Chapter 36
TW: Self Inliction
"A-Ano pong sinasabi n'yo? Hindi po 'yan totoo!" I broke the deafening silence after he dropped the bomb. Tears started to cascade on my cheeks at the same time.
Napatingin ako kay Caleb at nakitang nakatulala lang ito sa 'kin. Naging mabigat ang bawat paghinga ko.
Their expressions told me that it was true because no one halted Caleb's father from telling it. Ramdam kong kanina pa sila nag-uusap dito noong nandoon pa kami sa plaza ni Caleb.
Binalik ko ulit ang tingin sa Papa ni Caleb. He was firmly shaking his head, and threw me a glance before throwing his attention to his son again.
"Hindi ako nagsisinungaling..."
"Then, give us a proof!" Caleb's voice raised. Parang nabaling na ang kaniyang atensiyon at hinanakit sa rebelasyong ibinunyag nito, not minding anymore about his outburst earlier about his father's reason of leaving them.
May kinuhang isang bond paper ang Papa niya sa malapit na table rito sa sala.
"Sa ilang taon kong paghahanap sa kapatid ko... ngayon ko lang siya nahanap. Natagpuan ko ang pamilyang kumupkop kay Albert, kahapon lang. Mula nang iniwan ko kayo, puro paghahanap lang ang ginawa ko dahil hindi ako tinitigilan ng konsensiya, lalo na't ako ang naging dahilan kung bakit siya nawala sa paningin namin ng mga magulang ko noon..."
Walang nangahas na magsalita nang magsimula siyang mag-kuwento.
"A-Anim na taong gulang pa lang ako at si Albert ay dalawang taong gulang pa kaya alam kong walang kahit ano siyang naalala... Nagkaroon kami ng f-family bonding sa park sa Maynila kung saan kami nakatira noon. Sa murang edad ko ay nakaramdam ako ng inggit sa kapatid ko dahil mula nang dumating ito ay wala na akong kahit anong atensiyon o pagmamahal na naramdaman mula sa mga magulang ko. Inutusan ako ng mga magulang namin sa oras na 'yon na bantayan ko muna siya dahil may b-bibilhin muna sila sandali sa malapit. Binantayan ko nga, pero nang maglakad siya papalayo dahil may nakitang kaaya-aya sa paningin niya ay hindi man lang ako gumalaw para kunin ito at 'wag palayuin..." Tears started to stream down on his cheeks again.
"N-Naisip ko kasi, mas mabuting mawala na sa piling namin ang kapatid ko para sa 'kin naman ulit ang buong a-atensiyon ng mga m-magulang namin. M-Makasarili ako dahil sa hangaring iyon na hindi rin naman nabigyan ng k-katuparan. A-Akala ko kasi, buong atensiyon na ang igugugol nila sa 'kin sa t-takot na baka mawala rin ako... Sa akin nila ibinintang lahat at labis ang galit na naramdaman nila sa 'kin nang hindi namin mahanap ang kapatid ko kahit nilibot na namin ang buong parke. Kahit ini-report nila 'yon sa police ay walang balitang nahanap ito..." Mas lalo itong humikbi.
"Ang i-inaasahan kong buong atensiyon ng mga magulang namin ay hindi ko natamasa dahil araw-araw nila akong s-sinisigawan dahil sa galit... D-Deserved ko 'yon dahil pinairal ko ang inggit at pagiging m-makasarili ko kaysa isiping k-kapatid ko iyong nawala... l-literal na p-pinabayaan ko lang. Hanggang sa lumaki ako... ganoon pa rin ang mga magulang namin sa 'kin. Patuloy pa rin silang naghahanap, kahit alam kong imposible na 'yon dahil sa tagal na ng panahon. Nang mag-asawa ako ay doon na naghari sa 'kin ang pagsisisi... Pagsisisi sa pagkawala ng kapatid nang dahil sa akin... At sa pagsisisi sa pagkamatay ng mga magulang namin na ang naging d-dahilan ay car a-accident dahil patuloy pa rin ang mga ito sa paghahanap sa kapatid ko. Nang dahil sa inggit at pagiging makasarili ko ay nangyari iyon..."
Hindi ko alam kung naikuwento na ba 'to kay Papa o hindi pa dahil kita ko ang gulat sa mga mata niya at ang labis na sakit na dumaan sa mukha nito.
Napatingin din ako kay Tita Elisse at Caleb, nakita ko rin sa mga mata nila na hindi sila makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Mended Broken Souls (✔️)
Teen FictionFATE SERIES #1 They say that love starts at home and can be felt there with your family in flesh without exchange. However, it was different from Ashia Julienne's case, as she learned to build a cold and indestructible facade in order to cover up he...
