Chapter 24
"Ikaw 'yon?"
Hindi ko napigilan ang sarili kong i-video call siya, pero off cam ako, dahil sa sobrang gulat. I didn't even see that coming. I thought he asked those questions out of nothing.
Nakaharap pa ako sa salamin ngayon sa kwarto ko kaya kitang-kita ang gulat kong reaksiyon. Naka-off cam din siya kaya 'di ko nakita ang mukha niya.
I heard his chuckles.
I don't know how to explain how nervousness brimmed me.
"Are you pranking me? It's not funny, Caleb." I made my voice stern. Was it the reason why astonishment was evident on his reaction earlier after my narration about it?
God...
"Hindi. Noong kinuwento mo sa 'kin 'yon, naalala ko noong grade five ako, sumali rin ako sa pres con. Category ko editorial cartoon. Pumunta rin kami sa VSU ng mga kasama ko noon at naalala kong may isang batang babaeng inakbayan ako at tinawag na Anthony kahit Caleb naman ang pangalan ko, hahaha. Pinagtawanan siya ng mga kasama niya at nakita ko kung paano nalukot ang mukha niya." Patuloy ko pa ring naririnig ang tawa niya.
Hindi ako nagsalita dahil hindi pa rin ako makapaniwala. And for the fact that he is laughing because of it.
"Julienne... sorry na. Galit ka?"
"No," diretsong sagot ko. I just don't know what to say because I'm still absorbing it.
"Hindi ako naniniwala. Sorry na nga. Hindi kita pinagtatawanan, ha? Natutuwa lang ako dahil... nagkita na pala tayo rati..." he said it with a monotone voice, still soft.
"Alam mo ba... umaasa ako sa mga oras na 'yon na makita ulit kita. Noong time na sumama ka na sa mga kasama mo ay palagi kitang hinahanap sa tuwing nagkakasalubong kami ng mga kasama ko sa mga kasama mo... pero nagtatago ka sa mga mas matangkad sa 'yo kaya hindi ko na rin naalala ang mukha mo. Hindi ko alam kung saang school ka dahil hindi naman uniform natin sa school ang suot natin noon. Pero nawalan na rin ako ng pag-asa kalaunan dahil imposibleng makita ulit kita. Hindi ko rin alam ang pangalan mo. Pero ngayon... hindi ko akalaing ikaw pala ang batang babae na 'yon. I can't believe that our path crossed again..."
I bit my bottom lip to refrain myself from plastering my gigantic smile. I fixed my eyes on my reflection again, and it seems like it wasn't me that I saw because my entire face was red.
I was trying to suppress my beam again, however, it was shown in front of me.
"Julienne?" he called when I didn't speak.
"Yes?" I pretended like I heard nothing, but I badly want to let him hear my mixed reactions at this moment.
"I am currently thanking God for crossing our paths again, and... praying for you to feel better because I heard your mother's shout at you earlier."
My heart hammered quickly. I already witnessed how he prayed for me when I was in the state of being devastated but... it is still overwhelming hearing him informing me.
Magsasalita na sana ako, pero nagsalita ulit siya, "Kung iiyak ka ulit at malulungkot nang dahil sa Mama mo, I am just one call away, Julienne... Kaibigan mo na rin ako kaya pwede mo akong sandalan. Kapag hindi mo masabi at hindi mo ako tatawagan dahil nahihiya ka, iiyak mo lang at patuloy na magdasal. Tutulungan naman kita sa pamamagitan ng pagdadasal para sa 'yo..."
Tears started to well up in my eyes, remembering how exhausted I am when I went home but still received that kind of treatment from my mother. Sigurado akong mangugumpara na naman 'yon, ikokompara niya na naman ako sa mga pinsan kong nasa Manila na sobrang talino.
BINABASA MO ANG
Mended Broken Souls (✔️)
Teen FictionFATE SERIES #1 They say that love starts at home and can be felt there with your family in flesh without exchange. However, it was different from Ashia Julienne's case, as she learned to build a cold and indestructible facade in order to cover up he...