Chapter 27

3.5K 100 0
                                    

Gwen's Point Of View

I was hurt, I am sure of that. Hindi ko nga lang maintindihan kung saan ba ako mas nasaktan, kung dahil ba nag-uusap na ulit sila o dahil hindi ko kaagad nalaman?

Pero kaya ko naman hindi nalaman kaagad dahil wala kaming time mag-usap ni Jarred nitong mga nakaraang araw. At hindi niya rin naman responsibilidad na sabihin sa akin yung pag-uusap nila.

Pero nasaktan talaga ako nung inakala ko na si Jarred ang ama ng anak ni Leslie. Kasi hindi naman malabo, diba? They almost had a relationship. Muntik na talagang maging sila pero nasira 'yon nang mag-decide kami ni Jarred na subukan itong relasyon na gusto ng mga magulang namin. Kung hindi naman kami naka-arrange sa isa't isa, malamang mag-boyfriend na sila ngayon at baka sila pa talaga ang may anak!

Parang gusto ko na namang mapa-iyak sa naiisip ko! Mabilis na lamang akong nagtapos ng paliligo at lumabas ng kwarto ko para dumiretso sa kusina. I will bake tonight, like what I told Jarred. If I won't do anything, then I'll surely think about Jarred and Leslie for the whole night. Kahit na pagod ang katawan, isip, at mata ko ngayon, sigurado ako na hindi agad ako makakatulog kaya mas mabuti pang mag-bake nalang ako.

I was preparing the ingredients when I heard Jarred going down the stairs. He's just wearing a white shirt and black nike shorts but he looks so handsome. I snapped out of my thoughts and continued preparing the ingredients, acting like I didn't just checked him out!

"I thought you're going to sleep already. Bakit ngayon ka pa mag-bbake, hindi ba pagod ka na?" Malambing na tanong niya at hinawakan pa ako sa bewang. Ang bilis niya talagang nagkaroon ng pagkakataon na tumabi sa akin, ah!

"I want to bake now para hindi ko na kailangan gawin to bukas." I answered and started to mix all the ingredients for the chocolate chip cookies that I will bake. Jarred requested it, 'coz it's his favorite.

"Are you okay now?" He asked while almost hugging me while I try my best to stay calm and continue what I am doing.

"Yup." I answered shortly. Nakita ko namang tumango siya at bahagyang lumayo sa akin.

"How can I help you with these?" He asked, pointing at the ingredients and materials that I am using. Mabilis akong umiling at tumawa.

"Huwag na. Doon ka nalang sa sala, kaya ko na 'to." Napa-nguso siya at tumitig sa mga mata ko.

"Are you still mad at me?" Mabilis akong umiling at umiwas ng tingin. I scooped the mixed ingredients and placed it one the pan.

Natahimik kami pareho at umupo nalang siya sa bar stool while I put the unbaked cookies inside the oven and set it's designated time.

"You can ask more questions, I will answer all of them." He offered and I smiled. Umiling ulit ako at tumabi na sa kaniya. Agad niya namang hinawakan ang mga kamay ko.

"I'm really sorry. I know you're still upset about what happened." I smiled at him, kinuha ko ang kanang kamay ko at hinaplos ko ang braso niya. Napa-tingin siya doon at parang may kumislap sa mga mata niya.

"It's okay, Jarred. Stop saying sorry already. You didn't do anything wrong and it's not your responsibility to tell me everything that you do." Napakalas siya sa pagkakahawak sa kamay ko dahil sa isinagot ko. Tiningnan niya ako ng masama at napa-ngisi na para bang na-offend siya sa sinabi ko. What's wrong with what I said?

"So, ayos lang sayo kahit hindi mo alam ang mga ginagawa ko? Ayos lang kung may ibang babae pala? Kasi sa akin, hindi ayos. Yes, it's not my responsibility, but I want to do it! I want to tell you everything that I do, Gwen! I want it so please stop invalidating my feelings about it." Mahina ang boses niya sa huling pangungusap na sinabi. Nanlaki naman ang mga mata ko at nataranta.

"Jarred, I'm not invalidating your feelings. I'm sorry if I made you feel like that. Ang sa akin lang naman, ayokong isipin mo na kailangan mong sabihin sa akin lahat dahil hindi naman. May tiwala naman ako sayo."

"May tiwala ka sa akin pero inakala mo kanina na ako ang ama ng anak ni Leslie, hindi ba?" May galit at lungkot na tanong ni Jarred sakin. Napapikit ako. Paniguradong nasaktan ko siya dahil doon at kahit sinabi niya kanina na ayos lang, alam kong tumatak sa kaniya yon.

"Kasi posible naman talaga! You can't blame me, I know what you feel for her and I know that you almost had a relationship with her if it wasn't for me! Alam kong posible na kung natuloy kayong dalawa, baka kayo ang may anak ngayon!" There, I finally said it! Napaiwas ako ng tingin at uminit na naman ang sulok ng mga mata ko. I bit my lip and sighed. I heard him sigh as well and he held my hand. Hindi ako tumingin sa kaniya at inabala ang pagtingin nalang sa oven na malapit nang tumunog.

"Hindi ko maisip kung anong buhay ko ngayon kung hindi tayo magkasama, Gwen. Hindi ko maisip na magiging ama ako ng anak ni Leslie. Hindi ko kayang gawin yun sayo." May pumatak na luha galing sa mata ko kaya mabilis ko itong pinahid at tumayo para kuhanin ang mga na-bake nang cookies.

"I'm sorry for doubting you." Halos manginig ang boses ko sa pagsasalita. Pumikit siya ng mariin.

"You're already forgiven, even before you asked for it." He answered and hugged me tight. I buried my face in his chest and tried so hard not to cry. I am so emotional today! I felt his breathing on my neck that made me shiver. Nanatili kami sa ganoong pwesto ng ilang minuto bago siya nagsalita.

"You smell so nice." I heard him smirk as he sniffs on my neck. Nakilit ako kaya napa-igtad ako.

"Jarred!" Natatawang saway ko sa kaniya at pilit lumalayo. Tumawa naman siya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkaka-yakap sa akin. Parang sira naman 'to!

"What? I just want to smell you." He continued sniffing on my neck.

"Mauubos mo ang bango ko." I laughed. Napa-iling naman siya.

"'Di ka na galit sakin?" Malambing na tanong niya. Tumango ako at yumakap na sa kaniya ng mahigpit. I heard him sigh in relief.

"Thank you, baby." He kissed my forehead and went back to burying his face on my neck.

"Hindi nabanggit sayo ni Leslie kung sinong tatay ng anak niya?" I asked, curiously. He groaned.

"Gwen, akala ko okay na tayo?" Napatawa ako sa sagot niya.

"Nagtatanong lang ako! I'm curious!"

"Sabi mo 'yan, ha. But, no, she said that she can't tell me yet. Wala akong idea kung sinong boyfriend niya." Napa-tango ako. Baka ayaw pa talagang i-disclose ni Leslie. It's her privacy and we need to respect it, of course.

"Lumayo ka na nga. Mag-bbake pa 'ko." Sinubukan kong humiwalay sa pagkakayakap ni Jarred pero ayaw niya at mas lalo pang hinigpitan.

"Bukas ka na mag-bake ulit. Ganito nalang tayo." Napatawa naman ako at mahina siyang hinampas sa braso na nakakapit sa bewang ko.

"Mag-damag tayong magkayakap? Pwede ba yon?" Tumatawang tanong ko, napatawa rin siya at tumango.

"Bakit hindi? Dito nalang tayo matulog?" Sabay pa kaming tumawa sa sinabi niya. Nakakainis! Akala mo talagang pwede naming gawin yon.

🤍🤍
Stay safe and God bless, everyone!

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon