One
Cassandra's POV
"Ayyy! Tinapa!"
"Hahahaha!" Sinamaan ko siya nang tingin.
"Ha-ha-ha. Nakakatawa." Sarcastic na sabi ko.
"'To naman, hindi mabiro." Umupo siya sa tabi ko.
"Anong kailangan mo? Magpapalibre ka nanaman ba?"
"Tumpak! Paano mo nalaman?" Napa rolled eyes ako.
"Halata naman sa kinikilos mo 'no! Ang yaman-yaman niyo nga, ang kuripot mo naman!"
"Hahaha! Ganun talaga. Dali! Bilhan mo ko 'non!" Sabay turo niya ng spaghetti.
Kumuha ako ng pera sa wallet at binigay ko sakaniya. Kahit kailan talaga tong babaeng ito, napaka kuripot!
"Thanks, Besh!" Sabay tayo niya at pumila.
Kinuha ko sa bag yung libro ko.
Gosh! Ang sakit niya sa bangs! Pero mahal ko yang babaeng yan kahit ganyan yan.
-----
Nasa kalagitnaan ako sa pagbabasa ko ng dumating si Besh at umupo sa harapan ko.
"Ano yan?"
Pinakita ko sakaniya yung cover ng libro.
"Nakoo! Masakit talaga yan sa ulo! Ay teka, may ulo ka ba?" pang-aasar niya.
Sinamaan ko siya nang tingin. "Gusto mo bawiin ko yang pagkain mo?" nakataas kilay na tanong ko sakaniya.
Nag peace sign lang siya at kumain na.
Business Process Management yung binabasa ko. Kailangan ganyan, ganito. Tss! Kung hindi ko lang mahal ang pinaka mamahal kong ina, hindi ko 'to kukuning course.
Ang gusto ko talagang course, Fashion Degrees. Gusto ko magtayo ng sarili kong boutique. Pero sabi ni Mama tsaka na lang daw yun. Unahin ko muna daw yung business namin, kasi after 5 or 6 years, mapopromote si papa bilang President of Moretz Philippines Incorporated. Ako naman papalit sa posisyon niya. Magiging CEO ako pagdating ng araw.
Tinabi ko na yung libro kong binabasa.
"Sam, penge ako."
"'Ge, kuha ka lang jan." Kumuha naman ako ng fries.
Tengene?! Ang PG niya! Akala mo hindi kumain ng buong isang taon! Ang dami niyang inorder. Kaloka 'tong kaibigan ko.
"Sam, tapatin mo nga ako." Napakunot naman noo niya at tinaasan ako ng kilay.
"Ano naman ipagtatapat ko sayo, aber?" Sumubo siya nang spaghetti.
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
General FictionMagtatagpo kaya nang landas ang isang ESTUDYANTE na Playgirl/Ms. Heartbreaker At ang isang PROFESSOR na Mahangin/Gwapo/Hot etc. Ano kaya ang mangyayari? Magkakaroon kaya ng isang MALAKING GULO? O ISANG MALAKING PAG-IIBIGAN? Started: February 28, 20...