Chapter 4

6.4K 158 5
                                    

Gwen's Point Of View

I woke up feeling how heavy my eyes are. Pagkatapos kasi akong puntahan ni kuya, hindi ko napigilang umiyak na naman na nakatulugan ko nalang.

Even if I don't want to do anything today, wala akong choice kasi may pasok ako. Good thing I only have two classes today.

"Hi, sis! Oh, anong nangyari sa mata mo?" Bungad sakin ni Nikka. I smiled at her.

"Kwento ko mamaya. Pasok muna tayo sa mga class natin ngayon." I smiled at them, they look so worried pero they still managed to smile at me.

After my two classes, pumunta 'ko sa cafeteria para kumain muna since lunch na and hihintayin ko yung tatlo para makapagsabi ako sa kanila.

Kumakain ako nang biglang may humarang sa harapan ko. Seriously? Palagi nalang nangyayari sakin 'to.

Pag angat ko ng tingin, sya namang ngiti sakin ni Jarred. Sya pala ulit yung nasa harapan ko. I smiled at him.

"Hi. Have a seat." Alok ko sa kanya, umupo naman sya sa harapan ko.

"Parang may problema ka ata?" Biglang sabi nya, napaangat na naman ako ng tingin at napakunot ng noo sa kanya.

"San mo naman nakuha yan?" Tinaasan ko sya ng kilay. Napa-ngisi sya.

"Sa mga mata mo?" I rolled my eyes at napangiti na.

"Nako, wag mo na intindihin. Mawawala din yan." He shrugged.

"I know wala ako sa lugar para sabihin 'to, pero if you need someone to talk to, I'm willing to listen." He said, I smiled at him.

"Thank you. I appreciate it." He just smiled back at nagsimula nadin kumain nang may bigla namang tumawag sa kanya.

"Jarred!" May babaeng naglalakad papalapit sa table namin. Parang ito yung babae na kasama nya noon sa mall. Baka girl friend nya nga.

Napatingin si Jarred sa direksyon nung babae at napatayo.

"Leslie, what are you doing here?" Nagulat ako sa tanong ni Jarred. Wait, so hindi nya ba to girlfriend? Bakit ganon yung tanong nya?

"I came to see you. Hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko." Malungkot na sagot nung Leslie at biglang napabaling sa akin.

"And who is this girl?" Mataray na tanong nya kay Jarred. Tinaasan ko nga ng kilay. Napatingin naman sakin si Jarred and smiled apologetically.

"This is Gwen, she's my friend." Pakilala sakin ni Jarred. Napatango naman si Leslie pero mukhang hindi convinced. Hindi nya naman siguro iniisip na babae ako ni Jarred, no? Magsasalita pa sana sya pero inunahan na sya ni Jarred.

"Gwen, we'll go now. I'll see you tomorrow!" Paalam nya, I smiled and nodded at him. Umalis na sila agad  pero tumingin pa ulit sakin si Leslie. Nagtaka siguro bakit sinabi ni Jarred na "see you tomorrow". Bahala nga sila, relasyon nila, problema nila. Bumalik nalang ako sa pagkain at ilang minuto pa ay dumating na ang mga kaibigan ko.

"So what happened, Gwen?" Agad na tanong ni Angel pagkaupo nila. Napatawa naman ako.

"Order muna kayo ng pagkain nyo. Magkekwento ako habang kumakain." Tumango sila at sabay sabay na um-order ng pagkain nila.

Pagkabalik nila, nagsimula na 'ko magkwento ng nangyari kagabi. Yung usapan namin with lola and kung paano sinabi ni kuya na tutulungan nya ko. I saw how they felt sad for me. Nalungkot na naman tuloy ako.

"Sana naman makinig sila sayo at wag kang ipakasal sa lalaking hindi mo naman kilala." Quian said at hinawakan ang kamay ko, katabi ko kasi sya. I smiled at her.

"Sana talaga. Ayoko pang ikasal, sobrang dami ko pang gustong gawin." I said, honestly. Napatango sila and comforted me more. I'm so thankful for having them by my side. Umuwi nadin kami pagkatapos ng mahabang kwentuhan.

I was home by 4 pm at dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nagayos ako ng sarili then I started working on my part for our research para bukas, ang gagawin lang namin ni Jarred is yung parts na kailangan kaming dalawa talaga ang gumawa. Para mapabilis din yung gawa namin.

Nakatapos naman ako ng gawain by 7 pm. Ang tagal ko din gumawa ng napakaiksing part na'yon. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko. Sakto namang kumatok si manang to tell me na magdi-dinner na daw. I sighed, I have no choice but to go down and have dinner with them kahit medyo masama padin ang loob ko.

"Good evening po, mom, dad." I kissed them, sunod naman si kuya then I sat in my chair. Nagsimula na kaming kumain nang tahimik nang biglang magsalita si dad.

"Gwen, we know that you're mad at us. Pero sana maintindihan mo kung bakit kami pumayag." Inangat ko ang tingin ko kay dad. I smiled at him.

"Dad, I'm not mad. I'm just hurt. And, I understand your decision. Mahirap lang po talagang tanggapin. I don't like being controlled with what I want to do with my life. Sana po maintindihan nyo din ako." Nawalan na'ko ng gana kumain pero I stayed. I don't want to be rude. Nang matapos silang kumain, nagpaalam ako na mauuna nang umakyat dahil may gagawin pa 'ko. Pumayag naman sila.

"We love you, anak." Mom started, I smiled at her.

"So much." Dad added. May pumatak na luha galing sa mga mata ko. I hugged them, sumali din si kuya sa yakapan.

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon