Epilogue (Part One)
"Hindi ka ba talaga sasali?" tanong ni Nathaniel, at diretsong ininom ang mainit niya pang kape. Pinigilan ko ang tawa nang makitang 'di siya mapakali nang mapaso ang dila. He's always like that. Matigas ang ulo. Kahit alam na mainit pa, tinutuloy.
"Cheer up..." I tapped his shoulders, pinipigilan pa rin ang tawa. "Tigas kasi ng ulo mo, dude."
"Matigas naman talaga ang ulo, dude."
Tinawanan ko lang siya't inilingan.
"So, ano nga? Hindi ka talaga sasali sa Youth?"
Hindi ako sumagot agad. Nag-isip pa ako nang mabuti. Last year pa siya sumali noong grade 10 pa lang kami. Pati si Ivan. He joined para naman daw mabawas-mabawasan ang pagiging pasaway niya.
Hindi ko nga alam kung paano sumulpot sa buhay ko 'to, when clearly, we're a total opposite. Naging kaibigan ko siya noong first year high school kami. B-in-ully ako ng mga kaklase namin, dumating siya at agad na sinuntok ang mga nambully sa akin because... the same reason why my former classmates in elementary bullied me... it is because, I don't have a father figure who stayed with me, and my mother. He left us when I was four without leaving an explanation.
Kahit bata pa ako noong nakita ko kung paano siya nag-impake at magbitbit ng kaniyang mga gamit, ramdam ko na ang matinding kalungkutan lalo na nang makita si mama'ng labis ang iyak na nagmakaawa sa kaniya para hindi lang kami iwan. My mother even kneeled in front of him, begging him to stay with us.
Pero tila wala siyang pakialam na naglakad palabas na tila wala sa sarili.
That scenario that I saw when I was still young and naive... painted a thick strokes in my heart. Noong nagkamalay lang ako sa mundo ko naramdaman ang matinding sakit na dulot no'n... hanggang ngayon.
Hindi ako galit sa kaniya. Tampo lang ang nararamdaman ko dahil ayaw kong magguhit ng malaking resulta ang galit ko.
I left being puzzled with his reason. I would always be lack without him... and his reason why he left us.
"Pag-iisipan ko muna. Alam mo naman, mag-isa lang si mama sa bahay 'pag wala ako roon sa tuwing may activities sa Youth. Ayaw ko siyang matambakan ng mga gawaing bahay. Pati na 'yong stall namin sa street foods, araw-araw akong tumutulong sa kaniya tuwing walang pasok," sagot ko.
Kami na lang ni Mama ang magkasama ngayon sa buhay. Hindi ko alam kung sinadya bang mag-iwan ng pera si papa bago siya umalis dahil parang wala talaga siya sa sarili... Nag-iwan siya sa amin ng malaking halaga na alam kong dulot din ng trabaho niya bilang pintor.
Galit na galit si mama nang iwan kami ni papa kaya wala siyang balak gamitin ang perang iniwan nito. Ayaw ko rin naman sana... but I chose practicality over pride.
Noong walang-wala na kami dahil tumigil na rin si mama sa pagta-trabaho sa isang kompanya after my father left dahil tila nawalan na siya ng gana... doon ko hiniling sa kaniyang gamitin ang perang iniwan nito.
She simultaneously refused at first, pero napapayag ko na rin naman siya dahil halos lumuhod ako sa pagmamakaawa. She also perceived her mistakes at that day. She apologized because she almost neglected me... that she was just thinking her own pain.
"Maiintindihan naman ni tita Elisse 'yon. Alam kong gustong-gusto mo talagang sumali dahil sa ating tatlo ni Ivan, ikaw 'yong sobrang maginoo. Hindi ko pa rin nakalimutan 'yong kinuwento mo noon na umiyak ka dahil hindi ka nakapagsimba dahil sa lagnat mo." Humalakhak siya.
I looked away. Hindi ako nahihiya. Totoo naman 'yon. Kapag hindi ako nakakapagsimba, pakiramdam ko kulang ako. My system just got lacks of His words.
"Try ko..." mahinang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Mended Broken Souls (✔️)
Teen FictionFATE SERIES #1 They say that love starts at home and can be felt there with your family in flesh without exchange. However, it was different from Ashia Julienne's case, as she learned to build a cold and indestructible facade in order to cover up he...
