Chapter 26

3.6K 96 0
                                    

Gwen's Point Of View

Days passed after our classes resumed and I am always tired. Grabe, it's just our first week pero tinambakan agad kami ng mga gawain. Tapos graduating pa kami and may kinukumpleto na porfolio as one of the graduation requirements.

Sa tuwing pauwi kami ni Jarred ay saglit lang kaming nagkakapag-usap dahil nakakatulog ako sa byahe at pag-uwi ay kumakain lang kami ng dinner at pinapa-diretso na ako ni Jarred sa kwarto para matulog. We never had a time to really talk to each other at medyo nakukunsensya narin ako dahil kaming dalawa na nga lang tapos hindi ko pa siya nabibigyan ng maraming oras. Every time I say sorry, he would always say that it's okay and he understands. Nakikita kong pagod din naman siya sa school works pero mas halata lang talaga yung akin. Siguro dahil sumabay rin ang dalaw ko ngayong buwan kaya ganito nalang ka-pagod ang katawan ko.

"Do you want to go somewhere for the weekends?" Jarred asked me as we walked towards my the parking. Thank God it's Friday! I can finally sleep and rest more. Jarred and I would also have more time to talk to each other, finally!

"Let's just stay in our house and invite our friends? Baka gusto niyong uminom this weekend? Kakain lang kaming mga babae." I chuckled. Wala talaga sa aming magkakaibigan ang mahilig sa pag-inom.

"Alright, let's invite our friends. Will you bake?" He looked at me hopeful kaya napatawa ako.

"Why? You miss my pastries?" Nang-aasar na tanong ko na agad niya naman ikina-tango kaya mas lalo akong napatawa. Hindi manlang tumanggi.

"Sure. Bili tayo ingredients ngayon, I'll bake later after dinner." He smiled so wide and held my hand.

"Thank you, baby!" I just winked at him and he chuckled.

Nakarating na kami sa parking nang may tumawag kay Jarred kaya sabay kaming napalingon sa banda noon. Agad na napa-taas ang kilay ko nang makita ko si Leslie, walking towards us. So... they're talking again, huh?

Tumingin ako kay Jarred na naka-titig sa akin ngayon na para bang naghihintay ng reaksyon ko. I smiled a little.

"You two can talk, I'll stay inside the car." Lalakad na sana ako nang hinawakan niya ako sa braso kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

"You can stay while I talk to her." Nakita ko sa mga mata ni Jarred na medyo uneasy siya. Why? Is there something wrong? I arched my eyebrow.

"I'm not part of the conversation. Hindi dapat ako mag-stay." I firmly said, getting pissed off. Naiirita ako kasi bakit hindi ko alam na nag-uusap na pala ulit sila! Hindi sinabi sakin ni Jarred at pakiramdam ko, mukha akong tanga ngayon sa harap nilang dalawa. Mga tao na tinanggalan ko ng pagkakataon na magkaroon ng isang magandang relasyon!

"You can stay, Gwen. I just want to ask Jarred if he can go with me tomorrow." Leslie smiled, I helped myself to act normal and smiled back at her. Naramdaman ko naman ang kamay ni Jarred na humahawak sa bewang ko at hinahapit ako papalapit sa kaniya. Really, Jarred? In front of your almost girlfriend? I acted unaffected by his touch and continued looking at Leslie who's now watching Jarred. Nice.

"Go where, Leslie?" Tanong ni Jarred sa seryosong paraan. Hinawi ni Leslie ang bangs niya bago sumagot.

"To the hospital. I have a check up tomorrow and I don't have someone who can accompany me." Kumunot ang noo ko. Bakit kailangan si Jarred? Sila na ba ngayon? At hindi ko alam? Anong check up? May sakit ba siya? Napapikit ako ng mariin sa dami ng mga tanong na tumatakbo sa isip ko.

I heard Jarred sigh at mas lalong humigpit ang pagkaka hawak niya sa bewang ko. I crossed my arms.

"Why do you need to go to the hospital for a check up? Are you sick?" I asked, curiously. Naramdaman ko ang pagbaba ng tingin ni Jarred sa akin pero nanatili ang mga tingin ko kay Leslie. She chuckled.

"I'm sorry. Mukhang hindi pa nababanggit sa'yo ni Jarred." Muli na namang napa-taas ang kilay ko kasabay ng pagkalabog ng puso ko. Bakit bigla akong kinabahan? Mabilis akong nag-angat ng tingin kay Jarred at magsasalita pa lamang siya ngunit naunahan na siya ni Leslie.

"I'm pregnant." Napanganga ako sa sinabi niya at mabilis na tumingin sa tiyan niya. Hindi pa halata ang baby bump niya, ibig sabihin ay bago palang siyang buntis? At bakit si Jarred ang kailangan sumama sa kaniya sa ospital? Nanlamig ako nang mapagtanto ko ang sagot sa mga tanong ko. Is Jarred that father of her child?

Gulat pa rin akong bumaling kay Jarred na pinapanuod ang reaksyon ko at mabilis akong kumalas sa pagkakahawak niya sa bewang ko. Nakita ko namang nataranta siya sa ginawa ko kaya mas nilakihan ko ang distansya naming dalawa at itinaas ang kanang kamay ko to stop him. I need to breathe! Tumigil naman siya at bumaling kay Leslie. Ganoon din ang ginawa ko at nakita kong bahagyang napawi ang ngiti ni Leslie at ngayon ay medyo nakangiwi na na parang nagulat sa naging reaksyon ko. Sinong hindi magugulat? Naka-buntis ba si Jarred? I swear, ipapa-cancel ko talaga ang kasal namin kung naka-buntis siya! Dapat niyang panagutan at alagaan si Leslie at ang magiging anak nila! Kung siya nga ang ama ng bata!

"Gwen, please. I'll explain later, okay?" Inabot ni Jarred ang kamay ko pero agad ko itong iniwas sa kaniya. Nakita kong may dumaang sakit sa mga mata niya at napapikit siya ng mariin.

"You're not assuming that I'm the father, right?" He asked, now very frustrated. Iniwasan ko siya ng tingin at ibinalik ito kay Leslie. I am guilty because that's exactly what I'm thinking right now!

"Leslie, let's just talk some other time. We will go now." Mabilis namang tumango si Leslie sa sinabi ni Jarred at nagawa pa nitong ngumiti sakin kaya bilang pag-respeto, ngumiti ako ng matipid sa kaniya. I'm pissed off but I'm not rude.

"I know what you're thinking. Baby, I'm not the father of her child." Malambing pero may diin na salita niya nang makapasok kami sa sasakyan. I sighed at hindi nagsalita ng ilang segundo. I don't know what to say. I'm just so sad and pissed off right now. I wanna go home and sleep. I want to cry! I bit my lip when I felt my eyes burning for unshed tears. Mabilis akong kumurap kurap para mawala ito. Narinig ko ang mahinang mura ni Jarred bago niya ako pinaharap sa kaniya at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry for not telling you that Leslie and I are good now. We didn't have enough time to talk about it and I don't want to add up to the things that's occupying your mind for the past days." Umiling ako at mabilis na pinunasan ang luha na kumawala galing sa mga mata ko. Nanginig ang labi ko nang sinubukang kong magsalita kaya napa buntong hininga ako at kumalas sa pagkakayakap kay Jarred.

"No, you don't really have to tell me. I was just shocked and I didn't know how to react. I'm sorry if I thought that you're the father of her child." Tumango siya sa sinabi ko kahit nakita ko na medyo nainis siya sa unang pangungusap.

"Baby, please know that I can't do that to you. I am committed to you." Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya pero hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. O baka alam ko pero hindi ko lang kayang sabihin.

"And I was really planning to tell you right away but we really didn't have time to talk properly. We just had lunch last Monday and she said sorry for not talking to me after I ended things with her. She also told me about her pregnancy but I don't know who's the father." I nodded at his explanation.

"Thank you for sharing it to me. I hope you can have a good friendship with her now." I said sincerely but I feel like he's not convinced. He's just staring at me kaya napaiwas ako ng tingin.

"Let's go buy the ingredients so I can bake after we eat dinner." I diverted the topic ngunit napa awang ang labi ko nang haplusin ni Jarred ang dalawang kamay ko at dinala ito sa labi niya para halikan. Mariin akong pumikit at bumuntong hininga.

"I'm sorry for making you cry today." He said looking straight at me with his sad eyes. My heart melted. I can't fall for him.

🤍🤍
Hello!! Stay safe and God bless!

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon