Chapter 26
"Anak, ano nga ulit 'yong sasabihin mo?"
Kanina pa ako palakad-lakad sa sala dahil hindi ako mapakali. Hindi ako pinatulog ni Caleb dahil sa sinabi niya kahapon.
Is he not afraid of my mother? I'm sure she wouldn't let him court me if this is the case. I wish he just asked me straightforwardly. Hindi pa ako handa.
No, I mean I'm ready to be courted, but not in this way where we would surely face my cruel mother. However, seeing his face yesterday while saying those words, he seemed determined to ask permission from my parents.
Ewan, hindi ko na alam. Wala siyang sinabing oras kaya hindi ko alam kung mag-aayos na ba ako ngayon o ano. Kinakabahan din ako dahil baka kung kakatok na siya, si Mama ang makabubukas. My mother is still sleeping.
Alas singko y media ako nagising para magsaing at magluto ng ulam. Alas sais kinse na ngayon at katatapos lang namin kumain ni Papa at ni Akisha na maaga ring nagising sa hindi ko alam na dahilan.
"Pa... Caleb will be here anytime today to ask permission from you and from Mama to court me," diretso kong sagot at napapikit sa kaba.
"Ate? Pupunta rito si Kuya Caleb?" Akisha asked.
Kakatapos niya lang kumain nang tumabi agad siya sa 'kin sa sofa. Narinig kong tumikhim si Papa kaya napatingin ako sa kaniya. He was already smiling.
"Alam ko, Anak. Nag-usap kami kagabi sa labas. Sinabi niyang pupunta siya rito ngayong umaga para humingi ng permiso sa aming ligawan ka."
"What?! Bakit hindi ko kayo nakita o narinig kagabi?" I exclaimed. He didn't say that last night through chat!
Tumawa siya nang makita ang gulat kong mukha.
"Tulog ka na kasi sa oras na iyon. Maaga kang natulog dahil na rin siguro sa pagod."
I calmed myself and breathed heavily.
"Ano po 'yong ligaw, Ate?"
"Akisha, hindi mo pa maiintindihan ang bagay na 'yon dahil bata ka pa," sagot ni Papa kay Akisha.
"Ate, ano po 'yon? Liligawan ka ni Kuya Caleb? Pero ano pong meaning no'n?" Bumaling si Akisha sa 'kin. Tumawa ako dahil ang inosente niya pa.
"Ganito na lang. Crush ni Ate mo si Kuya Caleb mo at crush niya rin ako." Iyon lang ang sinabi ko dahil mas maiintindihan niya ang salitang crush.
She smiled widely. "Talaga po? Crush n'yo ang isa't-isa?"
I just nodded.
"Akisha, p'wedeng iwan mo muna kami rito ng Ate mo? May pag-uusapan lang kami," pakiusap ni Papa at ngumiti. Nakangiting nagpaalam si Akisha at pumunta sa taas.
"Wala po ba siyang sinabing oras?" I asked.
"6:30 iyong sinabi niya," he replied.
6:30?!
In panick, I brought myself in front of the mirror in our sala to check on myself. Inalis ko agad ang muta sa kaliwang mata ko at may panis pa'ng laway. I shamelessly removed all of those.
Sa pagmamadali kong maghanda kanina sa kusina, hindi ko na natingnan pa ang sarili sa salamin. Hindi man lang siya nagsabi kahapon kung anong oras kaya ganito ako kataranta ngayon.
"Hindi mo naman na kailangan pang mag-ayos sa sarili, Anak, dahil maganda ka naman kahit ano pang ayos mo. S'yempre nagmana ka sa Mama mo."
"Pa, speaking of Mama, baka... hindi niya po papayagan si Caleb na ligawan ako."
BINABASA MO ANG
Mended Broken Souls (✔️)
Fiksi RemajaFATE SERIES #1 They say that love starts at home and can be felt there with your family in flesh without exchange. However, it was different from Ashia Julienne's case, as she learned to build a cold and indestructible facade in order to cover up he...