Chapter 20

5.3K 124 2
                                    

Gwen's Point Of View

"Yes, Jarred?" I asked as I answered my phone. This is the fifth time that he is calling me. We decided to have a three-days stay in our parents' house, separately. At kanina pa nangungulit si Jarred sa pagtawag tawag niya, eh magkasama naman kami kaninang umaga. Hinatid niya 'ko dito, para pag uuwi na kami ay sabay narin at susunduin niya nalang ako.

"You really won't invite me in your house?" Parang malungkot na tanong niya. Kanina niya pa kasi sinasabi na dito nalang din sya matutulog. Edi hindi niya rin naka-sama yung pamilya niya kung ganoon, diba?

"Tumigil ka nga. Dapat mag-enjoy ka muna diyan. Hindi mo ba sila na-miss? Ilang buwan ka kayang wala sa bahay niyo." Napapairap na sagot ko. Para 'kong may kausap na bata.

"Ikaw, hindi mo ba 'ko nami-miss? First time natin 'tong hindi matulog sa bahay natin." Natigilan naman ako sa parang naiinis narin na tanong niya. I sighed, I need to calm down. I need my heart to calm down!

"Of course, I'll miss you. But this would be for three days only, Jarred. Can you calm down and just enjoy your stay there?" I heard him sigh.

"But, I miss you, babe." Napanganga na ako. Wala na, hindi na talaga kayang kumalma ng puso ko! Anong isasagot ko dito?

Walang nagsalita at parang parehas kaming nagpapakiramdaman. Napa-buntong hininga na naman ako.

"Parang ewan naman, Jarred." Mahinang sagot ko. Bakit ba kasi sobrang clingy nito bigla? Malambing naman talaga siya sa akin pero di ko naman inexpect na aabot sa ganito.

"Sige na, baka gusto mo nang mag-enjoy diyan." He answered na parang nagtatampo, napatawa ako. Ang arte ha.

"Saan tayo pupunta pag-uwi natin?" Pagbubukas ko ng panibagong topic. Halata namang ayaw niya pang tapusin yung tawag, umaarte lang talaga siya.

"Kung saan mo gusto, babe." Malambing na sagot niya na. I chuckled, I heard him tsked.

"Why are you laughing?" He asked, now annoyed. Ang bilis magbago ng mood!

"Nakakatawa ka kasi, ang arte mo. Para ka na namang baby diyan."

"Ain't I your baby?" I can almost see him smirking.

"You are." I smiled. I think I heard him gasp which made me smile more.

"Babe naman. Lalo kitang nami-miss." He answered, I can hear the frustration in his voice kaya napatawa na naman ako.

"I miss you, too! Mag-enjoy ka diyan, okay? After this, aalis naman tayo."

"Yes, baby. Aalis talaga tayong dalawa kaya mag-isip ka na kung saang beach ang gusto mong puntahan, okay?" Napatango ako kahit hindi niya naman ako nakikita.

"Yes po. Sige na, magdi-dinner na kami. Kumain kana rin." I heard him sigh once again.

"Okay, babe. Eat well! I'll call later, okay?" Ang lambing ng boses, parang gusto kong matunaw.

"Okay, bye!" Napangiti ako. Si Jarred, sobrang unpredictable talaga. Nakakagulat yung mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Kumusta naman kayo ni Jarred, anak? Nagkaka-sundo ba kayo?" Tanong ni dad nang magsimula kaming kumain. Si mom ay walang tigil sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Mom, kumain narin po kayo. Kaya ko namang kumuha ng pagkain ko, don't worry about me." Malambing na sabi ko sa kaniya, she just smiled at me and sat down beside dad. Si kuya naman sa tabi ko ay napapailing lang habang nakangiti.

"I just miss serving you, anak. Parang bigla akong nagsisi na hinayaan ko na sa ibang bahay ka na tumira." May malungkot na ngiti na sagot ni mommy. Para namang may humaplos sa puso ko.

"I miss everything about you, dad, kuya, and this house, too, mom. Pero natanggap ko narin na dadating talaga kami sa punto na kailangan naming humiwalay ng bahay sa inyo kasi bubuo na kami ng sarili naming pamilya. Pero syempre, mas madalas parin yung pagka-miss ko sa inyo." Natatawa at naluluhang salita ko. Naramdaman ko namang hinalikan ako ni kuya sa ulo.

"My baby is not a baby anymore." Nang-aasar na sagot ni kuya. Inirapan ko naman ito at napatawa naman siya.

"Mag-asawa ka na rin, kuya. Gusto ko na magkaroon ng mga pamangkin." I smiled widely at him. Umiling naman siya.

"Busy pa 'ko sa company." Maiksing sagot niya, napatingin naman kami kay dad na tumawa sa sagot ni kuya.

"Hay nako, anak. Tutulungan ka naman diyan ni Gwen pagka-graduate niya. Relax and try to date women. You need it, I can assure you." Napatango tango naman kami ni mommy sa sinabi ni dad.

"Let's not talk about my love life. Si Gwen ang pinaguusapan, bakit sa akin napunta?" Inis na sagot ni kuya kaya napatawa kaming tatlo. Napaka pikon talaga. Bumaling naman siya sa akin at mas naging seryoso ang mukha.

"Tinatanong ka ni dad kung kumusta kayo ni Jarred sa bahay niyo, nakalimutan mo nang sagutin." Oo nga pala, talaga ngang nakalimutan kong sagutin.

"Maayos po kami ni Jarred sa bahay, mabait siya at talagang magaling makisama. Nakatulong din po siguro na nagkakilala kami ng mas maaga sa school bago niyo kami ipinakilala sa isa't isa. He's nice and caring, dad. He's a good friend." I was smiling the whole time that I am talking. I am being honest with them, Jarred is a good man.

"Good friend lang? Hindi pa ba kayo nagkakagustuhan?" Napatigil ako sa tanong ni kuya at parang kinabahan ako. Para saan naman ang kabang ito?

"No. We're good with being just friends, kuya." Mom raised her right eyebrow at me.

"Do you like someone else, anak?" Mabilis naman akong napailing at nagulat sa sunod na itinanong ni mommy.

"How about Jarred? Does he like someone else?" Napa-inom ako ng tubig. Should I tell them? Of course, not, right?

"I don't think so, mom." Napatango naman sila sa isinagot ko.

"Mabuti kung ganoon." Dad answered and we all continued eating and talking non stop. We seriously missed each other and I am enjoying my stay here in our house. These are the things that I fail to treasure back when I was living here, and now, I wouldn't trade it for anything.

🤍🤍
Stay safe and healthy, everyone! God bless!

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon