Dream 10

151 62 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



-Hilary-

Gusto kong malaman kung sino yung kausap ni Zane sa transparent nyang cellphone pero nanatili na lang ako sa pwesto ko. Nakakatuwa naman kasing maupo rito sa sofa nila. Napakalambot kasi.

Ilang sandali pa ay bumalik si Zane at napansin ko na parang namumutla sya.

"Uy Zane ok ka lang?" Tanong ko ng maupo sya sa tabi ko.

Unti-unti syang lumingon sa akin at nakita ko sa mga mata nya na may problema sya. Tiningnan nya lang ako at umiling-iling.

"Ano nga kasi iyon? Pwede mo naman sabihin sa'kin," nakangiti kong wika habang nakangiti.

"Ahm..Ano.." nakayuko nyang sambit at halatang nag aalangan syang sabihin sa'kin.

Tiningnan ko lang sya at inantay ang sasabihin nya.

"Papunta kasi rito sina auntie at uncle. Ayoko sa kanila kasi naman ang sasama ng ugali nila. Lagi pa naman nila akong pinapahiya," nakapout na wika ni Zane.

"Edi anong gagawin mo ngayon?" Tanong ko.

Tumingala sya sa kisame na parang nag iisip. Maya maya pa ay sumigaw siya bigla kaya halos mapatalon ako sa  gulat. "Alam ko na!"

Kaagad kong hinampas ang braso nya. "Wag ka naman sumigaw nakakagulat ka naman."

"Ay pasensya na hehe," nahihiya nyang saad saka kinamot yung batok nya.

Muli syang tumingin sakein at ngumiti ng malapad. "Tara gumala na muna tayo."

"Huh? Akala ko ba bibisita yung auntie mo?" Nagtataka kong tanong.

"Tatakas nga tayo para hindi nila ako makita. Tara na!" Hindi na ako nakaangal ng hilahin nya ako palabas ng kwarto.

Pagdating sa likod ng bahay ay ngumingiti-ngiti pa sya  sa'kin saka hinagis ang isang maliit na bola. Transparent ang kulay nito at nanlaki ang mata ko ng bigla itong lumobo at naging malaking bula. Muli akong hinatak ni Zane papasok sa loob ng malaking bula. Nakaramdam naman ako ng pagkakiliti habang  pumapasok pa lang sa bulang ito. Nakatayo lang ako sa likod ni Zane habang may pinipindot syang kung ano doon sa unahan ng bulang sinasakyan namin.


Napansin ko na dahan-dahang umaangat itong sinasakyan namin kaya naman napakapit ako sa braso ni Zane.

"Wag kang matakot. Safe naman tayo rito sa loob. Hindi tayo mahuhulog," nakangiting wika ni Zane saka naupo.

Ayan na naman sya sa ngiti nyang nakakatunaw. Sarap pisilin ng pisngi nya!

Naupo na ako sa tabi ni Zane at pinagmasdan ang paligid. Kakaiba ang lahat. Para akong nasa ibang mundo. Mula sa itaas ay makikita ang napakalawak na hardin ng mga vanilla flowers. Yun na lang yung tawag ko kasi lasang vanilla naman. Ngayon ko lang napansin na mukha ngang isang malaking galaxy ang hardin kaya siguro Galaxy Garden ang tawag.

Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon