Chapter 2
"Ashia! Sige na, please! Gusto nga kitang maging friend!"
I was wearing my eyeglasses when Venice bugged me again just like what she's doing for the past few days. It's been a week since she started interacting with me in the church sa Youth Ministry.
Papasok na sana ako sa classroom ko suot-suot ang eyeglasses dahil kakaiyak ko kanina lang. As usual, kung anu-ano na namang masasakit na salita ang binato sa 'kin ni Mama. I was used to it but it doesn't mean that it's not painful anymore. She's my weakness. Kahit anong gawin kong pagpapatatag sa sarili ko, hindi ko nagagawa sa t'wing binabatuhan niya ako ng masasakit na salita.
Patuloy lang akong naglalakad kaya para siyang tuta kung makasunod sa akin sa likuran. Para matigil siya ay huminto ako at nilingon siyang kasalukuyang nag-puppy eye.
"Write an essay that will consist with one thousand words with the topic about the reasons why you want me to be your friend. Hindi ako ideal friend kaya gusto kong malaman kung anong dahilan mo," saad ko na ikinanguso nito.
I'm serious, honestly. Pagkatapos kasi ng team building last week ay parang iniiwasan na ako ni Shiela, at hindi na ako pinapansin sa school na parang hangin.
Not that I am craving for her attention. I'm just curious why kasi hindi naman siya nagkakaganiyan agad. Matapos akong pinilit na maging kaibigan, hindi na papansinin na parang hangin? I'm thinking the same about Venice.
That's why I don't want to involve myself to anyone. Mabuti na lang at hindi ako gaanong na-attach sa presensiya ni Shiela dahil kung ganoon, perhaps all I did last week was to overthink where did I go wrong.
I don't give a shit. Who is she, anyway?
I'm proud of myself because I don't settle for less.
"Got it, Ashia! Kahit hindi ako kasing talino mo, kahit mahirap gumawa ng essay, gagawin ko para lang makuha ang matamis mong oo! Char lang, para naman akong nanliligaw. Basta asahan mo, ha? Kailan ba deadline?" Her eyes scream genuineness and I feel like she really wants to befriend me.
"No, I was just kidding. Don't take it seriously. I'll go ahead," paalam ko na sa kaniya dahil naiirita na.
Hindi naman talaga ako seryoso roon dahil ayaw kong magpahirap ng tao para lang makuha ang atensiyon ko. I am not made of gold. Para lang din akong nagpapabayad. I just really want to test her because I don't want fake people to enter my life.
Shiela's fake. Napipilitan nga lang akong tulungan siya last year sa academics kapag lumalapit sa t'wing may kailangan. It suffocated me, but not too much because I didn't get attached.
But momentarily that she's avoiding me or whatever, it seems like it is my freedom. One of the reasons why I want to be left by her because I don't want someone to use me. Ang natitirang buwan ng school year last year ay tiniis ko ang paggamit niya sa 'kin dahil naaaawa rin ako sa kaniya.
My pity for her prevails than my annoyance . Her grades were low, and I saw her one time being scolded by her mother because of her low grades. I am somehow relatable to her because my mother also does that. It triggered a lot of memories and my childhood trauma.
Pero ngayon, hindi ko alam ang masasabi o maramdaman kung sakaling lalapit ulit siya sa 'kin dahil lang may kailangan after a week of being so distant from me.
The whole period of class went well. Hindi man ako palasalita para sa interaction kasama ang ibang tao, nababawi ko naman 'to sa klase. I don't want to disappoint my mother. Hindi niya ako binibigyan ng pakialam pero sa grado ko, may pakialam siya.
Pumasok si Shiela pero ni isang tingin ay hindi niya ako tinapunan. I don't really care.
"Yssa, alam mo ba pangalan ng gwapong lalaki last week sa team building na nakatitig ata sa 'kin? Char. 'Yong lalaking matangkad at maputi, malinis ang pagkakaayos ng itim na itim na buhok, ang ganda at ang amo ng mga mata, ang ganda ng kurba ng lips, parang kissable, at ang tangos din ng ilong! 'Yong palaging nakangiti at may nunal malapit sa bibig! Alam mo pangalan?" Narinig kong tanong ng isang babae sa kasama niya sa locker room ng mga babae. Pamilyar ang nagtanong dahil isa siya sa mga katabi ko last week during taize prayer sa youth.
BINABASA MO ANG
Mended Broken Souls (✔️)
Teen FictionFATE SERIES #1 They say that love starts at home and can be felt there with your family in flesh without exchange. However, it was different from Ashia Julienne's case, as she learned to build a cold and indestructible facade in order to cover up he...