Chapter 4
"Ashia, dalian mong magbihis d'yan! Alas sais ng umaga ang misa ngayon sa Santo Niño De Plaridel Church kaya dalian mo dahil alas singko kinse na. Wala tayong sasakyan at mag-aabang lang, hindi naman sa atin ang mga jeep, tricycle at multicab d'yan! Kay bagal-bagal naman ng kilos mo! Wala ka talagang k'wenta!"
Dali-dali kong sinuklay ang maikli kong buhok na hanggang leeg nang marinig ang sigaw ni Mama. Her favorite daughter, Akisha, requested her to join a mass there, kaya ito ako, nagkukumahog dahil malapit nang mag-alas singko ako nagising.
Naiinis ako dahil kahit tumanggi akong doon magsimba sa kadahilanang dito lang sa church ng Barangay namin ako magsisimba dahil alas d'yes ng umaga ang misa, pero pinapasama ako ni Akisha kaya walang nagawa si Mama kundi pilitin ako kahit halata namang 'di niya gusto.
For the sake of her favorite daughter.
Napailing ako sa sakit na naramdaman sa harap ng salamin nang sabihin niyang wala talaga akong kwenta. Porket natagalan sa pag-aayos, wala nang k'wenta? She never failed to accomplish on hurting me.
Pinasadahan ko ulit ng tingin ang suot ko. I just wore a plain black t-shirt and a denim jeans below the knee. I also wore white sneakers.
Black is my favorite color. Halos mapuno na nga ng itim ang buong kwarto ko. The same as gray, it is a dull color as well for me that suits my personality.
I was always in the dark since I was born.
"Lalabas na, Ma," walang gana kong sabi bago pinihit ang doorknob ng pintuan sa kwarto ko at lumabas na.
I immediately ran downstairs when I saw the three of them including my father waiting for me in the sala. Ako na lang pala ang hinihintay.
"Ano, tapos na? Mabuti naman, Señorita! Akala ko isang araw mo pa kami paghihintayin dito!" Nilabas ko lang sa kaliwang tenga ko ang sermon ni Mama.
"Lucie, tumigil ka na nga! Nandito na ang anak natin, 'wag ka nang manermon," kalmadong saway ni Papa kay Mama, dahilan para tumigil ito pero hindi pa rin nawawala ang sama ng tingin nito sa akin.
What have I done for you to be this furious, Ma?
Nang makalabas ay agad kaming nag-abang ng masasakyan. Nakasakay agad kami sa isang multicab. Tumabi ako kay Papa dahil halata talaga sa mukha ni Mama na ayaw niya akong makatabi kahit gusto kong tumabi kaya ako na lang ang nag-adjust.
"Ma, tabi po ako kay Ate..." sambit ni Akisha kay Mama pero agaran itong umiling.
"Hindi ka niya gustong makatabi, Anak, kaya dito ka na lang tabi kay Mama, ha?"
Napaiwas ako ng tingin at nagpanggap na walang narinig. Ganito naman talaga 'lagi, mas mabuti nang mag-panggap na walang narinig kaysa ipakitang naapektuhan ako dahil magiging dahilan lang 'yon para lalo niya akong saktan.
"Anak, intindihin mo na lang ang Mama mo, ha? Pasensiya ka na..." mahinang saad sa akin ni Papa sa tabi ko.
"You don't need to apologize, Pa. It's fine. I'm used to it."
He looked at me in a guilty way so I smiled a bit to assure him that it's okay... even if it's not. It will never be okay that she is treating me in this way. It's just unfair.
"Albert, iabot mo ang bayad sa driver. Mauuna na kami ni Akisha dahil nasa dulo pa kayo riyan ni Ashia," sabi ni Mama kay Papa nang huminto ang multicab sa lugar kung nasaan ang malaking simbahan ng Plaridel.
May isang pahabang daanan pa kasi bago marating ang gate ng simbahan.
Kinuha naman ni Papa ang bayad sa kamay ni Mama at agad itong ibinayad sa driver. May iba ring pasahero na tulad namin na bumaba dahil magsisimba rin. Nang makababa na kami ni Papa sa multicab ay sumabay ako sa kaniyang maglakad patungo sa simbahan.
BINABASA MO ANG
Mended Broken Souls (✔️)
Ficção AdolescenteFATE SERIES #1 They say that love starts at home and can be felt there with your family in flesh without exchange. However, it was different from Ashia Julienne's case, as she learned to build a cold and indestructible facade in order to cover up he...