MMP - Thirty One

3K 94 26
                                    

"Hala besh! Saan ka ngayon tutuloy muna?" Nagaalalang tanong niya.




Hindi kasi ako pwede kanila besh tumuloy dahil magkakagulo lang doon sakanila at mapatay ko ang hayop na yun. Kay Dad naman, out of town dahil sa business so my mom too.




Kay Gelo, hindi din pwede. Saan kaya pwede ako makituloy kahit isang araw lang?





Nginitian ko siya. "Ako na bahala sa sarili ko." Bigla niya ko pinaningkitan ng mata.





"Anong kaya mo na sarili mo? Wag mo kaming lokohin! Hindi kami aalis dito hangga't wala kang sinasabi kung saan ka tutuloy ngayon." Natawa ako.





"Opo nay." Nag rolled eyes na lang siya. "Gusto mo kanila Chanyeol ka muna?" Singit ni Gelo. Umiling ako. "Wag na, nakakahiya sakaniya at sa magulang niya." Ngumiti ako sakaniya.




"Sorry kung ngayon lang ako. Pinaghintay ko ba kayo ng matagal?" Hinihingal na sambit ni Erine. Nagsiilingan kami.




"Kakalabas lang din namin." Sagot ko. "Yan! Tamang tama! Kay Sharine ka muna makituloy!" Masayang sambit ni besh.




Tinaasan ko siya ng kilay pero kumindat lang siya. "Hoy Sharine! Malaki tiwala ko sayo, ikaw muna bahala kay besh ha?" Sabay tapik sa braso niya at nagpaalam na silang dalawa saamin.




Naparolyo ako ng mata. Besh talaga.




Tumingin si Erine sakin. "A-ano? Tara na?" Tumango ako. Sumakay kami sa taxi.




Simula kasi nung mangyari yun, umalis si Erine sa bahay at tumuloy sa apartment na nahanap niya. Kinuwento niya sakin lahat-lahat at nalinawan ako. Sobra akong naawa kay Erine at sobra akong nagagalit kay Eunice or should i say that bitch. She ruined our life.




Hindi muna ako tumuloy sa bahay kasi nandoon parin ang mga hayop. Hindi ba sila marunong makiramdam? Nesfuta.




Hindi ko pwede istress ang sarili ko sa mga hayop na yun. Napahawak ako sa tiyan. Baby, pasensya ka na kay mommy, parang hi-nit and run ako ng hayop mong tatay. Pagkatapos kong ibigay ang lahat sakaniya, ganito ang isusukli niya? Pero wag kang magalala baby, hindi naman kita sinisisi sa mga nangyari. Ikaw ang pinaka magandang regalo na binigay sakin ni God.





"Nandito na tayo, Cassiet." Napatingala naman ako at binuksan na ang pintuan. Nilibot ko ang lugar, maganda naman siya. Maganda yung mga nakapaligid. Parang nasa probinsya ka lang dahil presko ang hangin.




"Pasok na tayo at makapagpahinga ka na." Tumango ako at sumunod sakaniya sa loob na bitbit niya ang mga gamit ko.




Umupo ako sa may sofa at sinuri ang buong bahay. Napangiti ako. "Ang ganda pala ng apartment mo eh. Ang ganda! Province type." Tumingin ako sakaniya at nakangiti siya.





"Sa pinsan ko itong apartment, gusto niya palagi naka organize at palagi niya din binabago yung type ng bahay niya. Minsan nga modern type tapos yung ibang gamit ibebenta niya at gagawin naman niyang vintage type ngayon naman province type." Hindi ko maiwasan na hindi humanga sa pinsan niya. He/She must be a interior or architecture.



"Ano ba pinsan mo? At nasaan siya?"




"She's an Interior and she have a project in London." Nanlaki mata ko.




Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon