ILY - One

1.4K 31 41
                                    

Cassandra's POV

Maaga ako nagising dahil ihahatid ko pa sila mommy at ang dalawa kong anak sa airport.

"Mommy! You promise that na susunod ka sa'min, okay?" malambing na tanong ni Phire.

"Oo, nak. Promise, susunod din ako sa inyo. Marami kasi akong kailangan asikasuhin dito. You understand naman right?" hinaplos ko ang maamo niyang mukha.

Ang kaniyang mapungay na mata, nakuha niya kay Chance.

Tumango naman si Phire at pinagpatuloy ang pag kain niya ng breakfast.

Tumabi ako kay mom at kumain na rin.

"Sigurado ka bang kaya mong mag-isa dito?" panimula niya.

"Oo naman, mom. Ba't naman hindi?" natatawang tanong ko. Uminom ako ng tubig, nanunuyot ang lalamunan ko.

"Cassandra, seryoso ang tanong ko. Nag-aalala ako sa'yo. Mamaya kung anong mangyari sa'yo dito." nag-aalalang sabi ni mom.

Tinitigan ko ng saglit si mom. "Kaya ko talaga, mom. 'Saka dalawang buwan lang naman ako dito pagkatapos non, susunod na 'ko sa inyo." I assured her.

Grabe talaga 'to si mom, walang tiwala sa'kin na I'm independent woman. I'm strong enough.

Tumango na lang si mom as her defeat.

Nagitla ako ng may yumakap sa tagiliran ko.

"Mommy, mamimiss kita." naiiyak na sabi ni Ziri.

Napatawa ako ng konti at hinaplos ang kulot niyang buhok.

"Susunod si mommy, okay? Mabilis lang 2 months, baby." I smiled at her and wiped her tears namumuo sa kaniyang mata.

She nodded her head and hugged me tight.

Mamimiss ko 'tong mga bulinggit ko. Sana mag fast-forward na lang ang lahat.

Pagkatapos namin mag breakfast ay dumiretso na kami sa airport.

Hinatid ko sila hanggang sa loob.

"Mag-iingat kayo mom, ha? Pag nagkaroon ng problema sa inyo, tawagan mo lang ako." sabi ko sa kaniya.

"Ikaw din, Cassie. Wag kang magdadalawang-isip na tawagan ako kapag nagkaroon ka ng problema dito." tumango ako at lumapit sa kaniya para halikan siya sa right cheek.

"I love you, mom." bulong ko sa kaniya.

"I love you too, anak."

Naramdaman ko ang kaniyang yakap kaya yinakap ko rin siya pabalik.

Sobrang namiss ko ang yakap ni mommy. Kung hindi pa siguro dahil sa kambal ko, hindi ko ulit makakasama si mommy.

Kumalas na 'ko sa yakap at ang kambal ko naman ang yinakap ko.

Both of them kissed my cheek and hugged me tight.

"I love you, mommy!" they both whispered.

Napangiti ako ng malawak at hinalikan din sila.

"I-send niyo sa'kin mga pictures niyo pagmamamasyal kayo babies, okay?"

"Okay okay!" masayang sagot nilang dalawa.

Last call: New York City, USA.

"Ayan na mom, last call niyo na." I told her.

Pumasok na sila loob at ang kambal ko naman ay walang tigil kakababye hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Huminga ako ng malalim. "Okay, Cassie, you can do it. Dalawang buwan ka na lang dito."

Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon