Chapter 48
"S-Sinabihan ka niya?" Hindi pa rin ma-absorb sa isipan ko ang sinabi niya.
And... a letter? My father left a letter for me?
He slowly nodded.
I didn't notice the paper he was holding since earlier... an old vintage paper. Tinanggap ko ang nilahad niyang papel at hindi naialis ang tingin dito. The tears in my eyes begun to well up.
"Naalala mo 'yong sa birthday niya? Noong nagkuwento siya sa ating mga youth tungkol sa buhay pag-ibig niya noon? Kinuwento niya sa 'kin ang kulang sa kwento niya... at 'yon ay nagkaanak sila ng babaeng kinuwento niya bago pa siya naging pari. Nalaman daw niya 'yon nang tinanong niya ang babaeng tinutukoy niya dahil may napansin siya sa 'yo. Bukod daw sa bracelet na nasa kamay mo... ay nakikita niyang magkamukha kayo. Huli ko na ring napansing magkamukha nga kayo matapos niyang ikuwento sa akin... lalo na dahil nakita ko na rin ang picture niya noong binata pa lamang siya," he continued.
I fixed my eyes on him again, and saw how tears welled up in his eyes.
"A week before he met the accident, he requested to give that to you... Hindi ko alam kung bakit pero sa lagay ng pananalita niya, parang n-nagpapaalam na siya. S-Siguro nga... may mga s-senyales bago pumanaw ang isang tao..."
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha mula sa mga mata ko. At this moment... I just want to lock myself in a room and cry until my eyes will feel numb.
"A-Alam mo... close kami. Kapag wala sa simbahan ay tinatawag ko siyang Tito. Siya rin 'yong ka-kuwentuhan ko tungkol sa lovelife ko dahil tinuturing ko na rin siyang pangalawang Papa ko. K-Kaya nakakalungkot talaga 'yong biglaang nangyari sa kaniya..."
"You know what? I envy you... Nagkaroon kayo ng oras na maging close. K-Kung sana talaga..." I halted, and just took a deep breaths. What ifs started to enter my mind again.
Umiling na lang ako't pinilit na ngumiti.
I saw how pity passed across his face.
"Please don't pity me. I hate it," seryosong pakiusap ko.
He nodded slowly, and slightly smiled.
"Mana ka rin talaga sa kaniya, ano? Ayaw rin niyang kaawaan ko siya nang kinuwento niya sa 'kin lahat."
I bit my bottom lip to suppress my tears from bursting again. Marami kaya kaming pagkakapareha? Maybe... I will just ask my real mother.
"May iba pa ba siyang sinabi nang ipinabigay niya ang letter na 'to?"
He nodded. "Sabi niya... kapag n-namatay raw siya, ibibigay ko raw 'yan sa 'yo. Wala raw kasi talaga siyang balak sabihin sa 'yong siya ang tunay mong ama... hindi rin niya alam kung kailan sasabihin sa 'yo ni Ma'am Solace ang totoo. Hindi ko naman alam na next week pagkatapos niyang ikuwento sa 'kin lahat ay maaaksidente siya na naiuwi sa... pagpanaw."
I felt how my splintered heart shattered again. Look how fate really played well.
"May sulat din pala siyang pinapabigay kay Ma'am Solace, pero ako na ang magbibigay nito sa kaniya."
I took a breath profoundly again, avoiding my tears to cascade.
"May iba bang nakakaalam na anak niya ako?"
"My grandfather knows... pero tinupad naman nila ang sinabi ni Father na h'wag sabihin kahit kanino gano'n din ako kaya sa pagkakaalam ko, wala na."
I nodded, and forcefully smiled. "Thank you, Ivan."
"You're welcome. Hindi ka pa ba pupunta roon?" Tinuro niya ang kasalukuyang libing sa sementeryo.
Umiling ako. Tumango siya at in-obserbahan muna ako bago nagpaalam na pupunta na roon.
BINABASA MO ANG
Mended Broken Souls (✔️)
Teen FictionFATE SERIES #1 They say that love starts at home and can be felt there with your family in flesh without exchange. However, it was different from Ashia Julienne's case, as she learned to build a cold and indestructible facade in order to cover up he...
