Epilogue (Last Part)
To be able to at least give life to the memories and promises that we had, I decided to transfer in FEU in my 2nd year college... at may plano rin akong um-attend sa concert ni Troye Sivan sa Manila. I don't want those promises to be left undone... Iyon na lang ang magagawa ko.
Sinabi niya sa letter na ilibing na ang lahat ng memories naming dalawa, pero ayoko... Having us back then played the most euphoric part in my life. Hanggang doon na lang.
Naging mapaglaro ang kapalaran pero hindi ako nagsising minsan ko na rin siyang minahal. Pinaramdam lang talaga siguro sa akin kung paano magmahal at kung paano mahalin sa kaunting panahon.
Alam kong mali... pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal. I never had doubts in loving her back then, but perhaps it was just a disguise to cover up the truth.
We can't be together. We are forbidden. After that, I moved forward... but with my heart still being remained in the past. Isang taon na ang dumaan pero patuloy pa rin sa pagdurugo ang puso ko.
Kinuha ko agad ang cellphone nang tumunog ito mula sa aking bulsa. I smiled when I saw that it was my father. Nasa trabaho pa ako pero pwede namang ipasa muna sa iba ang part ko sandali dahil mabait naman ang manager sa restaurant dito.
"Mark, pwedeng ikaw muna ang mag hatid nito sa table 5? Sandali lang 'to," pakiusap ko sa ka-trabaho ko't pinakita ang tray.
"Sige." He accepted the tray. I thanked him before finding a place to answer my father's phone call.
"Hello, Pa," nakangiting bungad ko.
Nang mag-desisyon akong dito mag-aral sa second year, napag-desisyunan ko ring maging working student. I don't want to depend on my parents to fullfil my desire to study here. I grabbed the opportunity to be a half scholar here. Gusto ko ring maging independent. Pa-minsan-minsan din ay gumagawa ako ng artwork commissions para maka-kita.
Gabi ang shift ko dahil umaga ang class ko. Kinakaya ko naman dahil may pangarap ako... kahit na nangungulila na ako sa presensiya ng mga magulang ko. I worked as a waiter in a restaurant near my rented apartment. Pinili kong mag rent sa isang apartment na mura lang ang babayaran. Basta may mauuwian ay okay na.
"Hello, Anak. Kumusta na riyan? Baka napapagod ka na sa pagsabay ng trabaho't eskwela, ha? Kung papayag ka lang, ako ang magbabayad para sa kalahating bayarin sa tuition mo..." aniya sa kabilang linya.
Umiling ako kahit hindi niya nakita. Kumikita kasi siya sa artwork commissions niya online o personal man. Marami ang nagpapagawa at bumibili kaya marami din siyang kita. I can say that the relationship of him with my mother became better after a year.
Hindi na ganoon tulad ng dati na halos isumpa siya sa galit ni mama araw-araw. Magkaibigan na sila... at mas mabuti 'yon dahil nasasaktan ako kapag ganoon ang sitwasyon araw-araw.
Minsan ay binibiro ko si papa na may susunod sa pagiging 'magkaibigan', na dapat hindi siya maging pagong at suyuin at ligawan ulit si mama. It was a half joke. Alam kong hindi pa handa si mama. Bago pa lang nag-isang taon mula nang pumanaw si tito Rico, and she once told me in tito Rico's wake that she was traumatized to love again because they might leave her again, broken.
At alam kong na-sense rin ni papa 'yon. Everytime we talk about her, hindi siya kailan man nag sabi sa 'kin na may balak siyang ligawan si mama. Sabi niyang kuntento na siyang maging kaibigan si mama kaysa wala.
"Okay lang naman po, Pa. Hindi po ako napapagod dahil may pangarap ako. Magiging engineer pa ako, 'di ba? Pa, ako na po ang bahala sa kalahating babayaran sa tuition. Itago n'yo na lang po 'yong pera n'yo at ipunin para sa future date niyo ni mama, yie. Joke lang po." Tumawa ako.
BINABASA MO ANG
Mended Broken Souls (✔️)
Teen FictionFATE SERIES #1 They say that love starts at home and can be felt there with your family in flesh without exchange. However, it was different from Ashia Julienne's case, as she learned to build a cold and indestructible facade in order to cover up he...