MMP - Twenty Seven

2.9K 81 31
                                    

Chance's POV


Pagkapasok nila sa elevator agad kong hinawakan ng mahigpit si Krisha sa braso at hinila sa may staircase.



"A-aray ko Chance! N-nasasaktan ako. A-ah!" Marahas ko siyang hinarap saakin. Tinignan ko siya nang masama.



"Ano yung sinabi mo kanina kay Cassandra?!" Galit na tanong ko. Inirapan niya lang ako at hinimas himas niya ang braso niya na hinawakan ko kanina.




"Malandi?" Nagtagis ang panga ko sa sinabi niya. Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Oh? Bakit affected ka? Diba ako mahal mo?" Napaiwas ako nang tingin.




Lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko para makatingin sakaniya. "Diba sabi mo ako lang?" Mapangakit na sambit niya.




Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sakin at tinanggal iyon.



Nagulat siya sa ginawa ko. Tinignan ko siya sa ng diretso sa mga mata niya at may namumuong luha.




Hinigpitan ko ng pagkakahawak sa kamay niya at hinila palapit sakin. "Oo, ikaw lang. Ikaw lang mamahalin ko habang buhay." Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sakin.




"Mahal kita higit pa sa buhay ko, CJ." Napangiti ako nang banggitin niya ang nickname ko.



"Mas mahal kita, KE."




Kung iniisip ninyo na hindi ko minahal si Cassie, nagkakamali kayo. Minahal ko din naman siya pero mas mahal ko Krisha. Narealize ko lang lahat noong umuwi kami dito sa Pilipinas galing kami noon sa NY.



Doon lang ako nalinawan na si Krisha ang mahal ko talaga.



*Flashback*



"May gusto ka ba sa kapatid mo, bro?" Tinignan ko siya saglit at tinuon ko na ulit ang tingin ko sa libro na binabasa ko.



"Paano kung oo? Gusto ko nga siya." Umayos siya ng upo.



"Isang tanong isang sagot, gusto mo ba siya?"



"Oo. Hindi naman kami magkapatid kaya walang kaso kung magkagusto man ako sakaniya."




"A-ah.... sige bro, una nako umuwi sainyo ni Krisha. Kailangan ko pa tulungan si mama." Tumango ako. "Ingat ka, bro." Umalis na siya.




Napabuntong hininga ako. Sa kinikilos niya, alam kong may gusto siya kay Krisha. Tumayo nako at nilagay nasa bag ko ang libro. Lumabas nako sa library para sunduin si Krisha sa klase niya.




3rd year ako at Grade 6 siya, ano naman? Tsaka kapag titignan mo si Krisha hindi naman siya mukhang grade 6 dahil matangkad ito at medyo matured na.



"Kuya Chance!" napangiti ako. Niyakap niya kaagad ako.




"Chance! Gagraduate nako ng elementary!! Makakasama nakita sa High School kahit isang taon lang." Masayang sambit niya. Ginulo ko ang buhok niya. Hinawakan ko na ang kamay niya at nagsimula na kami maglakad palabas ng eskwelahan.



"Kuya Chance pwede ba kita tawaging CJ? Para hindi mahaba." Natatawang sambit niya. "Oo naman. Ikaw naman, tatawagin kitang KE." Nginitian ko siya.




Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon