-Hilary-
Lumingon-lingon ako sa paligid pero iba ang nakita ko.
"Hoy babae! Bakit ka narito sa Galaxy Garden?"Kumurap-kurap ako ng makita sya.
"S-suga? Yoongi? O Yoonji?" Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko sya.
Nakakunot-noo naman nya akong tiningnan. Yung itsura nya parang nandidiri.
"Ano bang pinagsasabi mo riyan? Tinatanong pa kita, bakit ka ba nandito?" Muli nyang tanong pero natulala ako sa mukha nya.
Yung itsura nya kasi kamukhang-kamukha nya si Suga pero mukha naman syang babae. Maikli yung buhok nya na lagpas tenga pero hindi naman aabot sa balikat at napakaputi nya na parang lumaklak sya ng sandamakmak na gluta.
"Hoy! Sumagot ka nga!" Sigaw nya at pinaglagitik pa yung daliri nya sa mukha ko.
"Ay ano po kasi hindi ko alam! Wala akong alam. Inosente po ako. Wala akong ginagawang masama," sagot ko kaya biglang tumawa si Suga na mukhang babae.
"Baliw ka ba?" Tanong nya sa akin habang nakapameywang.
Infairness ah ang sexy nya. May curves talaga sya at napakakinis pa ng kutis. Kaya ko 'yon nasabi dahil nakasuot sya ng maid na uniform na sobrang fitted sa kanya. Syempre kulay black and white at may puting lace sa ulo nya. Naka takong pa sya na black at hanggang ankle lang yung medyas.
"Luh hindi ako baliw ah. Ano pala name mo?" Tanong ko at nakita ko naman syang ngumisi.
"Bakit gusto mong malaman ang pangalan ko? Ni hindi mo pa nga nasasagot yung tanong ko." Nakacross arms pa sya habang nakatingin sa akin.
Tiningnan nya lang ako saka umiling-iling. Napatingin din ako sa sarili. Nakasuot naman ako ng school uniform at maayos naman ako.
May kinuha sya sa bulsa nya. Mukhang parihabang salamin. Talagang transparent lang. Teka? Di ba transparent na yung salamin? Ah basta ganoon.
Pinindot-pindot nya yung salamin at tumalikod sa akin. Parang may kausap sya doon sa salamin na yun. Parang cellphone pero transparent lang. Ay wow! High tech pala sila rito?
Dahan-dahan akong tumayo at mabilis na umatras. Lumingon naman sa akin yung kamukha ni Suga kaya naman tumakbo na ako ng mabilis.
"Hoy! Ikaw! Bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos mag usap!" Sigaw nya pero hindi ko iyon pinansin at kaagad lang na tumakbo.
Napangiti ako ng makita yung maliit na bahay na pinagtaguan namin ni Zane bago ako tuluyang makabalik sa bahay ko. Mabilis akong pumasok sa loob at kinandado ang pinto. Napahawak ako sa dibdib at pinakalma ang sarili. Isusumbong siguro ako ng babae kanina na kamukha ni Suga.
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...