Third Person POV
Paikot-ikot si Chance sa labas ng kwarto ni Cassie. Kinakabahan siya baka may masamang karamdaman ang asawa niya.
Biglang bumukas ang pinto at nakita niya ang doktor kaya pumunta agad ito sa gawi niya. "Doc, ano ho nangyari sakaniya?" Puno ng pagaalala at malakas ang kabog ng dibdib niya.
"Mr. Hernanlez ang iyong asawa ay........"
"Ay?"
"Ay na over fatigue lang siya." Napahinga siya ng maluwang pero may lungkot siyang naramdaman.
"Akala ko kung napano siya. Akala ko..... nevermind. Salamat doc." Ngumiti siya at pumasok na sa loob ng kwarto ni Cassie.
Nadatnan niyang nakaupo si Cassie at masayang kumakain ng prutas.
"Dalhin ko kaya siya sa Mental Facility? Nagkasakit na nga lahat-lahat, nakuha pang magsaya." Sa isip isip niya.
"Babes naman. Nakakatakot ka." Lalong ngumiti ng malapad si Cassie at nagmumukha na siyang buwaya sa sobrang kakangiti.
Napaatras ng konti si Chance dahil ang creepy ng asawa niya.
"Sa gandang ko ito? Kinakatakutan mo? Anong nakain mo aber?" Taray mode on si Cassie. Bipolar.
Napailing si Chance. "Ang weird pala kapag na over fatigue ka. Nagmumukhang takas sa mental." Hinagisan siya ng mansanas ni Cassie.
Inirapan lang siya nito. "Kung alam mo lang. Pero hindi pa ito ang tamang oras." Bulong ni Cassie.
"Ano? Pati ba naman sarili mo, kinakausap mo na? Hello babes~ Nandito ako." Winagayway niya ang dalawa niyang kamay. Napa rolled eyes si Cassie.
Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit ang init ng ulo niya kay Chance. Siguro dahil sa dinadala niya. Napaghihilian.
"Baliw ka ba o buntis ka?" Nabilaukan naman si Cassie sa narinig niya. Dali-dali naman siya inabutan ni Chance ng tubig. Inalalayan siya nito.
"Hala babes~ Sorry. Ayos ka na?" Tumango naman siya. Tinignan niya si Chance na nakatingin din sakaniya.
Linapit ni Chance ang mukha niya kay Cassie. Nakapikit na si Chance pero si Cassie kwago ang peg.
Bigkang sumama aura ni Cassie at tinulak si Chance. "Ang baho ng hininga mo! Nag to-toothbrush ka ba at toothpaste?!" Kinurot ni Cassie ang ilong niya dahil hindi niya nakayanan ang superpower ni Chance na dinaig pa ang imburnal sa sobrang baho ng hininga.
De joke lang. OA na. OA na.
Inamoy naman ni Chance ang hininga niya at mabango naman. Kaka toothbrush at toothapaste niya kang kanina at may mouthwash pa. Oh diba, tularan si Hernanlez!
"Babes naman. Ilong mo may problema. Naamoy mo yata yang bibig mo dahil malapit lang yan sa ilong." Pangaasar niya.
Binato nanaman siya ni Cassie ng saging. "Dora babes hindi ko kailangan ng saging dahil mas malaki pa saging ko kesa dito." Namumula na sa inis si Cassie.
"Chance Jasper Hernanlez!!!!!!" Tumakbo na si Chance papalabas dahil ihahagis na sakaniya ang buong basket.
Pagkalabas niya ng room, may isang tao siyang hindi inaakala na pupunta dito.
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
General FictionMagtatagpo kaya nang landas ang isang ESTUDYANTE na Playgirl/Ms. Heartbreaker At ang isang PROFESSOR na Mahangin/Gwapo/Hot etc. Ano kaya ang mangyayari? Magkakaroon kaya ng isang MALAKING GULO? O ISANG MALAKING PAG-IIBIGAN? Started: February 28, 20...