Dream 28

116 35 0
                                    

-Hilary-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-Hilary-

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at kaagad na kumurba ang ngiti sa aking labi dahil sa nakita. Siguro nga panaginip lang ito. Ang ganda pagmasdan ng mukha nya.

"Magandang umaga," nakangiti kong bati sa kanya.

"Magandang umaga. Mukhang masarap ang tulog mo ah," wika ni Zane saka hinawakan ang pisngi ko.

Tumango naman ako at ngumiti. "Napagod lang ako kahapon."


"Bakit? Ano bang ginawa mo kahapon?" Nagtatakang tanong ni Zane.


"Ahh..ano kasi lumabas ako kahapon. Naglakad- lakad lang gano'n," ngumiti ako ng alanganin kasi baka magalit sya.

"May nakakita ba sayo?" muling tanong ni Zane.


Napaisip ako bigla. Leche Flan naman! Oo nga pala nakita ako ni Zack pero syempre hindi ko pwedeng sabihin na nagkita kami. Umiling-iling naman ako saka sya niyakap ng mahigpit. Napagtanto ko na hindi talaga ito panaginip dahil nayayakap ko sya ng mahigpit at naamoy ko sya ngayon. Gustong-gusto ko talaga itong amoy nya. Amoy Vanilla kasi sya.


"Ikaw, ano pala ginawa mo kahapon?" Tanong ko naman.


"May dineliver lang ako. Utos ni mama kaya di ako pwedeng sumuway. Mukhang inaantok ka pa. Matulog ka na muna maaga pa naman." Kumalas sa pagkakayakap si Zane at muli akong kinumutan.



Hindi na ako umimik dahil talagang masyado pang mabigat ang talukap ng mga mata ko. Ang sarap pa naman mahiga sa malambot na kama.




Nang tuluyang ng magising ang diwa ko ay bumangon na ako sa kama. Wala na si Zane sa tabi ko pero sigurado naman akong nasa dining area na sya. Nag unat unat muna ako saka tumalon talon bago magpunta sa banyo. Kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayong makakasama ko na naman si Zane sa araw na ito. Hinding-hindi ako magsasawa na makasama sya. Hindi naman 'yun dahil sa gwapong nilalang sya, 'yun ay dahil sa may mabuti syang puso at masaya talaga syang kasama. Magkasabay kaming kumain ngayon at natatawa talaga ako kapag ang kalat nyang kumain. Para talagang bata.


"Nga pala, saan pala galing yung mga berries na nasa basurahan? Ikaw ba kumuha no'n?" Tanong sa'kin ni Zane habang nakaturo sa basurahang nasa gilid ng counter.


Malay ko ba dito kay Zane kahit saan lang nakalagay yung mga basurahan dito sa bahay. Napatingin naman ako doon sa basurahan at naalala na nagkita pala kami ni Zack kahapon. Sya talaga ang nagbigay sa akin ng mga prutas na mukhang atis pero strawberry ang lasa. Syempre nakabisado ko na ang lasa ng strawberry dahil madalas kumain ng ganon si Velia. Pambihira talaga ang babaeng yun masyadong adik sa strawberry. Kamusta na kaya sya?

"Uy Hilary, okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Zane.

"Ahh–Huh? May sinasabi ka ba?" Mag kukunyari na lang akong lutang baka sa kakaling di na nya ako tanungin.

Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon