Chapter 11

56 1 0
                                    

Chapter 11

"There's a rumor daw that before or at the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry. OMG, Shia! Nakita ko sa Facebook!"

Kasalukuyan akong kumakain ng burger sa cafeteria dahil break time namin ngayon sa umaga, nang marahas na hinawakan ni Venice ang kaliwang balikat ko. Sinamaan ko agad siya ng tingin na ikinatawa niya lang.

Two months had passed since the recreation of team building took over at Canigao Island. February na ngayon at last quarter. We're near in reaching our diploma for ending the last year of being a junior high student. Nagsimula na ang madudugong gawain sa grade 10.

"That's pure nonsense. Maybe it depends."

Tiningnan niya ako gamit ang nang-aasar na mga mata, kaya kinunotan ko siya ng noo.

"Yieee, sino iniisip mo sa lagay na 'yan?"

"Sino ba sa tingin mo ang iniisip ko?" I stood up from my chair and immediately put the trashes from the table to the trashcan near us. Hindi pa tapos ang break time pero papasok na ako sa room para mag-review dahil may quiz daw.

Naramdaman ko ang pag-kapit niya sa braso ko nang naglalakad na ako pabalik sa classroom.

"Si Caleb! Crush na crush ka no'n. Kinuwentuhan niya ako, eh. Ikaw pala talaga 'yong tinutukoy niya sa mga tweets niya, uy! Sana all, shit." Hinampas niya ako nang mahina sa balikat.

"You're delusional. If it's true, ano naman?"

"Hala siya, so basted agad kahit hindi pa siya nanliligaw?"

"Hoy, Venice! Practice daw sa roleplay sabi ni masungit na leader!" sigaw ng lalaking kaklase ni Venice sa kabilang section. Magkatabi lang ang rooms namin kaya madali lang naming nahahagilap ang isa't-isa.

"Oo na!"

Venice looked at me.

"Layas na," sabi ko, dahilan para mapasimangot siya.

"Grabe, wala bang I love you best friend d'yan?"

Inilingan ko lang siya't tinalikuran na.

"Good morning, class. Since last week na ngayon ng February, ang natitirang activities ninyo sa PE ay ang hip-hop dance at cheer dance. Sa hip-hop, I will group you into five, sa cheer dance naman ay buong section ninyo. Please cooperate. Performance tasks ang mga ito for the last quarter. Next week i-p-present ang hip-hop kaya ngayon pa lang, mag-simula na kayong mag-plano at mag-practice sa time ko. Okay, let's count for the groupings," Miss Chavez announced as soon as she entered our room when the bell rang. She's our subject teacher in MAPEH.

Nagbulungan ang mga kaklase ko. Ang iba ay halata sa mukha ang pagka-excite at ang iba nama'y parang pinagbagsakan ng langit sa pag-simangot. I just sighed.

I don't really like groupings. I want to do the activity by myself alone because I know that my other groupmates wouldn't totally cooperate. I've been there. Pero wala akong magagawa. Kailangan naman talaga 'to ng groupings, lalong-lalo na ang cheer dance na buong section.

Matapos kami i-group ni Ma'am para sa hip-hop ay kaniya-kaniya na kaming naghanap sa mga ka-grupo namin. I was just wearing my obvious bored and annoyed look dahil minsana'y nasasanggi ang balikat ko ng mga pasaway na lalaki kong kaklase. Ang ingay rin nila ay nakaiinis.

Can they just find their groups peacefully with their mouths being zipped?

"Yown! Yehey! Ka-group natin si Ashia, pre! Group one ka, Ashia, 'di ba?" Naramdaman ko ang paghawak ng isang kaklase kong lalaki sa balikat ko. It was Jemuel who was smiling ear to ear, ang pinakapasaway na lalaki sa section namin.

Mended Broken Souls (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon