MMP - Thirty

3K 100 44
                                    

Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko pero dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha yung cutter.



Papatayin ko sila! Mga hayop sila!



Hindi parin tumitigil ang pagiyak ko. "Mga pu*angina ninyo." Nanginginig nako sa galit. Tumakbo ako sa kwarto kung saan nakita ko silang nagbababuyan.




Nasa tapat ako ng kwarto pero parang hindi ko kaya pumasok sa loob ng impyerno! Patuloy lang sila sa ginagawa nila! Mga hayop! Mas malala ngayon kaya nabitawan ko ang cutter at nagpatunog ito ng malakas na tunog kaya tumigil sila at napalingon sakin.



Sobrang higpit na ng pagkuom ko ng kamao ko at patuloy parin  nagsisituluan ang luha ko.





Mabalis pa sa isang segundo na bumaba ako ng hagdan at lalabas nasana ako ng may humigit sa pulso ko. Napatingin naman ako. Tan*ina! May kaharap akong demonyo pa sa demonyo!




Marahas kong inaalis ang pagkakahawak niya at nabitawan naman niya. "Cassie....." umiwas ako nang tingin at bubuksan ko na sana ang pinto ng pigilan nanaman niya ko.




"Putang*na! Ano ba?! Hindi pa kayo tapos diba?! Pasensya na ha?! Nakaistorbo yata ako!" Nag cracked ang boses ko at tumulo nanaman ang peste kong luha.




"C-Cassandra.... sorry." Tumungo siya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka boxer lang siya. Put*ngina lang.




Natawa naman ako. "Sorry? Tan*ina! Sayo na yang sorry mo! Kailangan paguwi ko bukas wala na kayo sa pamamahay ko! Binababoy niyo ang pamamahay ko! Mga p*ta kayo!" Marahas kong binuksan ang pinto at sinara ko ito ng malakas.




Tang*ina! Putangi*a talaga!!!!!




Napaluhod ako sa gitna ng kalsada. "Lord, bakit ganito? Bakit palagi mo na lang ako sinasaktan? Sising-sisi na nga ho ako sa mga kagag*hang ginawa ko dati eh. B-bakit?" Napahagulgol ako.




Tumayo ako at nagsimula ng maglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.




Habang naglalakad ako, paulit-ulit nag rereplay sa utak ko ang mga kababuyan nila! "Sobra kitang mahal, Chance....." bulong ko.




"Cassiet?" Napalingon ako. Lumapi siya sakin agad-agad. Lalo akong napaiyak. "Anong ginagawa mo dito? Gabi na. Mapahamak ka pa at bakit sobrang mugto ng mata mo?" Imbes na sagutin ko siya, yinakap ko siya ng mahigpit.




"Erine.... a-ang sakit-sakit! Ang bababoy nila!" Hagulgol ko. Hinaplos-haplos niya buhok ko. "Shhh... nandito lang ako...." bulong niya.



Kumawala na kami sa yakap at pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. "Sharine...... bakit nila ginagawa yun?" Ito nanaman ang traydor kong luha! Nesfuta.



Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. "Hindi sila tunay mag kapatid. Ampon lang si Krisha." Napakunot noo ko. "Krisha?"




"Yan yung first name niya. Krisha Eunice Dela Vega--- rather Montenegro." Tumigil ang pagagos ng luha ko at tinignan siya ng pagtataka.



"Montenegro? H-how.... it can't be.... Siya... ang nawawalang kapatid ni Sam?" He nodded.



Bakit hindi sakin sinabi ni besh?



"Krisha.... Krisha... so all this time, siya pala yung palaging binabanggit ni Chance tuwing...." pumiyok ako at tumulo nanaman luha ko.



Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon