MMP - Seventeen

4.3K 118 8
                                    

*knock knock*

"Hmmm..."


*knock knock*


Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko dahil sa sunod sunod na pagkatok.

"Ano ba?! Natutulog yung tao! Istorbo!" Inis na sabi ko.

"Ma-maam may bisita pong babae sa baba"


"Oh?! Anong gagawin ko dun?! Si Sam lang yan! Hayaan mo lang siya doon! Yan lang ba pinunta mo?! Kaistorbo ka!"

Huhuhu! Antok na antok ako! 7 AM pa lang! Weekend naman ngayon!


"Ma-maam hindi po siya si Maam Sam. Bagong mukha po, eh"


Ano daw?


"Sige sige. Baba na ko" tumayo nako at naghilamos.


Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Napakunot ang noo ko.


Kausap siya nila Chance. Sino ba tong babaeng ito?


Napatingin sakin yung babae at nginitian ako. Mukha siyang plastic.


Kaya naptingin din sakin yung dalawa. Si Erine ang ngiti abot hanggang langit. Si Chance poker face. Woaahh~ For the first time! Mas bagay sakaniya ang ganyan! Mas gwapo siya kesa sa mapangasar na Chance!


Minahal ko naman yung mapangasar na Chance. Ayyy! Ano ba yan pinagsasabi ko! Aga aga, eh~


"Hello, Cassie~" bati sakin ni Erine. Nginitan ko lang siya at lumapit sakanila. Tinignan ko yung babae at binalik ulit sa dalawa yung tingin.


"Who is she?"


"Hello, Cassie unnie~! Ako nga po pala si Eunice. Ako po yung girlfriend ni Erine at ako po yung kapatid ni Kuya Chance" pag iintroduce niya sakin.

Kapatid? Wala naman siya nabanggit sakin.


"Ok.." nagaalinlangan kong sabi. Tinignan ko ulit siya. Bakit may pakiramdam akong hindi maganda sakaniya?


I hope my feeling is not true about her. Mukha pa naman siyang anghel na bumaba sa langit.

Nginitian ko siya. "Maupo ka muna. Anong gusto mong kainin, Eunice?"


"Wala po. Kakain ko lang po bago po ako pumunta dito" nginitian niya ulit ako.

"Kailan ka pa nagkaroon ng kapatid Chance?" Biglang kong tanong. Hindi na napigilan ng bibig ko, eh.


"Ahh.. Kapatid ko siya sa nanay"


"So.. iba tatay niyo?"

Ayy~! Ang shunga shunga mo, Cassandra~! Malamang sa alamang ayaw nila pinaguusapan ang mga ama nila! *facepalm*


"Ahh.. ganon na nga po" si Eunice na ang sumagot.


"Sorry sa pag oopen up ng topic. By the way, feel free and feel at home ka lang dito, Eunice. Basta, don't come to my room. Ayaw ko na may pumapasok doon" pag papaalala ko sakaniya.


"Sige po" nginitian niya ulit ako. Ang hilig niya ngumiti, ah. Sana totoo ang ngiti niya.


"Anong oras na ba?"


"7:45" sagot ni Erine.


"May pupuntahan ka ba?" Tanong ni Chance at tumingin sakin.

Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon