"Sasabihin mo ba sa parents mo?" Tumango ako. "Sasabihin ko sakanila kapag gumadruate nako." Umupo nako sa upuan ko at siya din.
Wala pa prof namin, maaga lang kami pumasok. "Medyo malaki na tiyan mo nun. 2 months to go pa besh ang graduation." Paalala niya.
Nagalala naman ako. "Gaano kalaki?" Nagisip siya.
"Hindi naman sobrang laki ah. 2 months palang yun. Parang taba lang siya pero unting unti na lalaki tiyan mo." Napatango naman ako hinawakan ang tiyan ko.
"Besh tanong ko lang, naka ilang round ba kayo at najuntis ka?" Binatukan ko nga. Uminit naman pisngi ko.
"Pagsisisihan mo na binigay mo ang lahat ng meron ka besh." Napakunot noo ko.
"Ano besh? Hindi kita narinig. Bubuyog ka ba? Bulong ka kasi ng bulong eh."
"Besh kunwari nalaman mong nagloloko si Chance sayo, anong gagawin mo?" Napatitig ako sakaniya. "Edi hihiwalayan siya at hinding hindi siya makakalapit sa anak ko. Hinding hindi ko na siya lalapitan pa. Kahit anong explain pa niya sakin, hinding hindi ko na siya papakinggan pa. Alam ko naman puro kasinungalingan lang ang lahat eh." Seryoso kong sabi.
"Imposible naman nalolokohin ako nun. Hinding hindi niya gagawin yun besh." Dugtong ko.
I trust him. He will never do that.
"Impossible makes it possible. We never know...." hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.
Kung ano-ano nanaman ang pinagsasabi. Nitong nakaraan palagi niya sinabi na kesyo ganyan, ganito. Be strong enough. Wag daw ako masyadong magtiwala sa tao nasa bahay namin.
Nagsidatinganan na din ang mga ibang ka blockmates namin at sakto din dumating si Erine. Oo, prof namin siya. Wow lang diba.
"Ohmygod~ Buti na lang nagpalipat ako ng scheds ko at masisilayan ko nanaman ang gums--este gwapong face ni Sir Kent. Hihi~" rinig kong bulong ng estupidyante sa likuran namin. Napa rolled eyes ako. Kung alam niyo lang kung ano talaga yang lalaking yan. Manloloko.
"Alam mo besh, bet ko talaga yang ex mo. Sharine diba tawag mo sakaniya?" Bulong na tanong niya. Napairap ako.
"Pwede ba besh? Wag mo na ipalala sakin yung mga katangahan ko noon? Pinagsisihan ko nga na minahal ko yan eh. Manloloko ang nesfuta." Umirap ako.
"Naniwala ka naman kaagad sakaniya kung bakit ka niya hiniwalayan noon?" Na speechless ako. "Syempre sinabi niya, pinaniwalaan ko."
"Yan hirap sayo besh eh. Madali kang maniwala sa sinasabi nila. Akala mo yung nagsabi ng masasamang salita sayo, masama na sila. Yun pala, sila yung mabait at ayaw ka lang masaktan. Akala mo yung nagsabi ng magagandang salita sayo, pagkakatiwalaan at mabait. Yun pala kabaligtaran. Manloloko." Napa shrugged na lang ako.
"Ikain mo na lang yan besh. Gutom lang yan." Nakinig nako sa dinidiscuss ni Erine. Kahit naman ayaw ko talaga sakaniya labas ang personal life ko sa pag-aaral.
Napaisip ako. Kausapin ko kaya si Erine at wag na pairalin ang pride ko?
-----------------------
"Besh sigurado ka bang ok ka lang?" Tumango ako ng dahan-dahan at napapikit.
Medyo sumasakit ulo ko. Nesfuta.
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
General FictionMagtatagpo kaya nang landas ang isang ESTUDYANTE na Playgirl/Ms. Heartbreaker At ang isang PROFESSOR na Mahangin/Gwapo/Hot etc. Ano kaya ang mangyayari? Magkakaroon kaya ng isang MALAKING GULO? O ISANG MALAKING PAG-IIBIGAN? Started: February 28, 20...