MMP - Twenty

4.2K 96 5
                                    

Nagising ako at nasilaw ako sa taas ng ilaw. Nasaan ba ako? Bakit amoy gamot dito?

Pinikit pikit ko ang mga mata para magbalik sa dati ang paningin ko. Puro puti ang nasa paligid at sobrang pamilyar ang lugar na ito.

Nakapunta na ako dito dati noong mga panahon na bundol ako ni Gelo. At nameet ko siya.

Napatingin ako sa left side ko at nakita si Erine sa tabi ko na natutulog. Napatitig na lang ako sa mukha niyang napakagwapo at napakaputi na akala mo lumaklak ng gluta.

May naaalala talaga ako sakaniya. Hindi ko alam kung siya ba yun o hindi eh. Magkaiba ang pangalan nila eh kaya imposible nga na siya yun. If ever na magkita kami, siguro dapat awkward noh? Aish, ewan! Siguro ito ang napapala ng mga nahangover kung ano-ano ang pinagiisip!

Cassie, magkamukha lang sila ni Erine pero magkaiba sila kaya wag mag overthink!

Nga pala, anong ginagawa ko dito sa ospital?

Nakita kong napamulat si Erine at napatingin sakin kaya agad-agad siyang tumayo at tinanong ako.

"Ayos ka lang ba? Ok ka na ba? Gusto patawag kita ng doktor?" Worried na sambit niya.

Nabatukan ko nga. "Wag OA, Kaisha. Ice na ako." Nakangiting sambit ko. Biglang napakunot ang noo ko. "Nasaan si Chance?"

Nasaan na ang Goku na yun? 

"Nasa labas, binabayaran na ang ospital bill mo. May allergy ka pala sa alcohol, noh?"

Nanlaki bigla mata ko. "Ako?!" Gulat na sambit ko.

Napa rolled eyes siya. "Ay hindi ako. Kaisha may allergy ka pala sa alcohol, noh? Swaeg~" sarcastic na sabi niya.

Nesfuta, ang ganda niyang kausap. Magkaibigan nga sila ni Chance.

"Pero, seryoso, hindi mo alam na may allergy ka sa alcohol? Aba ang tinde mo, noona!"

"Eh sa hindi naman ako nainom, eh! Tsaka first time ko kaya hindi ko alam."

Bigla nanlaki mata niya. "Bakit?" Nagtataka na tanong ko.

"Lagot ka kay pareng Chance mamaya."

Bakit naman?

Wait.... iniisip ko kung bakit.....

Loading....

Loading....

WTF!! Alam niyang uminom ako! Waaaahhhhhhh!!! Nakaligtas nga ako sa pagtulog ko kay Gelo pero ang pag inom ko, OMG!!! Fuktey ako mamaya. Pero, normal lang naman sa katulad ko ang maginom diba? Nasa right age na din naman ako.

Biglang bumukas ang pinto ng room ko at inuluwal nito ay isang naka pokerface na Chance Hernanlez.

Napalunok lang ako. Kailangan pa ako natutong matakot? Siguro noong minahal ko siya. Lol~ nesfuta, ang baduy ko.

"A-ah, sige. Labas muna ako." Sabi ni Erine. Napatingin ako sakaniya at tumingin nang nagmamakaawa na wag siya umalis pero walang epekto, lumabas na siya sa room ko.

Napatingin ako kay Chance. I sighed heavily. I can do this!

"Kailan ka pa natutong uminom?" Seryosong tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. Feeling ko si daddy ang kaharap ko, eh.

"S-syempre noong bata pa ako. Utak naman. Parang ikaw hindi umiinom noong bata ka, ah! Lahat ng bata kaya umiinom. Unless na lang na gusto mo matuyot ang lalamunan mo ng hindi nainom." Pangbabara ko. Duh! Hindi ako namimilosopo. I'm just stating the fact! Sino ang boto sakin?

Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon