Dream 13

136 59 0
                                    

-Hilary-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-Hilary-

"Ate! Ate! Gising ka na ba?!" Sigaw ng kapatid kong si Mar.

"Ate! Wake up if you're still sleeping!" Sigaw naman ni Wakky at patuloy nilang kinakatok ang pinto.

Nakakaloka naman ang dalawang 'to. Balak pa ata nilang gibain yung pinto ng kwarto. Napahilamos na lang ako ng mukha bago sumigaw.

"Gising na ako! Pwede ba,wag nyong gibain yung pinto!" Kailangan kong sumigaw hindi nila ako maririnig kung mahina yung boses ko dahil malakas pa rin yung ulan sa labas.

Tumigil naman yung pagkatok nila. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay muli silang kumatok. Hindi nga katok kasi parang sinisipa na nila yung pinto. Napabuntong-hininga na lang ako at hinilot ang lang sintido. Wala akong bangs pero langya! Ang sakit sa bangs ng dalawa kong kapatid.

"Kapatid mo ba sila?"Tanong ni Zane saka itinuro yung direksyon ng pinto.

"Oo, mga kapatid ko sila. Hindi naman halata na baliw sila di ba?"sarcastic kong tanong.

Napaisip naman si Zane. "Hmm..Hindi naman. Mukhang okay lang."

Isa pa 'to. Lalong sasakit ulo ko sa kanila.

"Ate! Buksan mo yung pinto! Napapalibutan ka na namin!" Sigaw na naman ni Mar.

"If you don't open this door we will destroy it!" Sigaw din  ni Wakky.

Ang gagaling talaga. Tinakot pa ako.

"Teka lang naman!" Sigaw ko saka tumayo.

Hinatak ko muna si Zane papunta sa gilid ng pinto. Baka kasi makita sya kaagad. Mas maigi na kung nasa gilid sya ng pinto para kapag binuksan ko hindi sya makikita ng makukulit kong kapatid na pinaglihi ata sa kiti-kiti. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay malakas na sipa ni Wakky ang bumungad sa akin.

"Aray!" Sigaw ko at napaupo.

Nasipa nya yung binti ko. Takteng bata are! Sa lahat na ng bubungad sipa nya pala talaga napunta sa akin.

"Hala! I'm so sorry ate!" Lalapit sana sya sa akin pero itinaas ko na yung kanan kong kamay para patigilin sya.

"Huwag ka na muna lumapit," sabi ko habang tinitiis pa rin yung nanunuot na sakit.

"Sorry talaga ate," nakayukong wika ni Wakky.

"Lagot ka Wakky. Sinipa mo talaga si Ate. Isusumbong kita kay mama!" Pananakot ni Mar saka lumayo sa pinto.

"Hala?! Bakit ako? Ikaw kaya nagsabi na sipain natin yung pinto para magising si ate!" Naiiyak na wika ni Wakky.

"Tumigil na nga kayong dalawa! Okay na ako. Hindi naman masyadong masakit. Huwag ka na umayak Wakky. Okay lang si ate," paninigurado ko niyakap si Wakky.

"Ako ate? Hindi mo yayakapin?" Tanong ni Mar habang kinukurap-kurap pag ang  mga mata nya.

"Sige halika rito," malapad akong ngumiti  saka lumapit sa kanya pero tumakbo naman sya papalayo.

"Joke lang pala. Ayoko pala magpayakap sa panget," wika nya saka tumawa ng malakas.

"Wow ah! Mas panget ka!" Sigaw ko.

"Bakit nyo pala ako ginising ng maaga?" Tanong ko kay Wakky na nakayakap pa rin sa akin.

"Kasi, ate si mama. Sabi nya, we should wake you up. Because mama said that we are going to province again this morning." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Pati ako kasama?" Tanong ko habang nakaturo sa sarili.

Tumango-tango naman si Wakky. Hala! Paano si Zane?

"Ahm..Tingnan ko muna yung schedule ko ngayon. Punta ka na muna kina mama at papa. Mag aayos lang ako rito sa kwarto." Tumango naman si Wakky sa sinabi ko saka sya tumakbo palayo.

Muli kong isinarado ang pinto at nag-isip kaagad ako ng pwedeng pagtaguan ni Zane habang wala ako. Tiningnan ko yung cabinet ko kaso lang masyado naman itong maliit. Napakarami na kasing mga damit na nakalagay dito pero yung iba naman hindi na kasya sa akin.  Napatingin ako sa study table ko. Mukhang kasya naman sya sa space sa ilalim. Sinenyasan ko si Zane na lumapit sa akin.

"Bakit?" Tanong nya ng makalapit sa akin.

"Try mo nga kung kasya ka dyan." Tinuro ko naman yung ilalim ng study table ko.

Sumuot naman sya kaagad sa ilalim at napangiti ako ng nagkasya sya. Mukha syang bata na nakaupo.

"Dyan ka na lang muna. Kakain lang kami ng agahan. Dadalhan na lang kita ng pagkain pagbalik ko. Kapag may papasok dito sa kwarto ko dapat tahimik ka lang. Matatakpan ka naman nitong upuan ko kahit papaano.  Basta dyan ka lang ah," pag papaalala ko.


Tumango-tango naman sya kaya napangiti ako saka dahan-dahang lumabas ng kwarto.

~°~°~

"Ma, ngayon na talaga tayo aalis?" Tanong ko saka naupo.

"Oo, bakit? Hindi ka na naman sasama?" Tanong ni mama sa akin habang nakataas ang kilay.

"Ahm..Ano po kasi..."napayuko na lang ako sa tanong ni mama sa akin.

Madalas kasi talaga akong hindi makasama kasi naman ang dami kong ginagawa. Hindi ko naman pwedeng iwanan kasi hindi naman mag-isang magagawa yung mga assignment at project ko. Tapos kapag naman dadalhin ko sa probinsya yung gawain ko limitado lang yung materials na magagamit ko. At saka masyadong nangingialam yung mga pinsan ko baka magulo lang nila yung mga gawain ko.


Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi ko pwedeng iwan lang dito si Zane. Baka mamatay sya dahil walang ititirang pagkain dito. Sigurado akong dadalhin ni mama yung mga pagkain sa ref kasi baka masira. Lalo na ngayon na balak nila akong isama. Gusto pa naman ni mama  na halos dalhin na yung buong bahay kapag nauwi sa probinsya. Ok lang sana kung yung buong bahay talaga namin yung ipupunta doon para wala na akong problema ngayon.

"Lagi ka na lang hindi sumasama sa amin ate. Ang daya lang," nakasimangot na wika ni Mar.

"Oh? Bakit naman madaya?" nagtatakang tanong ni Papa.

"Kasi naman po si Tita. She's forcing us to eat those wierd vagetables," nakangiwing wika ni Wakky.

"But it's good for your health," nakangiti kong wika saka hinaplos ang maikling buhok ni Wakky.

Tinabig nya lang yung kamay ko at mas lalong ngumiwi ang mukha nya. "Arrgh! You should be with us. So that you could feel what we feel while tita was forcing us to eat."

"Alam nyo. Naranasan ko na yan at sinasabi ko sa inyo alam ko na ang pakiramdam. So it's time para maranasan nyo naman," natatawa kong wika.

Ganoon lang talaga si tita. Ayaw nya kasi sa mga batang hindi kumakain ng gulay. Kaya noong bata pa ako madalas nya akong kwentuhan ng kung anu-ano at pinipilit nya akong pakainin ng gulay kahit ayaw ko. Gumana naman sa akin yung pamimilit ni tita dahil ngayon ay mas nakain na ako ng gulay kumpara noong bata pa ako. Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng makarinig kami ng malakas na kalabog mula sa taas. Sigurado akong sa kwarto ko yun!

______

Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon