Chapter 29

49 1 0
                                        

Chapter 29

We are always together going to church for the following days of misa de gallo. I think, most of the people who saw us being together already concluded that there's something between us. Wala lang din naman 'yon sa amin. If someone will ask us, sasabihin naman namin ang totoo.

During activities in church every weekend as a youth, we are also often together which made our co-youth servants conclude as well that there's really something that is going on between us. Halos lahat sa kanila ay nagtatanong na sinasagot namin nang totoo.

"Oh my gosh, my ship is sailing!" ani Micah na nakatakip pa ang kamay sa bibig, at lumundag-lundag nang nasa labas na kaming lahat sa simbahan.

"May malakas na epekto yata 'yong sa team building last year! 'Yong activity na partner silang dalawa! Tsaka 'yong love team na Shialeb? Haha! At doon nga nagsimula ang kanilang love story!" halakhak naman ni Ate Yesha. Lahat sila ay inaasar kami.

Shiela on the other hand didn't support nor join to tease us. Magkausap lang sila ng mga kaibigan niya na parang pinag-uusapan ako dahil napapasulyap sa 'kin.

Caleb knows that, so he wrapped his arm on my shoulders for me not to see their dagger stares that seem judging my entire existence.

"Hayaan mo na sila. Wala silang mapapala riyan," he whispered.

"Alam mo, Ashia, una pa lang, witness na naming lahat kung gaano ka kagusto nitong si Caleb! Ikaw nga 'laging topic 'pag nag-uusap kami, eh!" natatawang sabi ni Christian.

"K-Kayong lahat?" I asked in astonishment.

"Oo!" they replied together, except Shiela and her friends who already led their ways towards their homes.

"Manhid ka nga ata o alam mo na, pero ayaw mo!"

I frowned. "I know. I'm not really interested before..."

"Pero ngayon? Baka nag-d-daydream ka na ng mala-fairytale love story ninyong dalawa!" si Venice.

"I'm not like you, Venice. I'm not into daydreaming corny scenarios." I chuckled.

Nagtawanan sila at sabay na inasar si Venice na pabirong napahawak sa kaniyang dibdib.

Puro tawa lang ang maririnig dito sa gilid kalsada habang naglalakad na pauwi. Hindi man lang nahiya sa mga taong nalalampasan namin.

"Halos lahat ata kaming mga ka-close ni Caleb ay nakuwentuhan niya tungkol sa 'yo, eh. Ako na bagong naka-close, kinuwentuhan niya agad." Si Rica naman ngayon ang nagsalita at tumawa sa tabi ko. The girl whom I felt the insecurity with back then. Nakitawa ako sa kaniya.

"'Wag n'yo nga akong ilaglag," nahihiyang sabi ni Caleb. Nag-iwas pa ito ng tingin nang mapalingon ako sa kaniya. His ears and face were red like tomatoes again.

"Nasimulan na kaya itodo na natin!" Nagtawanan ulit sila na sinabayan ko.

It was a new feeling... Unang beses ko silang masayang sinabayan.

"Kung nagtataka ka, Ashia, kung bakit wala ka mang naririnig na pang-aasar mula sa aming lahat noong team building ay dahil na-threaten kami sa inis na inis mo nang reaksiyon! Baka raw batuhan mo sila ng cushions no'n!" sabi ni Yael.

"Grabe naman kayo, parang 'di pamilya..." I acted like I was really in pain.

"Hoy, hala hindi bagay! Ikaw ba 'yan, Ashia?!" sigaw ni Micah kaya nanlalaki ang mga mata ko siyang nilingon. Ang lakas makasigaw.

"Ang cutie naman ng singkit na iyan magulat..." Caleb pinched my cheeks, and stretched my eyes.

"Mga walang hiya! Respeto sa mga single!" nakasimangot na sigaw ni Venice. Naghalakhakan ulit sila.

Mended Broken Souls (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon