Jarred's Point Of View
I seriously don't know kung anong sumapi sakin at bigla ko nalang niyakap si Gwen. Sana hindi sya mailang sakin. Pero mukhang hindi naman kasi she tapped my back. Argh! Ewan ko na.
"By the way, Jarred. Sa Sunday, makikipag-meet na tayo sa mga Fajardo. You should meet your fiancée ." Nagulat ako nang biglang magsalita si dad while we're having our dinner. Kumain kasi ulit ako pag-uwi kahit busog pa 'ko dahil nag-dinner na kami ni Gwen. Inintay pala nila 'ko. I sighed.
Sana hindi ma-misinterpret ni Gwen yung ginawa ko. It was just a friendly hug. But, why do I feel like I'm just convincing myself?
"Jarred?" Mom called me. Napaangat ako ng tingin. Oh! Dad was saying something.
"What is it again, dad?" I asked. Napailing naman sila, napansin ata na nag-space out ako kanina.
"Sabi ko, makikipag-meet tayo sa mga Fajardo sa Sunday. You should meet you fiancée ." Napatango ako.
"Okay, dad." I answered, pumayag nadin naman ako tungkol dito nung nakaraan, wala na'kong karapatan tumanggi.
"Don't worry, anak. Maganda ang mapapang-asawa mo, mabait at matalino pa. Matagal ko nang nakakasama yung batang yun kaya kilala ko na talaga sya." My mom added while smiling, I smiled at her, too.
"That's good. Sana lang magkasundo kami." Bumalik nadin ako sa pagkain. Napapaisip tuloy ako ngayon kung bakit hindi pa kami nagkikita nung babaeng pakakasalan ko. Family friend sila, at kaya nga kami ipakakasal kasi gusto ng mga lolo namin.
"Bakit nga po pala never kaming nagkita?" Tanong ko kila mom and dad. Maraming beses nadin kasi kaming nagkikita ng mga Fajardo, pero never ko nakilala yung anak nilang babae, siguro nung mga bata kami nagkita na kami, pero ngayong lumaki na kami, never pa talaga.
"Lagi kasi kayong busy parehas. Tuwing kasama ka sa dinner with them, hindi naman nakakasama ang anak na babae nila. At ganon naman din ang nangyayari kapag nakakasama sya, ikaw ang wala." Napatango tango ako sa sagot ni dad. Nagulat naman kami nang biglang magsalita ang kapatid ko na nasa tabi ko lang.
"Is kuya getting married?" He asked, napangiti ako at ginulo ang buhok nya.
"Yes, why? Will you miss me when I leave our house?" I teased him, sinamaan nya naman ako ng tingin.
"I won't." Tipid na sagot nya at bumalik na sa pagkain. Napatawa nalang kami at bumalik nadin sa pagkain.
"Mag-lunch na kasi tayo sa labas. Please?" Napalingon ako nang may marinig akong nagsalitang lalaki sa likuran ko. Nakatayo kasi ako sa corridor malapit sa canteen habang hinihintay si Vince, magkaklase kasi kami.
Nagulat ako nang makita ko kung sinong kasama ng lalaking nagsalita.
"Gwen." Di ko namalayang nasabi ko na pala, akala ko nasa isip ko lang. Napangiti naman sya sakin at tumigil sa paglalakad habang naka-akbay padin sa kanya yung lalaking nag-aaya na mag-lunch sa labas.
"Hi, Jarred!" Parang nagulat naman ang lalaki na kasama nya nang mapagtanto na magkakilala kami kaya mabilis na bumaling si Gwen dito.
"He's a friend." Ngiti nya sa lalaki, tumango naman ang lalaki sakin at ipinakilala kami ni Gwen sa isa't isa. Sinabi nya lang ang pangalan ng lalaki pero hindi naman nya sinabi kung kaano-ano nya.
"Mauna na kami, Jarred. See you around!" Paalam ni Gwen. I smiled at her and bid the both of them goodbye.
Napasunod naman ako ng tingin sa kanila kasi pabirong inaalis ni Gwen yung pagkakaakbay sa kanya ng lalaking kasama nya, si Joseph. Pero mukhang nag-aasaran lang sila.
Akala ko ba wala siyang boyfriend?
Nagulat ako ng may biglang kumapit sa balikat ko.
"Tsk tsk, type mo?" Tanong ni Vince sa akin, sinamaan ko nga ng tingin.
"May nililigawan ako, diba?" Sagot ko sa kanya, tumango tango nalang sya nang nakangisi na parang hindi naniniwala.
"Tara na, baka ma-late na tayo sa klase natin. Tingin ka kasi ng tingin kay Gwen, eh kasama naman ang boyfriend niya." Pang-aasar pa nya, binatukan ko nga. Ayun, tumawa lang.
"Wala siyang boyfriend." Sagot ko naman.
"Oh, bat affected ka? Nagbibiro lang ako, bro! Unless may pakialam ka talaga?" Tunog nang-aasar padin sya kaya inunahan ko nalang sa paglalakad. Mali ata na ikinuwento ko si Gwen sa mga kaibigan ko, aasarin lang ako ng paulit ulit, baka ano pa isipin ni Gwen pag nalaman nya.
Pero wala nga ba talaga 'kong pakialam? Tsk. Di ko dapat iniisip yung mga ganitong bagay.