MMP - Thirty Three

3K 88 52
                                    

A/N: Lilinawin ko lang na PAST po yung Third Person POV. Kaya nga may *Six Months Ago* eh. Huehue~ Malapit na tayo sa ending. Huhuhu~

___________________________

Third Person POV


*Six Months Ago*


Continuation.....



Nasa ospital sina Chance at Krisha, pinapa check up siya. Tuwang-tuwa si Krisha dahil 3 months na siyang buntis at baka makita na niya ang gender ng anak niya. Si Chance ngumingiti lang nang peke sakaniya pero masaya siya na makikita ito.



Pinahiga na si Krisha sa higaan at pinahidan siya ng gel sa tiyan.



"Nako iha, ang bata-bata mo pa pala. Alam ba ito ng magulang mo?" Tanong ng temporary niyang doktor. Wala kasi ang doktor niya kaya pinasched siya sa iba ngayon. Halos gusto na niyang irapan ito pero ngumiti siya nang peke. "Opo alam nila." Sagot nito.



Nasa corner lang si Chance habang nakatingin sa screen. Nasusuklam siya na makita si Krisha. Alam na ng magulang niya, sinabi niya ito. Nagulat din si Samantha noon at pinipigilan niyang manampal sa harap ng magulang nila noon.




Nagtaka si Samantha noon na imbes na pagalitan ang bunsong anak nila, natuwa pa sila at sinuportahan. Like duh! Ang bata-bata pa nga niya, lumalandi na. Sa isip-isip ni Samantha noon. Nagpa request si Krisha sa magulang niya na magseseparate siya ng bahay para makasama si Chance.




Pumayag naman ito. Napa rolyo na lang ng mata si Samantha noon. "Malakas ang kapit ng anak mo. Alam mo sa isang pasyente ko, last last week, mahina ang kapit ng kambal niya pero kahapon ng magpacheck up siya ulit, malakas na ang kapit." Kwento nito. Palihim na naparolyo ang mata ni Krisha.



"Tinatanong ko ba?" Sa isip-isip nito. Ngumiti siya nang pilit.



"Talaga po? Anong gender ng anak niya?"




"Parehong babae. Naaawa nga ako sakaniya eh, magisa niyang papalakihin ang anak niya. She will be a single mother." Nacurious naman si Krisha. "Ay grabe naman po yung kasintahan niya! Hi-nit & run! Buti na lang iba yung boyfriend ko." Nakangiti sambit nito at tumingin kay Chance na nakatitig lang sa screen.




Nasusuka siya sa naririnig niya. "Nababaliw na yata si Krisha. Blinackmail niya lang naman ako at anak ko ang nakasalalay dito. Ipalaglag ba naman daw ang anak niya? Sinong nanay ang gagawa nun?! Baliw lang gagawa nun!" Sa isip-isip nito.





"Ayan mga iho at iha, nakikita niyo ba ang anak niyo?" Sabay turo ng doktor sa screen. Lumapit ng konti si Chance at tinitigan ang screen. Gumuhit sakaniyang labi ang isang napakatamis na ngiti.



"As for now, hindi pa natin makita ang kanyang gender. Masyadong malikot ang baby. Mukha ang hyper at hindi pa siya masyadong buo." Napatango na lang si Krisha.




Nakatitig lang siya sa screen, "Ikaw lang ang pagasa kong makasama si Chance habang buhay kaya aalagaan kita ng lubos." Sa isip-isip nito.




Pagkatapos ng checkup niya, naghabalin lang ang doktor at umalis na sila. Pagkalabas nila sa ospital may isang tao silang hindi inaasahan na makakasalubong.




"Erine?" Gulat na tanong ni Chance. Hindi na nagulat pa si Erine at nginisian lang niya si Chance na nangiinis. "Naks naman, happy family ba?" Mapangasar na sambit nito. Pero sa loob-loob nito, gusto na niyang sapakin si Chance.




Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon