-Hilary-
Napapikit ako habang dala ang kaba sa aking dibdib. Maya maya pa ay naramdaman ko na naman na parang nahuhulog ako. Nahihirapan akong huminga dahil para akong sinasakal. Sa pagdilat ko ay nakita ko kaagad ang makakapal na libro.
Lumingin-lingon ako sa paligid at hinahabol ang aking hininga. Napahawak na din ako sa aking ulo. Ano ba talagang nangyayari sa akin?
Napansin ko naman na nag vibrate yung cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ang cellphone dahil kakaiba talaga sa pakiramdam. Para kasi akong galing sa isang extreme ride. Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang nag message pala sa akin si Velia at nauna na syang umuwi. Hindi ko kaagad napansin na wala na pala rito yung mga gamit nya.
Baka naman masyado lang akong nababad sa pag aaral ngayong araw kaya ganito yung pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim saka inayos yung mga notebook at yung mga libro nang mapansin ko yung singsing na nasa gilid ng libro.
Kaagad ko itong kinuha at naalala ko yung ibinigay sa akin ni Zane. Ganitong-ganito yung binigay nya sa akin na singsing bago kami tumakbo sa magkahiwalay na direksyon. Napabumuntong-hininga na lamang ulit ako at inayos ang aking gamit.
~°~°~
Nakakalungkot na pahirap ng pahirap yung pinagagawa sa amin. Habang umaabante ang oras ay kailangan kong gumawa ng napakaraming mga assignment at project. Minsan nakakabaliw pero keri lang, kakayanin. Para sa pamilya, kaibigan at sa buong sambayanan. Oppss ang nasobrahan lang ako sa kape hahaha.
Nabigla naman ako ng may magsalita sa gilid ko.
"Ate, bakit napakarami ng mga picture sa harap mo?" Tanong ng kapatid kong si Mar habang pinagmamasdan yung mga picture.
Nakakagulat din talaga 'tong batang 'to. Bigla bigla na lang nasulpot.
"Syempre mga inspirasyon ko yang mga yan. Dapat kasi infires!" Proud kong saad.
"You mean inspired," nakataas kilay na wika ng kapatid kong si Wakky.
"Ay nag-iba na be, di mo alam?" Natatawa kong wika saka hinampas ng mahina ang braso ng katabi kong si Mar.
Kahit kailan talaga napakapakilamero at pakilamera ng mga kapatid ko.
"Tss, nababaliw na talaga si ate," saad ni Mar saka umalis sa gilid ko habang hawak ang kanan nyang braso.
"Yeah, she's really crazy." Tumalikod na rin si Wakky at umalis.
"Hoy! Grabe kayo sa akin ah. Ang cute kaya nila!" Sigaw ko saka muling tiningnan yung mga picture.
Karamihan ng nasa harap ko ay meme pictures. Kasi naman nakakatawa talaga kaya nga meme. At saka akala ko dati ang basa dyan me-mes ang tama pala ay mims. Tinawanan talaga ako ni Velia ng marinig nyang sabihin ko yan. Akala ko naman kasi ganoon yung basa. Aba! malay ko ba na iba pala yung pag-pronounce.
Nagpatuloy ako sa paggawa ng mga assignment at project. Tapos natatawa ako kapag nakatingin sa mga pictures. Tama nga yung mga kapatid ko. Nababaliw na nga ako. Baliw na baliw sa kanila. Wala e, sila yung naging inspiration at destruction ko, both talaga haha.
Napahawak tuloy ako sa singsing na ngayon ay ginawa ko ng kwintas. Nilagyan ko kasi ng tali para maikwintas ko. Ayoko ng malayo sa akin 'to. Bigay nga sa akin 'to ni Zane na kamukhang kamukha ni V. Sana lang makita ko ulit sya. Halos isang buwan na rin ng huli ko syang makita. Kamusta na kaya sya? Ano kayang ginagawa nya ngayon?
Baka naman nanonood lang yun sa malaki nyang tv na gawa sa salamin. Parang every time na nandoon ako pakiramdam ko nasa future ako. Kasi ba naman yung mga nakikita ko parang yung mga nasa movies na pang future.
Nakakatakot lang kapag nandoon ako kasi naman hinahabol kami palagi ng mga dreambots. Hindi talaga nila ako tinatantanan. Ano yun imbestigador lang?
Nang matapos ang hapunan ay kaagad akong nagligpit at dumiretso sa kwarto. Isang maliit na kama at study table lang naman ang meron ako. Iisa nga lang yung poster ko ng bangtan Sonyeondan na pinaghirapan ko pang idikit sa kisame. Wala akong maraming merchandise gaya ng iba. Wala akong mga album at lightstick at lalo ng wala akong pera pampunta ng concert. Gusto ko sana na magtrabaho kaso hindi kakayanin ng schedule ko at napakarami pa ng pinapagawa plus 16 pa lang ako. Yung ibang trabaho madalas 18 yung tinatanggap na edad.
No choice na ako at mag aaral na lang ng maigi. Balang araw naman makikita ko sila. Kapag dumating ang araw na iyon ay isisigaw ko ng malakas ang mga pangalan nila at sasabihin na mahal na mahal ko sila. Kasi sila yung mga taong naghatid ng kasiyahan sa buhay ko. Aanhin ko pa ang jowa na sasaktan lang ako, Kay bias na lang tatawa pa ako sa mga pictures nyang pang meme.
Naupo na muna ako sandali at ngumiti. Bagong araw na naman bukas. May gagawin na naman ako.
Tuluyan na akong nahiga at binuksan ang aking pinakamamahal na cellphone. Paano ba naman kasi itong cellphone ko yung una kong tinitingnan sa umaga at ito pa rin ang huli kong hawak sa gabi. Oh di ba? Mahal na mahal ko talaga. Mas lalo akong sumaya ng makita no yung wallpaper. Walang iba ang pinaka una sa listahan ko ng mga bias na lalaki. Si Kim Taehyung a.k.a V . Nakakahawa lang yung ngiti nyang rectangular.
Minsan isip bata sya lalo na kapag off cam pero napaka hot naman kapag on stage na. Parang from uwu to grr. Basta ibang-iba sya. Kaya nga mas lalo ko syang nagustuhan kasi dahil sa ugali nya.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ng bumibigat ang talukap ng aking mga mata.
"Good Night," wika ko habang nakangiti.
Rinig na rinig ko na naman yung panabong na manok ng kapit bahay kahit pa malakas ang ulan sa labas. Napangiti ako habang naririnig ang malalakas na patak ng ulan sa aming bubungan. Niyakap ko pa ng mahigpit yung tandayan ko. Napakainit ang sarap talagang yakapin. Kaso nagtaka ako kasi biglang gumalaw at niyakap ako pabalik. Kaagad akong napadilat at nakita ko sya.
Whoay! Bakit sya nandito?
----
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...