Chapter 20

43 0 0
                                        

Chapter 20

"Ashia, isuot mo 'to para sa simba..."

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kuwarto ni Tita Elisse, watching my family's house from here... Yes, their house. I'm not a part of their family anymore, or did I even become one?

I took a profound sigh. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang ulan. Binalita rin kasing may bagyo raw.

Linggo ngayon, at 'di ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kahapon kay Akisha. Wala pa rin akong balita dahil hindi nag-re-reply sa mga message ko si Papa. I know that he's still mad at me, or... loathes me so much. Hindi ko alam kung umuwi na ba sila sa bahay o hindi pa dahil wala naman akong napansin.

I also don't know if the news about what happened to my sister has already spread in our Barangay because the people here, once a news or rumors are being discovered by the most of them, it swiftly spreads like a wildfire.

Sa pagkakantanda ko ay walang nakakita sa amin dahil tahimik ang kalsada, at walang tao dahil umulan at kumulog din nang malakas.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Okay na ang pakiramdam ko na alam kong bumaba na ang lagnat.

Nilingon ko si Tita Elisse sa likuran na kasalukuyang pinapakita sa 'kin ang isang dress. It was a blue retro square neck chiffon dress. I'm still here in their house because they forced me to stay still here. Wala pa si Kuya Rico dahil nag-text daw kanina na may biglaang work trip sa malayo.

"Tita... gusto ko na pong pumunta ng hospital. Hindi pa rin po nag-re-reply si Papa," I dispiritedly said.

She walked towards me and held my shoulders gently. She looked into my eyes, and for the second time, I thought Caleb is looking at me.

Naalala ko ang kagabi. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng hiyang harapin siya ngayon dahil sa nagawa kong kabaliwan kagabi. I bit my bottom lip.

"Napag-usapan na namin ni Caleb kanina na sasamahan ka niya papuntang hospital pagkatapos n'yong magsimba. Gusto ko sanang sumama rin pero masama ang pakiramdam ko," nakangiting aniya. "Sa ngayon, maghanda ka muna para sa misa. Sasamahan ka ng anak ko."

I slowly nodded my head. Tinanggap ko ang hawak niyang dress. "Is this yours, tita?" I didn't refrain myself from asking.

"Oo, sa akin 'yan noong dalaga pa ako. Bigay ng Lola ko noon." She smiled while looking at it like she just remembered something special on this dress.

I just nodded and smiled a bit before bidding goodbye to enter her bathroom to change my clothes with her dress. Kanina pa ako tapos maligo.

Dito sa kuwarto niya ako natulog kagabi, magkatabi kami. I saw how she took care of me while I was half asleep. Hindi ko pa 'yon naranasan mula kay Mama noong nilagnat din ako rati.

Lumabas ako mula sa banyo suot-suot na ang dress.

"Ashia, aayusan kita, dali. Titirintasahan ko ang buhok mo." Kumuha ng isang upuan si Tita na inilagay sa harap ng salamin. May hawak na siyang suklay at pantali.

Naiilang akong tumingin sa kaniya dahil ayaw kong inaayusan o tinitirintasan ang buhok ko dahil gusto kong ang unang makagawa sa 'kin no'n ay si Mama.

However, I still sat on the chair she prepared, because what I thought about was uncertain.

I looked at myself in the mirror when she began to braid my hair. I noticed again how strict and ferocious my face looks like if I don't smile. This is how I look at people, so... why does Caleb still like me?

"Mas lalong ma-i-inlove sa 'yo ang anak ko kapag nakita ka niyang nakatirintas ang buhok dahil siguro ito ang unang beses na makikita ka niyang nakatirintas. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit nagustuhan ka ng anak ko dahil sa angkin mo ring kagandahan... but of course, that reason is just petty for him, I know. Kilala ko ang anak ko. Everytime he talks about you, I see that his eyes explain that there's something about you that made him fall. Something real about who you are."

Mended Broken Souls (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon