Dream 01

213 86 8
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




-Hilary-

"Hilary, anak..Aalis na kami. Ok lang ba talaga na maiwan ka muna dito? Baka mabored ka lang,"saad ni mama.


"Di ako mabobored ma. Basta may tv at internet,"nakangiti kong wika habang nakaturo pa sa tv at sa pocket wifi.

"Sige. Basta pagnagutom ka may pagkain naman sa ref. Kumuha ka na lang." Tumango ako sa sinabi ni mama.


"Ilock mo yung mga pinto ah. Mahirap na baka may akyat bahay na pumasok,"wika naman ni papa habang naglalagay ng sapatos.


"Opo pa, akong bahala."sabi ko saka nag thumbs up.


"Hey ate Hilary. Don't eat my chocolate. I'm warning you,"seryosong saad ng nakababata kong kapatid na si Wakky.



Babae naman sya pero hindi ko alam kay mama at Wakky ang gusto nyang ipangalan.


"Oo na. Hindi ko na kakainin."Itinaas ko pa ang kanan kong kamay.


"Uy ate.."tawag sa akin ng isa ko pang kapatid na si Mar.


"Oh bakit?"Tanong ko.



Hindi sya nakatingin sa akin dahil nakatutok lang sya sa hawak na cellphone habang naglalaro ng plants vs zombies. Akala mo naman talaga sa kanya yung cellphone. Pero kung sa bagay minsan lang naman sya makahiram ng cellphone ni papa.



"Ay wala lang pala,"sabi nya saka tumawa.

Ang lakas talaga mantrip nito. Mas bata rin sya sa akin. 9 years old na sya habang 6 years old naman si Wakky.


"Hilary aalis na kami. Bawal magpapasok dito ng kahit sino habang wala kami ah."Paalala ni papa.


"At maglinis ka ng bahay habang wala kami. Ayusin ang paglilinis ah. Dapat walang alikabok." Paalala naman ni mama.




"Oo na po. Sige na ingat po sa byahe,"nakangiti kong wika.



Sumakay na sila sa kotse saka ko binuksan yung gate. Kumaway ako habang nakikitang papalayo yung kotse. Hindi ko mapigilang mapangiti.





Whooohoo!!



Wala sila mama, papa at pati na rin ang dalawa kong makukulit na kapatid. Pupunta  kasi sila sa probinsya. Dalawang araw lang naman sila doon pero atleast ma so-solo ko ang TV ngayon. Halos mapatalon ako sa tuwa.




Mas masaya ako ngayon dahil syempre comeback stage na ng favorite boy group ko.




Syempre walang iba kundi ang Bangtan Sonyeondan o kilala din bilang BTS. Nakakaproud lang unti-unti na silang nakikilala. Nag sikap talaga sila ng husto. From Nobodies to Legends. Parang kailan lang nahihiya pa silang mamigay ng mga flyers para lang may pumunta sa free concert nila dati. Pero ngayon hindi na magkamayaw yung mga fans na gustong pumunta sa concert nila. Ang dami na nilang na achive. Minsan naiiyak ako sa mga pre-debut photos nila. Kasi ang liliit pag nila tingnan doon. Parang mga totoy pa tapos ngayon sobrang gwapo na. Pang international models na ang datingan.


So ayon na nga manonood na ako. Nakapwesto na ako sa brown naming sofa habang may hawak na potato chips. Ang tagal ko ng hindi nakakapanood ng TV. Maswerte talaga ko ngayon dahil walang pangingialam sa panonood ko. Sakto at mag co-comeback sila. Yung comeback song nila ay DNA!




Ang saya saya manood kapag walang istorbo. Lagi na lang kasing cartoons ang pinapanood ng mga kapatid ko kaya bilang ate mag paparaya ako sa kanila. Kahit gusto kong manood ng TV, sila na lang ang pinapapanood ko.
Okay lang, mga bata pa kasi sila. Minsan lang naman sila bata kaya pag bibigyan ko na. Pagsasawaan din naman kasi nila yan kapag lumaki na sila.



"Myghad!! Bangtan Sonyeondan na!" Malakas kong sigaw.




Ayan na napapasigaw na ako. Mag iingay na ako ng sobra. Susulitin ko na 'to! Walang mananaway sa akin ngayon.

Napatalon ako lalo ng makita ko si Kim Taehyung sa screen. Mahal ko naman silang lahat pero iba talaga epekto sa akin ni Taehyung.



Yung mga mata nya, yung jawline nya yung ilong nya, yung ugali nya na parang galing sa ibang planeta–dahil sa mga iyon ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya.




Alam kong mahal ako ng mga bias ko. Kaya lang mahal lang nila ako as a FAN. Pero okay na din yon atleast alam kong mahal nila ako.



Marami na din talaga akong fandoms na nasalihan. Kumbaga 'multifandom' na ako. Kaya naman pag ka nag kakaroon ang Fanwar, kaming mga multiFandom ang naghihirap. Dahil hindi wala kaming makampihan dahil parehas na mahal ang fandoms. Alangan namang awayin ko sarili ko. Edi nagmukha na akong baliw no'n.





Being a Fangirl or Fanboy is really hard. Kasi nag mamahal ka ng mga taong hindi ka kilala. Maybe  kilala ka pero  bilang TAGAHANGA lang. Di ba? Ang sakit pero ok lang. Sanay na ako.



Iniisip ko paano kaya kung makita ko na ang idol ko?

Ano kayang magiging reaksyon ko?



Paano kung maging kami ng mga Bias ko? Kahit isa lang sa kanila..




Hahaha Baliw na talaga ako! Pero alam ko namang hindi yon mangyayari. Pinag papantasyahan ko na naman aking mga bias.  Dadalasan ko na talaga ang pagkain ng krimstix.




Nakatutok lang ako sa screen ng tv at talagang tinitingnan ang dance moves nila. Ang galing talaga dahil sabay sabay silang pito. Napapatalon tuloy ako dahil sa performance nila.




Ang gaganda–este ang ga-gwapo ng nag pi-performe. Myghad!!




Ng matapos yung performance ng Bangtan Sonyeondan ay nagpunta ako sa ref para kumuha ng makakain. Parang gusto ko ng matamis. Kasi maalat na masyado yung panlasa ko dahil sa potato chips. Pagbukas ko ng freezer ay kaagad na bumungad sa akin yung rocky road ice cream na sobrang favorite ko. Kaagad ko itong kinuha saka bumalik sa pwesto ko.


Sinilip ko muna yung lalagyan kasi baka mamaya isda lang pala yung laman. Si mama naman kasi ang hilig maglagay ng isda sa lalagyan ng ice cream. Minsan tuloy pakiramdam ko napa-prank ako sa twing bubuksan ko yung lalagyan ng ice cream at isda pala yung laman. Mabuti na lang ngayon at ice cream talaga yung laman nito.




Habang nakaupo sa sofa ay muli kong kinuha yung remote para hinaan muna yung volume. Medyo matagal kasi yung commercial. May iba pa kasing girl or boy groups akong papanoorin.




Kinuha ko na muna ang cellphone ko saka dumiretso sa twitter. Nag trend kaagad yung performance nila. Number 1 spot. Ibang klase talaga epekto nila. Kaagad akong nag tweet sa hashtag na nag trend at muling ibinaba yung cellphone ko.





Nakatutok lang ako sa TV ng biglang may nakakasilaw na liwanag ang biglang nag flash sa TV.



Hala?! Ano To?! Kinukuha na ba ako ni Lord?! Wag naman sana Marami pa akong pangarap. Hindi ko pa nakikita mga Bias ko. Hindi pa ako nakakapunta ng South Korea. Ok ang oa ko na.




Napapikit ako sa sobrang liwanag. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Unti-unti akong nakaramdam ng kaba. Kakaiba sa pakiramdam habang nakapikit ako. Parang nahihilo ako pero ayoko muna dumilat. Para akong nakasakay sa washing machine na patuloy na umiikot. Ng tumigil na ang pag-ikot ay  dahan-dahan akong dumilat at nakita ko ang kulay bughaw na kisame.





Teka? Parang hindi naman ganito yung pagkakapintura ng bahay namin. Hala?! Nasaan ako!?
















Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon