Cassie's POV
Soooo.... kami na? Joke lang~ Hindi pa, liliwagan pa lang niya ako. Masyadong excited ako lumandi. Charaught~!
Seryoso, ngayon lang ulit ako naging seryoso sa relationship. Hindi na ito relationshit, relationship na.
Nandito kami ni besh sa mall. Katulad nang sinabi ko kanina, mag bobonding muna kaming dalawa. Pang bawi.
"Besh~ Ano? Nagkaayos na ba kayong dalawa?" She asked.
Tumango ako. "Talaga?"
"Oo nga! Liligawan nga niya ako, eh!" Nanlaki mata niya.
"Wehhh? Hindi ka ba nakasinghot ng katol at ganyan ang mga pinagsasabi mo?" binatukan ko nga siya sa mga pinagsasabi niya.
"Aray naman! Malakas yun, ah!" Sabay kamot sa ulo niya.
"Magtatanong tas' hindi ka maniniwala sa sasabihin? Edi sana hindi ka na lang po nagtanong! Tsk!" Inis kong sabi sabay subo ng isang spoon ng ice cream.
Nakakainis! Nakakainis sobra! Hindi dahil sa hindi naniniwala si besh sa mga pinagsasabi ko dahil may nakita akong hindi kanais-nais at nakakasira sa view.
Si Angelo Manansala nandito sa ice cream parlor. Hindi pa niya ako napapansin. Tsaka sana lang, wag siyang lilingon sa direction namin.
Madami na siyang kasalanan sakin! Sh*t siya!
"Hoy, besh! Mata mo tumitirik!"
Hindi ko pinansin ang sinabi sa halip ay hinila ko siya papalabas sa store ng mabilis.
"Aray naman, besh! Naka heels ako teh!"
Medyo malayo na kami sa store kaya binitawan ko na siya. Buti nga hindi siya umangal kanina noong kinaladkad ko siya. Kung umangal siya tiyak at pagdidiskitihan ako ni Manansala.
"Bakit ka ba bigla-bigla mang kakaladkad, ha? Pwede mo namang sabihin na gusto mo nang umalis doon! Hindi yung basta-basta ka na lang manghihila! Naka heels pa man rin ako!" Reklamo niya.
Umupo siya sa may bench at hinilot hilot ang paa niya.
Napabuntong hininga ako. "Oo na po. Sorry na. Kasi nakita ko si Manansala doon eh! Nag panic lang naman ako. Baka kasi kung ano nanaman ang gawin nun sakin." Maamo na saad ko sakaniya.
"Tsk tsk tsk. Kaya sabi ko noon pa man sayo na tigil tigilan mo na ang pagiging playgirl mo dahil dadaan ang panahon na may magiging obsessed sayo. At si Angelo Manansala ang naging bunga." Sermon niya sakin.
Umupo ako sa tabi niya. "Oo nga. Siguro ito yung karma ko na hindi ako sayo nakikinig sa mga paalala mo sakin noon. Sorry besh, ha? Siguro hindi pa talaga ako nakaka move on sakaniya." Malungkot na sambit ko.
Biglang naging malabo ang paningin ko dahil sa pagtutubig nito. Naalala ko kasi siya. Sobrang sakit noong iniwan niya ako noon kung kailan kailangan ko siya. Iniwan niya ako sa panahon na gusto ko na may kasama na mag cocomfort sakin.
Napansin niya yatang mukhang iiyak na ako kaya niyakap niya ako. "Shhh.. wag mo na siyang isipin, ha? Dapat hindi mo sinasayang ang luha mo sa walang kwentang tao na yun. He will regret all the things that he did to you. Na iniwan ka niya sa ere." Nagbreak down na ako dahil sa sinabi niya.
"Uyyy! Wag ka nang umiyak" sambit niya at hinaplos haplos ang likod ko para mapatahan ako sa pagiyak.
Kumalas nako sa pagkakayakap at pinunasan ang mata ako at pisngi.
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
General FictionMagtatagpo kaya nang landas ang isang ESTUDYANTE na Playgirl/Ms. Heartbreaker At ang isang PROFESSOR na Mahangin/Gwapo/Hot etc. Ano kaya ang mangyayari? Magkakaroon kaya ng isang MALAKING GULO? O ISANG MALAKING PAG-IIBIGAN? Started: February 28, 20...