Book 2: Prologue

1.3K 11 10
                                    

Book 2: I Loved You


Third Person POV

May isang magandang babae ang bumaba upang salabungin ang kaniyang pinaka gwapo na asawa.

He smiled at her and he offered his hand to her. "Let's go?"

She nodded and held his hand tightly.

Sumakay na sila sa kanilang limousine patungo sa isang magarbong party.

"Is it okay for you to come there, baby?" he asked.

Nag-aalala siya ng sobra para sa asawa niya dahil galing lamang siya sa miscarriage.

"Yes, baby. I'm okay." she smiled to assured him that she's okay.

"The doctor said that I need to unwind. Para hindi ma-depress ng sobra." she added.

30 minutes have passed, they arrived at the hotel.

Pagkapasok nila, sinalubong sila ng mga flash ng cameras.

The model from Europe turned to a businessman and the President of Sarchiko Company.

Talaga namang agaw pansin ang mag-asawa. Hindi lamang dahil sa pinanghahawakan nilang titulo, dahil din sa kanilang magandang mukha.

"Kamusta na kayo, Ms. Crystal? Galing ka pa lang sa miscarriage mo, bakit naisipan mo na dumalo pa rito?"

"Totoo po ba ang kumakalat na balita na sinadya niyo po na makunan?"

Nagpantig ang pandinig ng kaniyang asawa.

"Mauna ka na sa loob, baby." bulong niya.

Tiningnan siya ni Crystal, nangingiusap ang kaniyang mga mata na wag gagawa ng hindi maganda. Dumiretso na siya sa loob ng ballroom.

"Kung anuman po ang kumakalat o nagpapakalat na balita na hindi totoo, maaari kong ipasara ang inyong kompanya." seryosong sabi niya. May pambabanta ang kaniyang boses.

Natahimik ang mga interviewers at humingi ng paumanhin.

Pumasok na rin siya ballroom room.

Nasilayan naman niya kaagad ang kaniyang magandang asawa at hinalikan niya sa noo.

Napatingin siya sa kausap ng kaniyang asawa. "Good evening, Ms. Cassandra." bati niya.

Nanlaki ang mata ni Cassie. "Good evening too, Cha- I mean, Mr. Leonard." she smiled lightly.

"Did you know, baby, Cassie is my second cousin." Crystal said.

Napainom naman si Cassie ng wine at umiwas ng tingin sa dalawa.

Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng sakit sa kaniyang puso.

"Kaya naman pala magaling siya sa business." puri ni Leo habang nakatingin kay Cassie.

"Mana kasi 'yan sa'kin." natatawang sabi ni Crystal.

Nagtaka si Crystal bakit biglang tumahimik si Cassie.

"Hey, Cas, are you okay? Namumutla ka." nag-aalalang sabi niya.

Napatingin si Cassie sa kaniya saglit at tumango. "Yes, I'm okay. I just need to go to the bathroom."

Umalis na siya sa table ng mag-asawa.

Crystal shrugged it off. Pero sinundan ng tingin ni Leo si Cassie.

Hindi niya alam kung bakit may nararamdaman siyang pag-aalala kay Cassie, hindi naman sila close.

Napailing na lang si Leo at ininom ang wine sa harapan niya.


Pagkapasok ni Cassie sa comfort room ay tumulo na ang kaniyang mga luha na kanina pa nagbabadya.

"Ano ba, Cassie! 5 years na, why you can't move-on? Hindi siya si Chance. P-patay na si Chance..." hindi na niya napigilang humagulgol.

__________________________

A/N: Masasagot na ang mga katanungan niyo rito sa book 2.
Magfofocus ako rito kila Leo, Crystal, and Cassie.

Hindi ko masyado ipapakita sila Gelo, Samantha, Erine, at yung mga anak nila.

This is more on about the protagonist.

Nakaisip na 'ko ng plot na mukhang isusumpa niyo 'ko. (Wag naman sana. HAHAHA.)

Baka puro angst ang magawa ko rito. Baka lang naman.

Thank you for waiting!

18/6/30

Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon