Chapter 10

5.6K 148 0
                                    

Gwen's Point Of View

Nang makababa kami, sakto namang pinapasok na nila ate ang mga kaibigan ni Jarred. The three guys smiled at us. Ang gagwapo nila. Wala atang patapon sa kanilang apat na magkakaibigan. Nilapitan naman sila ni Jarred at nagbatian ng mabilis sabay tingin sa akin at hawak sa baywang ko.

"Guys, this is Gwen, my fiancée." Pakilala niya sa akin. I smiled kahit medyo uneasy ako sa braso ni Jarred na nakapulupot sa baywang ko. Naglahad naman sila ng kamay. Napatawa ako dahil sabay sabay nilang ginawa yon. So sinong uunahin ko? Hindi pa man sila nakakapagsalita ay inunahan na sila ni Jarred sa pagpapakilala sa sarili nila.

"This is Matt, Vince, and Ray." Habang sinasabi niya iyon ay nakikipagkamay ako doon sa tatlo.

"Nice meeting you, Gwen." Matt said, I smiled at him.

"Nice meeting you, guys." Ngumiti ako sa kanilang tatlo.

"Alam mo ba, Gwen, hindi ito yung first time na nakita kita." Biglang sabi ni Vince habang naglalakad kami papunta sa dining area. Napaangat ako ng tingin kay Jarred at nakitang nagsalubong naman ang dalawang kilay niya sa sinabi ni Vince.

"Talaga? Kailan yung una?" I asked him. Sa school siguro pero hindi ko maalala kung nagkasalubong na ba kami. Hindi padin tinatanggal ni Jarred yung braso niya sa baywang ko. This is so uncomfortable yet so comfortable. Ang init kasi ng kamay niya. Masarap sa pakiramdam.

"Nung time na kasama mo yung boyfriend mo." Nabigla ako sa sagot niya. Of course, they know that what Jarred and  I have is an arranged marriage. Napabitiw naman si Jarred sa baywang ko. Napaangat ulit ako ng tingin sa kanya pero hindi sya nagsasalita, pati nadin yung tatlong kaibigan niya.

"Wala naman akong boyfriend, ah?" Sagot ko na kay Vince. Napangisi naman siya pati nadin si Matt. Si Ray medyo nangingiti lang, at si Jarred ay poker face lang. Umupo na kami. Magkatabi kami ni Jarred at sa harap naman namin yung tatlo. Nagsabi nadin ako kila ate na ihain na yung mga pagkain namin kasi baka nagugutom na yung mga kaibigan ni Jarred.

"Wala ba? May umakbay kasi sayo nung time na nagkita kayo ni Jarred sa may corridor malapit sa canteen." Paliwanag niya sabay sumubo ng pagkain niya. Naliwanagan naman ako sa kung sino yung tinutukoy niyang "boyfriend" ko.

"Ah, si Joseph. Hindi ko yun boyfriend. Alam yun ni Jarred, diba?" Sabay baling ko kay Jarred, he nodded bago tumingin kay Vince.

"Tama na nga pag-daldal mo diyan. Walang boyfriend si Gwen." Masungit na sabi niya. Natawa naman yung tatlo sa ginawa niya pero hindi ko maintindihan kung akong nakakatawa don? Kaya ngumiti nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman kami naubusan ng paguusapan kasi madami silang tinatanong tungkol sa akin, kaya sagot lang din ako ng sagot.

"Excuse me, guys. Kuhanin ko lang yung dessert natin." Paalam ko sa kanila. They said thanks and I just smiled. Si Jarred naman ay tumayo din kasabay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Tulungan kita." Sabi lang niya at hinatak nako palabas ng dining area at dumiretso sa pagkuha ng cake sa loob ng ref sa kusina.

"Hindi naman mabigat yung cake, bakit kailangan mo pa kong tulungan?" Natatawang tanong ko sa kanya. Pero parang malalin ang iniisip niya.

"Gwen, I have a question." Biglang baling niya sakin. Tumango ako.

"Go." He cleared his throat at medyo napaiwas ng tingin sa akin. Napataas tuloy ako ng kilay. Anong problema nito?

"Hindi mo ba talaga boyfriend si Joseph?" He asked. Napakunot ako ng noo. Bakit ito padin topic namin? Akala ko tapos na kami dito.

"Hindi talaga. Gusto mo ba?" Pang-aasar ko sa kanya. Kulit kasi, di ko naman talaga boyfriend si Joseph. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Ayaw." Sabay kuha niya ng cake sa ref at iniwan ako sa kusina. Okay. What was that? Napaka bilis magbago ng mood ni Jarred. I just shrugged at sinundan na siya pabalik sa dining area.

"Saglit! Uunahan mo pa 'ko." Masungit na saway na naman ni Jarred, pero kay Matt naman ngayon. Pero imbis na mainis si Matt, tumawa lang siya at napangisi ng nakitang parating ako.

"Ako na ang mag-sslice." Alok ko kay Jarred nang nakita kong nahihirapan siyang mag-slice. Hay nako, napaka baby. Ibinigay niya naman sa akin yung knife at nagslice nako para sa aming lima.

"Ang sarap ng cake. Saan nyo binili to? Parang never pa ko nakatikim ng ganitong cake?" Si Matt. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Gwen baked it. Kaya masarap talaga yan. Tapos uunahan mo pa 'ko." Tumawa na naman silang tatlo, napangiti nalang ako sa pagiging isip bata ni Jarred.

"Ang arte mo, Jarred. Hindi mo naman first time makakain ng binake ko." Napakunot sya ng noo. I raised my right eyebrow at him.

"This is my first time, Gwen." He said, I smiled.

"Nope, you've been eating the cookies in our ref. Ako ang nagbebake non." I explained. Mukha namang gulat na gulat siya.

"Akala ko binibili lang nila ate yon! Kaya pala iba yung lasa." Tinawanan ko nalang siya.

"Sobrang adik kasi yan sa matatamis, pagpasensyahan mo na, Gwen." Asar naman ni Ray kay Jarred. I chuckled.

"Okay lang, naiintindihan ko. And next time, ipagbebake ko ulit kayo." I smiled at them. Grabe naman sila kung makangiti ngayon. Natuwa ata na ipagbebake ko sila ulit.

"Thank you, Gwen! Hindi namin yan tatanggihan." Si Matt na tuwang tuwa talaga. Natawa nalang ako.

"Ang kakapal ng mukha niyo, kakakilala niyo lang kay Gwen tapos ipagbebake ulit kayo?" Sabi naman ni Jarred habang nakangisi.

"Lalo ka naman, kinakain mo yung cookies sa ref without asking who owns it." Asar pabalik sa kaniya ni Vince. Natawa na naman ako.

"Nasa ref naman namin! Malay ko bang si Gwen gumawa nun." Sagot naman sa kanya ni Jarred. Hay nako, isip bata pala si Jarred.

"Iinom kayo, diba? Saan niyo gusto? Sa tabi ng pool or sa veranda? Para ipapaayos ko kila ate." I asked them. And mas nagtagal ako ng tingin kay Jarred. He looked at me too. Ray cleared his throat kaya naman naputol ang tinginan namin.

"Hmm, sa tabi nalang ng pool." Sagot ni Jarred. I nodded.

"Okay. Ipapaayos ko lang yung table nyo doon. Excuse me." I smiled at them bago ko pinuntahan sila ate sa kwarto nila. Nagsabi ako kila ate na pakiayos nung table sa pool side dahil iinom sila Jarred. Mabilis naman nilang naayos yun kaya hinanda nadin ng mga lalaki yung inumin na. At syempre, nagpaluto nadin ako ng pulutan nila.

"Ang swerte ko naman sa mapapang-asawa ko. Sobrang maasikaso." Biglang salita ni Jarred sa tabi ko sabay akbay sa akin. Nasa pool side na kami at patapos na sila sa pagaayos ng inumin nila. I smiled, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Nagulat kasi ako!

"Swerte ka talaga sakin." Asar ko sa kanya. He chuckled at iniharap ako sa kanya sabay hapit sa baywang ko.

"Thank you so much. I appreciate everything that you did tonight." He looked straight into my eyes. I smiled at him.

"You're always welcome! Sabihan niyo nalang ako pag may kailangan kayo, ha?" He nodded pero hindi padin inaalis ang tingin sa akin. Nabigla naman kami nang may biglang umubo, na halata namang peke.

"Gwen, do you drink? Join us!" Alok sa akin ni Vince. Umiling ako habang nakangiti sabay kumalas sa pagkakahawak ni Jarred. Tinitigan naman ako nito. Ano ba yan? Kanina pa sya natitig sa akin, nakaka-ilang. Hindi ako mapakali.

"Sorry, hindi ako umiinom eh. Sa kwarto ko lang ako. Tell me if you need something, or kila ate. Enjoy the night, guys!" Paalam ko sa kanila.

"Thank you, Gwen!" Sabay sabay pa nilang salita. Natawa nalang kami pare parehas. Hinarap ko naman ulit si Jarred.

"Sa kwarto lang ako. Enjoy!" Hinawakan naman niya yung kamay ko pero mabilis lang.

"Thank you." He smiled, and I smiled back at him bago ako umakyat papunta sa kwarto ko. Oh, my goodness! My heart is beating so fast!

♥️♥️
Hi, guys! I hope you're all doing well. Please stay safe and healthy! And let's continue praying 🙏🏻🙏🏻 May God bless us all ❤️

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon