Nakatulala lang ako sa laptop ko habang nakahawak sa sentido ko. Space out ang utak ko. Tumatakbo kasi sa isip ko si Mr. Frayalde.
Jusko, Cassandra. May asawa na yung tao! Stop thinking about him!
Nababaliw na yata ako pati sarili ko kinakausap ko na.
Nagitla ako ng may lumitaw sa screen ng laptop. Nanlaki mata ko at tumatawag si Mr. Frayalde sakin sa skype para pagusapan kung ano yung gagawin namin sa Batanes. Mag business partner nga kami.
Inayos ko ang sarili ko at pinindot ko ang green. "Good tanghali, Ms. Cassandra." Bungad niya sabay smile. Jusko patawarin mo ko Chance kung natatawa ako sa kakornihan niya parang ikaw. Pero Good Tanghali? Ano yun? Conyo ang peg.
Pinigilan ko ang hindi matawa kaya ngumiti din ako sakaniya habang nakagat labi. Baka mamaya bigla na lang ako humagalpak at bawiin niya ang mga ininvest dito sa kompanya. Lagot ako kay dad.
"So Mr. Frayalde, ano sa tingin mo ang kaya nating gawin sa Batanes? Yung itatayo na factory?" I asked. Mas ok na bilisan ko na lang ang pagtatanong dahil hindi ko maiwasan na isipin siya si Chance na imposible naman mabuhay siya.
"It's ok. I think Batanes is the great place to build a factory because of the people there, they need to work. Dahil nangangailangan sila doon." I nodded. He's kind like him.
"You Ms..... wait, what will i should call you? Ms or Mrs? I heard that you're married but you are too young to be a widow." I chuckled. "Bolero mo, Mr. Frayalde. Basta kung saan ka komportable. Ok lang naman sakin kung ano ang itawag mo sakin." Natatawang sabi ko.
"Should i call you Cassine?" Bigla nawala yung ngiti sa labi ko. Yan din ang tawag sakin ni Chance noong una kaming mag meet hanggang sa huli. Gusto umiyak pero pinipigilan ko. Coincidence lang siguro ang nangyayari ngayon.
"A-ah.. Cassandra na lang." Ngumiti ako nang pilit. "Mr. Frayalde, i'm sorry but i need to hang up this call. I have a emergency today." I lied.
"Ok, Cassandra. Sorry kung nakaistorbo pa ako." Umiling ako.
"You're not, Mr. Frayalde."
"Cassandra, you can call me Leo. Mr. Frayalde is too formal." He smiled. His smile, his eyesmile. I miss it. Iisipin ko na carbon copy sila ni Chance.
Chance sana pinakinggan kita noon. Sana kasama pa kita at masaya tayong magkapamilya.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at hinang-up ko na ang tawag. Tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Ano na ba nangyayari sakin? I shouldn't feel this..... that i feel for Chance. Si Chance lang mahal ko, oo siya lang wala nang iba.
Nagulantang ako nang marinig ko ang pag ring ng cellphone ko. Sinagot ko kaagad at pinunasan ang mga luha ko. "Yes?"
"You forget don't you?" Rinig kong patatampo sa boses ni besh. Inalala ko ang mga sinabi sakin ni besh nitong nakaraang araw. Nanlaki mata ko, "OMG! I'm sorry! I'm on my way!" I said at binabaan na siya nang tawag. Dali-dali ako lumabas ng opisina ko.
How can i forgot the important day of my bestfriend?! Nesfuta.
Nag park kaagad ako at patakbo ng pumunta sa loob. Nandoon na ang mga kaibigan and some relatives nila ni Gelo. Ngumiti ako sakanila at nag bow bow. Sign of respect.
Nang makarating ako sa kinakaroonan nila besh, nag peace sign ako sakaniya at niyakap ng mahigpit. "Sorry na besh. Alam mo naman yung dahilan diba?" Kumawala nako sa pagyayakapan namin.
"I know naman hindi ko lang maiwasan na magtampo." She pouted. Natawa ako. "Di bale, babawi ako sayo." I winked.
Nagstart na kami dahil dumating na ang mga media. Konti lang naman. Magoopening kasi si besh ng restaurant. Kahit accountancy ang tinapos niya, nagaral siya ng culinary at mas nagustuhan niya iyon. Kaya ngayon, she built a restaurant and i'm so proud of her.
Sobra akong natutuwa dahil palagi nandiyan si Gelo sa tabi niya kahit sobrang busy niya. I'm so thankful to him nandiyan siya palagi sa tabi ni besh.
Nang matapos ang ribbon cutting, nagpalakpakan kami. Nagkaroon ng interview si besh at as i said, Gelo always beside her.
Nakangiti lang ako na pinapanood sila. Masaya sila but i know deep inside, half of it not. Gustong gusto na nilang magkaanak pero ayaw talaga.
Hindi si Gelo ang may problema, si besh. Tuwing nagkikita kami yung ngiti niya pilit. Pero these past months, ok naman siya. Yung ngiti niya totoo na.
Nawala ngiti ko nang maalala ko si Chance. Years past pero sariwa parin yung sakit sa puso ko. Hindi ko kasi maiwasan hindi isipin na ako yung may kasalanan ng lahat. Kung nakinig lang sana ako at sinabi sakaniya ng maaga, hindi sana ganito.
Bumukas ang entrance at doon lahat ang tingin namin. Natapos na ang interview ng media kay besh at nagsituon sila sa dumating.
"OMG! I'am dreaming?! Leonard Frayalde, ex-model and now, the CEO!" Rinig kong bulong ng ibang bisita.
At kung ano-ano pang bulungan ang narinig ko. Ang pinagtataka ko lang, what is he doing here?
Humawi ang daan at naglakad wearing his charming smile. Nanlaki mga mata nila Erine, besh, at Rayne. Nakita na din kasi ni Rayne si Chance pero sa picture lang.
Nang magtama tingin namin, lalong lumawak ang ngiti niya at naka eyesmile na siya ngayon. Ano itong nararamdaman ko?
Nakikita ko talaga sakaniya si Chance Jasper Hernanlez, that i Married my Professor.
The End.
__________________________
Waaahhhhh!!! OMG!! My first ever story that i finished! It's been 1 year, atlast i finished it before the back to school.
The Book 2 is publish now and tignan niyo na lang sa profile ko entitled: The Most Beautiful Moment in Life.
Sa mga loyal kong readers dito maraming salamat sa pagbabasa at magbabasa nito. I hope i will see you again in book 2. As i promise, mas gagandahan ko ang book 2.
You can ask me anything and i will answer it in the Author's Note that i will create next.
Marrying My Professor ended: June 4, 2016, Saturday
Signing off.
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
General FictionMagtatagpo kaya nang landas ang isang ESTUDYANTE na Playgirl/Ms. Heartbreaker At ang isang PROFESSOR na Mahangin/Gwapo/Hot etc. Ano kaya ang mangyayari? Magkakaroon kaya ng isang MALAKING GULO? O ISANG MALAKING PAG-IIBIGAN? Started: February 28, 20...