MMP - Twenty Five

3K 77 11
                                    

"Kyaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!" Naihagis ko ang kahon na iyon dahil sa takot.


B-bakit...? Bakit may ganung bagay sa kwarto ko?!



Napahagulgol ako dahil sa takot. Wala pa naman si Chance ngayon. May inaasikaso. Ako lang taong bahay ngayon.



Nanginginig akong tumayo at kinuha ang phone ko. Bumaba ako at lumabas ng bahay.



Dinial ko ang number ni besh.




"H-hello besh?"




"B-besh....." nagcracked ang boses at hindi ko na napigilan ang luha ko.



Narinig kong napabalikwas siya sa kinahihigaan niya. "Besh?! Why?! What happened to you?!"



"B-besh..... may n-nakita ako sa kwarto ko..." humagulgol nanaman ako sa iyak at sa takot.




"Shhh... besh... hinga ka muna ng malalim. Nasaan ka ba? Pupuntahan kita."




"Sa may park namin." Narinig ko naman na tumatakbo si besh sa background.




"Diyan ka lang. Wag kang aalis." Kahit hindi niya nakikita. Tumango ako.





Nanginginig kong binaba ang tawag. Napaubob ko ang mga palad ko sa mukha ko at umiyak ng umiyak.




G-grabe yung nakita ko. Ano bang ginawa kong kasalan? Bakit niya ko binigyan na ganung bagay?




Nakalagay sa box na iyon ay picture ko na puno ng dugo at may naka drawing na sungay. May nakita din akong letter na "Ikaw ang nawawalang anak ng demonyo. Plastik! Devil! Dapat sayo pinapatay, Cassandra! Di bale, malapit na kitang patayin."




Grabe na talaga..... pinagsisihan ko naman lahat ng masasama kong ginawa noon pero yung ganitong sitwasyon? Sobra na. Hindi na ito tama.




"Besh?!" Tumayo ako kaagad at niyakap ko kaagad siya. Hinagod niya ang likod. "Sige lang. Ilabas mo lang yan."




Maka ilang minuto, medyo tumahan nako. Umupo kami sa swing. "Ano bang nangyari sayo?" Nagaala na tanong niya.




Huminga muna ako ng malalim at kinuwento sakaniya. "Ipa report natin sa pulis."




Umiling ako. "W-wag hindi sila maniniwala saatin. Wala tayong ebidensya."





"Besh nasaan ba ang utak mo? Nasa talampakan mo? Yung ebidensya natin yung box na binigay sayo!"





"P-pero.... naisunog ko na eh." Napa facepalm siya. Huminga siya ng malalim. "Kung meron man siya ulit pinadala sayo, itago mo at tawagan mo ko anytime kahit gabi pa yan. Nagaalala ako sayo besh."



"Masama ang kutob ko sa Eunice na yun." Dugtong niya. Tumingin ako sakaniya at nahimasmasan nako. "Bakit mo naman nasabi?"




"Makikita mo kapag tinitigan mo ang mga mata niya. May tinatago. Napaka misteryoso ng mata niya."




Napaisip ako. Yun din ang naramdaman ko noong una kong kita sakaniya. Masama ang kutob ko pero napaka imposible kasi bata pa siya. She will never do that things.



Angelo's POV



"Kim Junmyeon! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wag mo pinagkakagastusan ang mga kaibigan mo?!" Galit na sambit niya.



Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon