Chapter 6

77 1 0
                                        

Chapter 6

"Ngayon ka pa nagsaing, Ashia?! Alas sais na! Saan ka ba galing, ha?"

Napatigil ako sa ginagawang pagsasaing nang marinig ang sigaw ni Mama na kapapasok lang sa kusina. She just recently came home from school. Nang papasok na sana ako kanina sa bahay na tinutukoy ni Venice ay inaya na niya akong umuwi dahil nakauwi naman na pala ang Lola niya.

She said that her grandmother pranked her. Nainis ako nang kaunti dahil nasayang ang oras para sa maagang pagsasaing ko sana kaya todo sorry sa 'kin si Venice. She insisted that she will be the one to explain to my mother but I didn't let her because she wasn't at home yet. Kaya ko naman ang sarili ko. I can be independent... and I'm used to it.

"May ginawa lang na project, Ma. Kasama si Venice," I answered, lying, and didn't glance at her from behind. Nakapapanibagong hindi ulit siya sumigaw matapos kong sagutin ang tanong niya.

"Si Venice? Mabuti naman at may maganda kang impluwensiyang kasama. Ramdam kong hindi iyon sakit sa ulo, hindi katulad mo. Kaya siya lang ang kaibiganin mo, ha? Baka tuluyang mawala ang pagiging sakit mo sa ulo. Oh, tapusin mo na 'yan. Siguraduhin mong may makakain kami."

Nangilid ang luha sa mga mata ko nang makaalis na siya sa kusina. Despite of the tears that were forming at the edge of my eyes, I continued doing my chore. Wala pa si Papa sa bahay kaya ayos lang na umiyak ako rito dahil hindi niya ako makikita. Even in front of my father, I don't want to cry.

I can manage myself. Yes, Ashia, you can... While convincing myself, I burst into tears again that hard.

What have I done in my past life that I need to experience this?

"Ate, umiiyak ka po?" I felt a hug on my waist from behind. I know that it was Akisha but I didn't answer her.

Mas lalo lamang akong maiiyak kapag naaalala na punong-puno siya ng pagmamahal galing kay Mama, samantalang ako, even a bit, I can't feel it.

"Puntahan mo na si Mama sa taas. Narinig kong tinawag ka niya. Pabayaan mo ako rito."

"Pero, Ate, umiiyak ka po nang dahil sa kaniya..." When I glanced at her, I saw how she pouted her lips.

"I'm not crying, Akisha. Kung ayaw mong magalit ako sa 'yo, umakyat ka na sa taas."

Her face was filled with horror, and she immediately nodded her head before following my order.

Pagkatapos kong magsaing ay umakyat na ako sa kwarto para doon ipalabas ang iyak ko. Negative thoughts filled inside my mind again. Anak ba talaga ako ni Mama? Does my father really love me? Is Akisha's happy that our mother is in favor to her than me?

Narinig ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya kinuha ko ito't tiningnan. It was Venice's text.

Venice:

Ayos ka lang ba riyan? Ay tanga ko, alam kong hindi. Sorry talaga, Shia, ha? Huhu... Cheer up na, I love you... Nandito lang ako.

Hindi ko alam kung bakit parang may nag-udyok sa 'kin na mag-online. I immediately opened my twitter account, especially when I saw the recent tweet of Caleb like she was referring to someone.

Bakit ko siya ini-stalk? Wala naman sigurong masama, 'di ba? I'm just curious.

@ce_alonzo:

Sa mga nag-sa-sana all mahal d'yan, this is the Bible verse for you tonight, "You are loved. The Lord appeared to us in the past, saying 'I have loved you with an everlasting love; I have drawn you with unfailing kindness.' - Jeremiah 31:3. Good evening, everyone! God loves us.

Mended Broken Souls (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon