"Chance?" Sabay naming sabi ni Erine. Tumayo kami at lumapit siya saamin habang nakakunot ang noo.
"Anong ginagawa niyo dito?" Iritadong tanong niya at hinila niya ko sa braso palapit sakaniya. Napa aray ako kasi medyo mahigpit ang pagkahila niya.
"Malamang naguusap? Alangan naman matulog kami dito." Pilosopo na sabi niya.
Nagpalit-palit ang tingin ko sakanilang dalawa. Ramdam ko sa mga titig nila na parang pinapatay nila ang isa't isa sa isip nila. Naramdaman ko na lalong humigpit yung pagkahawak niya ea braso ko.
"C-Chance.. m-masakit..." pumipiglas ako pero parang wala siyang narinig.
Biglang naningkit ang mga mata ni Erine. "Chance ganyan ka na ba? Nanakit ng babae na pinagsawaan mo?" Madiin na sabi niya at bigla siyang sinuntok ni Chance.
Nasaktan ako sa sinabi niya... pinagsawaan? Nafifeel ko din these past few days na medyo cold na siya sakin.
Biglang tumulo ang luha ko at tumakbo ako pababa. Hindi parin tumitigil ang luha ko sa pagtulo.
May nagugustuhan na ba siya? Sabi niya ako lang diba?
Napahinto ako sa pagbaba ng may naramdaman akong yumakap sa likod. "Babe, wag kang makinig sakaniya. Ikaw lang.... ikaw lang talaga." Bulong niya sa tenga ko.
Humihikbi akong tinanggal ang pagkayakap niya pero matigas siya. Ayaw niya bumitaw.
"C-Chance... a-ano ba." Naramdaman ko na umiling iling siya.
"No, i won't let you go."
Lumingon ako sakaniya. "C-Chance i really want to ask this question to you." Lumunok muna ako. "Do you still love me?" Tumingin ako sa mga mata niya.
"I don't want to live in lies." I added.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at tumingin sa mga mata ko.
"I f*cking love you, Cassandra. Mas mahal pa kita kesa sa buhay ko." Naiyak ako sa sinabi niya at niyakap. Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya.
I trust him so much!
"Besh? Chance?" Napahiwalay kami. "Bakit kayo nagyayakapan sa hallway? What if some students saw both of you hugging each other?" Iritang sambit niya at hinila ako palayo kay Chance.
Tinignan ako ni besh. "You are living in lies, Cassandra." Kinalibutan ako. Binanggit niya ang buong pangalan ko ibig sabihin she's so serious and i should listen to her.
Sinamaan niya nang tingin si Chance. "Wag kang mangialam na may buhay ng buhay." Sabi ni Chance.
"Paano ako hindi mangingialam kung ang bestfriend ko ay niloloko na pala." She smirked.
Nanlaki ang mata ko. "Anong ibig mong sabihin?" Bigla ako hinigit ni Chance.
"Don't listen to her." At hinila na niya ko paalis doon.
"Paano ako hindi mangingialam kung ang bestfriend ko ay niloloko na pala."
"Paano ako hindi mangingialam kung ang bestfriend ko ay niloloko na pala."
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
General FictionMagtatagpo kaya nang landas ang isang ESTUDYANTE na Playgirl/Ms. Heartbreaker At ang isang PROFESSOR na Mahangin/Gwapo/Hot etc. Ano kaya ang mangyayari? Magkakaroon kaya ng isang MALAKING GULO? O ISANG MALAKING PAG-IIBIGAN? Started: February 28, 20...