang 'to!


Hinaplos kong muli ang balahibo nya. Hindi na ganoon kabasa ang balahibo nya ngayon. Bigla naman akong nakiliti ng bigla nyang ikiskis yung mukha nya sa kamay ko. Napakalambing naman at ang cute!



Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon