Chapter 3
"Ashia! Miss me?" My forehead creased when someone hugged me from behind.
Nakahawak pa rin ako sa yellow pad paper na may lamang essay ni Venice. We're still outside the church. Venice was just smiling at me... but then, there's Shiela who interrupted us. There's Shiela who interacted with me again for the very first time after a month of being so distant from me.
I immediately removed her hands away from me because it's irritating me. Ayaw ko ng ganito. 'Yong aaktong parang normal na para bang walang nangyaring hindi pagpapansinan.
"I don't miss you at all," I coldly said before turning my back at her to finally enter the church.
I don't want to sugarcoat my words because that's the truth. There are no words I can sugarcoat.
Hindi pa masiyadong marami ang tao dahil wala pa namang ala una. Pabor din sa 'kin 'to dahil ayaw ko talagang naglalakad sa loob na maraming nakatingin. Ganoon kasi halos kapag maraming mas nauna. Hindi pa nagsisimula dahil wala pa ang iba.
"Bakit, Ashia? Ano bang nagawa ko?" ma-dramang tanong ni Shiela na mas lalong nagpakunot ng noo ko.
Really? I'm sorry, Lord, but I want to call her stupid. Pinansin niya ako ngayon dahil wala pa ang ibang kaibigan niya ngayon sa Youth Ministry. What a stupid user that she is.
I immediately sat on one of the long chairs in the church on the second row where the other youth servants were sitting while having a conversation to each other.
Naramdaman ko ang dalawang presensiyang umupo sa tabi ko. Si Venice na nakatingin nang masama kay Shiela na nasa kanang tabi ko at si Shiela na nakangusong napatingin sa 'kin. Mas lalo lang sumama ang timpla ng mukha ko.
"Really, Shiela? After a month of being so distant from me, you are asking that?" walang emosyon kong turan habang ang mga mata ay nasa harapan lang. Kulang na lang ay itanong ko sa kaniya kung tanga ba siya.
"Oo nga naman, Shiela! Kapal naman ng mukha mo!" sabat ni Venice.
"Sino ka naman? Bagong kaibigan ni Ashia? Ay oo kilala nga pala kita. Oh, ang cheap naman pala ng taste mo, Ashia."
There she is, showing her true colors. Alam kong ganiyan talaga ang tunay na ugali niya dahil inoobserbahan ko 'yon noon pa.
"Anong cheap? Alam mo, Shiela, umalis ka nga rito. Nandidilim paningin ko sa 'yo."
"Ikaw ang umalis. You don't own the church kaya bakit mo ako pinapaalis?"
"Dahil epal ka! Ilang linggong nananahimik si Ashia tapos ngayon manggugulo ka ulit? Tatanungin ano bang nagawa mo? Alam mo, ang tanga mo literal."
Halos magsigawan na silang dalawa sa harapan ko kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
"Enough. You are both stupid so no need to have a nonsense argument in front of me. Nasa loob kayo ng simbahan pero ganiyan ang asal n'yong dalawa? Please know the word 'respect'."
Pareho silang natahimik at natigilang dalawa lalo na noong umalis ako sa harapan nila. Kaya ayaw kong makipag-socialize eh, sakit lang sa ulo.
Umupo ako sa unahan kung saan nandoon din ang ibang youth pero umupo ako sa isang mahabang upuan na may dalawang lalaking mahinang nag-uusap at nagtatawanan. Hindi naman siguro nakamamatay kapag minsanan akong umupo na may kasama sa ibang upuan.
At least they don't know me. Hindi katulad ng dalawang babaeng halos magpatayan na sa harap ko. Nakakairita. Napapikit na lang ako sa inis at taimtim na nagdadasal.
"Dude, kilala mo 'yong chinitang babae na parang istrikta na may maikling buhok? Taga ibang Baranggy ata 'yon. Ganda no'n."
"Kilala ko, Ivan. Ayaw ko siyang ipakilala sa 'yo dahil 'di naman masiyadong nakikipag-usap 'yon kaya 'wag na lang."
BINABASA MO ANG
Mended Broken Souls (✔️)
Teen FictionFATE SERIES #1 They say that love starts at home and can be felt there with your family in flesh without exchange. However, it was different from Ashia Julienne's case, as she learned to build a cold and indestructible facade in order to cover up he...
