MMP - Thirty Four

3.1K 87 40
                                    

"Mom! Dad!" Hiyaw ko habang namimilipit ako sa sakit. Manganganak yata ako.



Pinipilit ko tumayo pero hindi ko kaya! Sobrang sakit ng tiyan ko! "Baby!/Cassandra!" Sabay na sigaw nila. Dali-dali naman ako kinarga ni Dad at sinakay sa passenger seat. Nasa tabi ko si mommy.



"Baby, inhale exhale." Tinignan ko siya at ginaya yung ginagawa niya. Basang basa na yung mukha ko ng pawis at luha. Mukha siguro akong sinabutan ng kabayo ngayon dahil sa itsura ko.



Lalong sumakit tiyan ko, "Ahhhhhhhhh!!!!! M-Mommy!!!" Hiyaw ko. Napahigpit kapit ko sakaniya. "Malapit na tayo nak!" Pati si Dad natataranta. Basta na lang niya pinark ang kotse at tumawag ng nurse.




Binuhat naman nila ako at hiniga. Hinihingal nako. Feeling ko anytime mamamatay nako. Pero hindi pwede, kailangan ako ng kambal.




Nang makapasok nako sa room ng panganakan, doon na sumabog ang panubigan ko. "Ahhhhhh!!" Hiyaw ko.





"Sige lang Cassandra! Sige pa!" Sabi sakin nang doktor ko. Binigay ko lahat ng lakas ko at napakapit ako sa bakal ng higaan ko.



"Aaaahhhhhhhhhh!!!!!" Pagkaire ko, nakarinig ako ng iyak ng bata.




Napahiga ako at hinahabol ko ang paghinga ko. "Cassandra meron pa. Kaya mo yan!" Napapikit ako ng mariin.




"Ahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!" Nailabas ko na ang pangalawang anak ko. Napahiga nako ng tuluyan.




Ang hirap.... ang hirap lalo na magisa ka lang.




Tumingin ako sa gawi ng doktor at nakita ko ang dalawang nurse nahawak ang kambal ko. Napangiti ako at unting-unti ng pumikit ang mga mata ko.







Nagising ako sa liwanag at rinig ko ang ingay ng mga tao.



"OMG!!! Ang gagandang bata! Manang mana sakin! Hehe~" rinig kong sabi ni besh.




"Uy! Wag mo muna buhatin! Si Cassie muna!" Unting unti kong minulat ang mga mata ko at tumingin ako sa may bandang kaliwa ko. Napangiti ako, nakita ko ang kambal ko.



"Gising na si Jade!" Masayang sambit ni Gelo. Agad naman binunat ni Mom & Dad ang kambal at nilagay sa magkabilang braso ko.




Nakangiti ko silang tinignan. Hindi sila magkamukha. Nagmana saakin ang nasa right side ko at sa left side ko naman, nagmana kay Chance. They are Fraternal Twins.




Hindi ko namalayan, may tumulo na palang luha sa mata ko. Tears of Joy ika nga. Parang kanina lang, sobra akong nahihirapan na ilabas sila, ngayon nailabas ko sila ng maayos. Napakagandang mga bata.


Pinunasan ni besh ang luha ko at ngumiti siya nang malawak.



"Ipapangalan ko ang nasa kanan ko na, Sapphire Eyngel Moretz-Hernanlez." Hindi ko maiwasan ang hindi mapaiyak ng banggitin ko ang apelido niya. Oo, ibibigay ko sa mga anak ko ang surname niya. Karapatan niya yun. Kahit surname lang niya alam kong masaya siya sa... itaas. Kaya siguro ako naging successful ako panganganak ko dahil ramdam ko nasa tabi ko siya at chinicheer ako.



"Ipapangalan ko naman dito sa kaliwa ko, Zircon Eyngelic Moretz-Hernanlez." Nakangiti kong sambit.



"Wow! Ang ganda naman nang pangalan ng mga inaanak ko!" Masayang sambit ni besh. Mga nakangiti sila saamin-- sa kambal.



Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon