Chapter 34
"The song was already done. Why are we still swaying?" natatawa kong tanong. Ang sumunod kasi na kanta ay Animals by Maroon 5. For the first time after the day Tito Rico died, I heard his chuckles... his iconic and genuine chuckles without any trace of pretending. Mas lalong lumaki ang ngiti ko dahil doon.
"I miss this kind of laugh of yours... 'yong totoo mong mga tawa at ngiti. I miss you..." I held his face. Ngayon ay siya naman ang unang yumakap sa 'kin.
He kissed my forehead after that.
"I miss you, too... Thank you so much for being always here on my side... Salamat din sa pag-intindi. Mahal na mahal kita. Pasensiya na talaga kung ngayon pa kita nabati. I was just preoccupied earlier, at nag-iisip pa rin ako kanina kung paano ko i-ce-celebrate ang birthday mo dahil sabi ng parents mo, ayaw mo raw i-celebrate ang debut mo."
Kumalas ako sa yakap at tiningnan ulit siya.
"Hindi na talaga kailangan pa ng celebration dahil ayaw ko rin ng enggrandeng debut na naisip ni Mama. Being with you today on my day is already a grand celebration for me. Dancing you... is already a grand cotillion for me. You, being my first and last dance is something I'm grateful for."
Ngumiti siyang nag-iwas ng tingin at nakita ko rin ang pamumula ng magkabilang tenga niya kaya hinawakan ko ang mga ito at sabay na piningot.
Ngumiwi siya. "Aray!" He frowned at me.
He was wearing a white t-shirt that has a logo of VSU and slacks, so I guess, he's still from the University.
Sinilid ko sa bag ang dalawang rosas na bigay niya. Nakaakbay siya sa 'kin. Kasalukuyan na kaming naglalakad sa tabing dagat. He was talkative about what happened on his day at school when I asked him. I didn't get bored like the usual dahil natatawa ako sa tuwing may kalokohan siyang kinukuwento. Of course, he's Caleb. Hindi nakapagtatakang wala siyang ginawang kalokohan sa isang araw.
I was glad that despite of his problem, he's still trying to smile and laugh.
Napatigil ako sa paglalakad nang makaramdam ng gutom. My eyes fixed on the nearest coffee and bar in front of us. Ciudad Coffee & Bar, basa ko sa naka-paskil sa itaas nito.
"Tara... gutom na rin ako." Caleb held my wrist towards the said place. Malapit ito sa may tabing dagat.
Napadako ang tingin ko sa plaza at nakitang malayo na pala ang nalakad namin. The sun already set and touched the horizon, leaving a breathtaking vision as the color of thick orange pervades on the entire sky. It really always reminds me that the endings can be beautiful, too. Sa mga istorya, nobela, o kahit sa isang pelikula.In all of the literary pieces that involve a plot and characters.
May sumalubong na waiter sa amin nang makapasok kami. Maliwanag na sa loob dahil sa malamlam na mga ilaw. The hue of the sunset is still really clear here as if it wants to witness how euphoric I am upon celebrating my eighteenth birthday with him.
We sat on the chairs in front of one table. I roamed my eyes around. Ang mga mesa't upuan ay nasa mga gilid, pinapalibutan ang parisukat na puwesto kung saan nandoon ang mga waiter o nag-ma-manage sa coffee at bar na ito.
"Ako na ang mag babayad, ha? 'Wag ka nang umalma dahil birthday mo." Inunahan na ako ni Caleb.
I frowned while nodding. I have my own money but like the usual, wala nang saysay pa na ipilit ang gusto ko dahil hindi siya nagpapapigil.
"Pumili ka na sa menu. Masasarap ang mga pagkain at drinks dito. Dito rin kasi kami palaging kumakain ni Mama noon sa tuwing pumupunta kami sa plaza. Paborito ko nga 'yong Clubhouse Sandwich, eh. You can try it, too. Masarap 'yan."

BINABASA MO ANG
Mended Broken Souls (✔️)
Teen FictionFATE SERIES #1 They say that love starts at home and can be felt there with your family in flesh without exchange. However, it was different from Ashia Julienne's case, as she learned to build a cold and indestructible facade in order to cover up he...