Chapter 16

4.5K 134 0
                                    

Gwen's Point Of View

"Nagulat lang ako. Don't worry, sanay akong nakakakita ng katawan ng lalaki." Mayabang na sagot ko.

"What?" Ang sama ng tingin sakin. Judgemental. Hindi ako sumagot.

"At bakit ka sanay na makakita ng katawan ng lalaki?" Tanong niya habang pinupunasan ko ang braso niya. I looked up at him, nagtama ang mga paningin namin.

"I have a brother. I also have guy friends." Simpleng sagot ko. He raised his right eyebrow on me, 'di na naman yan naniniwala. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagpupunas sa kabilang braso naman niya.

"Can I just take a bath instead? Hindi parin ako kumportable kahit makapag-sponge bath na." He asked me, instead.

"Makuntento ka na muna diyan ngayon. Let's ask the doctor later. Baka kasi mas lalo kang sipunin pag naligo ka." I answered him. He nodded and coughed a bit.

"Baka mahawaan kita." He said while wearing his new shirt. I smiled at him.

"Hindi yan. May masakit ba sayo?" Umiling naman siya kasabay nang paghiga ulit niya sa kama.

"Gusto mong tumabi?" What? Tumabi sa kaniya?

"Hindi pwede." I answered plainly. He smirked.

"Hmm, hindi pwede. Pero gusto mo?" Nahihimigan ko ang pang-aasar sa tono ng boses niya kaya inirapan ko siya at umayos ng upo sa couch dito sa kwarto niya.

"Baka ikaw ang may gusto na magtabi tayo?" Balik ko naman ng pang-aasar. Tumayo ako at kumuha ng upuan bago itinabi ito sa kama niya at doon umupo. He was just looking at me intently the whole time.

"Gusto ko naman talaga. May sinabi ba 'kong hindi?" Matapang na sagot niya. Napanganga ako at hindi na napigilang hampasin ang braso niya. Medyo nagulat pa 'ko dahil ang init noon.

"Bakit mo naman gustong magtabi tayo, ha?" Naiinis na tanong ko.

"Wala lang, nilalamig kasi ako. Mas gaganda siguro ang pakiramdam ko kung may katabi ako?" Napairap ako.

"Ano ako, heater?" Inis pa rin na sagot ko. Napa hagalpak na siya ng tawa, halos mapaubo pa. Napairap na naman ako.

"Gwen naman! Bakit ganyan ang choice of words mo?" Tawang tawa pa ring tanong niya. Kainis.

"Shut up. Just sleep. I'll wake you up kapag nandito na ang parents mo and si doc." Tumayo na ako para bumalik sa couch pero hinila niya ang kamay ko kaya napabalik ako.

"Dito ka nalang muna sa tabi ko, please? I won't do anything that you don't like. I promise." Marahan niyang hinahaplos ang kamay ko. Napapikit ako saglit bago dumilat muli.

"Okay, Jarred. Matulog ka na ulit. I'll just be here beside you." My gosh, Jarred is such a baby when he's sick! And why do I find it cute?

"Thank you, baby." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Jarred, ano ba?" Nakakairita na talaga! Pinagttripan niya ba 'ko?

"Huh? What?" Pa-inosenteng tanong niya. Hinampas ko nga ulit.

"'Baby' ka diyan! Ganyan ka ba kapag may sakit, extra flirty?" Iritableng tanong ko. Natawa na naman siya.

"'Baby' lang eh. Anong masama doon? We're getting married. Calling each other 'baby' won't hurt, right?" Parang natuwa pa siya sa isinagot niya sa akin. It's like he's also convincing himself that it's really okay.

"Okay, whatever. Matulog ka nalang, please. You need to rest." Ayokong makipag-talo, tsaka na kapag wala na siyang sakit.

"Yes, baby. Thank you for taking care of me." He smiled, I smiled back at him at pinabayaan na siyang matulog.

After an hour, dumating din ang parents niya with his brother, kasunod naman si doc. He got check right away and doc said na it's just because of his cold. Niresetahan lang siya ng mga gamot at pagkatapos ay umalis narin. Nagstay naman ang parents niya and umalis lang din after two hours since they need to go to work and may swimming class si Jeremie.

It was a Friday afternoon nang pumasok ako sa cafeteria sa school. My friends are waiting for me there, kami nalang ata ni Nikka ang wala. Patapos palang ang klase niya.

"Gwen, why are you not answering my texts and calls?" Bungad sakin ni Jarred nang makarating ako sa table namin. Napatingin naman silang lahat sakin. At munhang sobrang badtrip ni Jarred, ano kayang nangyari?

"Oh, sorry. Hindi ako nagcheck ng phone kasi na-busy, may activity kami. Why? You need something?" I answered while sitting beside him. Lalo naman siyang sumimangot. Napakunot ako ng noo.

"Ano ka ba? Okay ka lang?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya bago bumaling sa mga kaibigan namin.

"Anong nangyari dito? May kaaway?" I asked, still so confused. Tumawa naman sila Vince ata sabay sabay pang napailing.

"Hindi mo kasi pinansin maghapon, ayan tuloy." Pagkasagot noon ni Matt ay siya namang tayo ni Jarred.

"Mag-order na tayo, hindi ka pa kumakain." Napatango nalang ako at tumayo narin. Mas lalo naman silang napatawa, napailing nalang din ako.

Hinawakan ko si Jarred sa braso habang naglalakad kami papunta sa counter, nauuna kasi siya. Badtrip nga talaga 'to.

"Bakit ka ba galit?" Nakakunot noong tanong ko nang humarap siya sa akin. Nag-iwas lang naman siya ng tingin at bumuka ang bibig pero isinara niya lang din. Mukhang may gustong sabihin pero hindi maituloy. Napatawa na'ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"What's funny?" Inis na tanong niya. Hinawakan ko naman ulit siya sa braso at hinila na para makapag-order kami. May pagkain na ang mga kaibigan namin, si Jarred at ako ay wala pa.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sakin, sinabi ko lang naman ang order ko at ginaya niya nalang din yun. Mabilis namin itong nakuha at bumalik na sa table namin, nakarating narin pala si Nikka at magoorder nalang din.

"'Di ko talaga sigurado kung anong kinagagalit mo pero pwede kang magsabi sakin kapag gusto mo na." I told Jarred seriously.

"Gwen, san ka ba kasi galing kanina bukod sa class mo?" Biglang tanong sakin ni Angel.

"Wala, sa class lang talaga 'ko galing. Bakit?" Sobrang nalilito na talaga 'ko. Ano bang ginawa ko at parang sa akin galit si Jarred?

"Galit ka ba sakin kasi hindi ako nakasagot sa mga text at tawag mo?" Napairap ako sa sarili kong tanong at parang gusto kong mapatawa. Bakit naman siya magagalit kung hindi ako nakasagot? Eh hindi naman kami palaging magka-text kapag nasa school.

"Naiinis lang ako, gusto ko lang naman malaman kung kumain ka na o kung anong ginagawa mo para hindi ako nag-aalala." Napanganga ako sa isinagot niya. I didn't know that he feels that way!

"I'm sorry, I was really busy. And we're not really the ones to text and call each other at all times. Hindi ko alam na gusto mo palang inuupdate." Nagugulat parin na sagot ko sa kaniya. Napatingin ako sa mga kaibigan namin at parang wala sa kanila ang gustong sumali sa usapan namin.

"I know. I'm sorry, too. Hindi na 'to mauulit." He looked at me intently at napakagat siya sa labi niya. I smiled at him.

"It's okay, thank you for telling me." I want to understand him. We need to understand each other and make this work.

He grabbed my left hand and intertwined it with his right hand. He planted a soft kiss on the back of my palm and my knuckles. I shivered, that was so sweet and intimate at the same time. Nakita kong napanganga ang mga kaibigan ko sa nangyari. Ang mga lalaki naman ay nakangisi.

🤍🤍
Hi! May God bless you all 🤍
Let's stay safe and pray for everyone's safety!

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon