Dream 06

174 75 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



-Hilary-

Nakita ko na nagulat sya ng magtagpo ang paningin namin. Sumeryoso naman sya ng tumingin kay Zack.

"Nag aanatay si mama sayo sa labas. Aalis na raw kayo,"seryosong wika ni Zane.

Pinagmamasdan ko lang sya. Kahit nakatayo lang sya ang lakas talaga ng dating nya sa akin. Nakasuot sya ng puting jacket na may red na t-shirt sa loob at nakahawi pa pakanan yung brown nyang buhok.

Kaagad namang tumayo si Zack at tinapik yung ulo ko. "Magkita na lang tayo mamaya."

Nginitian ko naman sya at tumango.

"Uy Zane nakita mo ba yung kaibigan ko? Hinahanap ko rin kasi sya kanina." Lumapit naman si Zack kay Zane na seryoso pa rin ang tingin.

Hindi ako chismosa pero kasi naman naririnig ko silang nag uusap.

"Aba! Ewan ko. Hindi ko alam kung nasaan ba yung kaibigan mo na 'yan," mabilis ba sagot naman ni Zane.

"Ah ganoon ba.. Baka umalis na sya. Ang tagal kasi naming nagtaguan,"malungkot na wika ni Zack saka tuluyan na umalis.


Ng umalis si Zack ay muling tumingin sa akin si Zane. Yung mukha nya napakaseryoso. Bigla tuloy akong kinabahan. Dinaig ko pa yung mga nakagawa ng krimen parang ikukulong ako ni Zane. Ikukulong sa bisig nya? Ay shocking mays! Ba't ang harot ko?!

Kaagad akong umiwas ng tingin at itinuon ang sarili sa iniinom ko. Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Zane. Nakatayo lang sya sa gilid ko.

"Nandito ka na naman?"Tanong nya gamit ang pinakamalalim nyang boses.

Dahil sa boses nya ay parang hindi ako nakahinga. Nagtayuan  yung mga balahibo ko. Kakaiba talaga ang epekto nya sa akin. Bakit ba kasi kahawig nya si Taehyung?! 

"S-syempre nandito ako,"sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya.

Hindi ko alam kung titingnan ko ba sya. Mukha kasi syang galit.

"Bakit ba kasi bigla-bigla ka na lang sumusulpot?"Tanong nya ulit.

"S-sinabi ko na sayo. Hindi ko alam kung bakit ako bigla na lang lumilitaw dito."

"May iba pa bang nakakita sayo maliban sa kapatid ko?"Sinubukan kong tumingin kay Zane pero seryoso ka rin talaga sya.


Para syang tatay na inaantay sumagot ang anak nya. Daddy na ba sya nyan?Ay ayoko nga pala ng daddy baka makasuhan sya ng child abuse. Wait, tama ba? Hindi naman kasi ako magaling sa mga batas. Ah basta 'yon na 'yon

"Sa totoo lang hindi ko alam kung may iba pang nakakita sa akin kasi naman nawalan ako ng malay kanina," muli kong tugon habang hinihigop yung bughaw na likidong nasa tasa.

Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon