Chapter 29

3.1K 90 2
                                    

Gwen's Point Of View

"So, what happened?" Jared asked as soon as we got to our library inside the house. Dito ko siya dinala habang nagse-set up ang mga kaibigan namin ng movie sa entertainment room.

"I'm not really sure when was it, pero I just asked him for a simple help for my project. Parehas kasi kami ng kailangan gawin at nauna siyang makatapos kaysa sa akin." Mabilis niyang inalis ang tingin sa akin. Napapikit siya ng mariin bago nagsalita.

"You should've asked me for help. Bakit kailangan siya pa?" Mahinahon ngunit may diin na tanong niya sakin. I sighed. Paulit ulit lang kami sa mga ganitong problema.

"Kasi nga natapos niya na 'yon at siya ang malapit sakin that time. Huwag na nating pag-awayan 'to, please. We're supposed to enjoy today." Napa-buntong hininga rin naman siya at mabilis na lumapit sa akin para yumakap. He hugged me so tight na medyo nagpa-gulat sa akin. He sighed again. He seems so disappointed with something that I can't even point out.

I caressed his back and hugged him back. Naramdaman ko namang hinalikan niya ako sa ulo ng tatlong ulit bago kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"I'm sorry. I will try harder to be more understanding. But, please, stop keeping things like this from me." I nodded. I understand him even if I didn't keep it from him intentionally. Katulad lang din ito ng nangyaring issue samin nang hindi ko agad nalaman ang tungkol sa kanila ni Leslie and we had a misunderstanding because of it. Ayoko nang maulit 'yon. It's tiring.

"I'm sorry, too. Let's go back already." He nodded and held my hands as we go back to our entertainment room. Lahat naman ng mga kaibigan namin ay napatingin nang makita kaming magka-hawak kamay pero mga napa-ngiti nalang.

I seated beside my friends and Jared seated beside his friends as well. The movie started already pero medyo hati ang atensiyon ko dahil paminsan minsan ay nagkekwentuhan kaming magkakaibigan.

"By the way, pwede kayong matulog ngayong gabi dito sa bahay kung gusto niyo. Aalis din naman tayo bukas, diba?" I suggested to my friends bago ko ibinalik ang tingin sa pinapanood naming movie.

"Sige, gusto ko 'yan." Sagot ni Angel at nag-agree naman sila Nikka at Quian.

"Okay, ipapa-ayos ko mamaya ang gagamitin niyong room. Tatanungin din ni Jarred ang mga kaibigan niya kung gustong mag-stay tonight." Napa-tango naman sila sa sinabi ko at nagsimula na naman kami sa pagkekwentuhan pero puro bulong dahil seryosong nanunuod ang mga lalaki.

Nagulat naman ako ng bigla akong tinabihan ni Jarred at sumandal pa sa balikat ko.

"Why?" I whispered. Umiling naman siya at inangat ang tingin sa akin. Ngumiti siya kaya napangiti narin ako.

"Sa spa kayo bukas? Gusto mo ipag-drive ko kayo?" He whispered kahit ramdam ko namang nakatingin ang mga kaibigan namin. Hindi ata sila masasanay sa pagiging clingy ni Jarred. Natatawa nalang talaga ako eh.

"Huwag na. Kami na bahala. Just spend the day with your friends." He pouted at kinuha ang kaliwang kamay ko.

"I want to be with you tomorrow." Napa-iwas naman ako ng tingin sa sinabi niya at kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Everyday naman tayo magkasama, ngayon at bukas nalang ulit natin makakasama ang mga kaibigan natin. Don't you miss them?" I answered. Umayos naman siya ng upo at umakbay sakin bago ako hinalikan sa ulo. I swear, Jarred gets more clingy as the day goes by. At madalas akong nahihirapan dahil hindi ko maitago ang kilig ko!

"Huwag na tayong manuod ng movie, panuorin nalang namin kayo diyan?" Nang-aasar na tanong ni Vince kaya napatawa kaming lahat.

"Shut up. I'm having fun here." Masungit na sagot ni Jarred pero nakangiti naman. Napailing ako at tumayo.

"Kuha pa 'ko ng snacks." Mabilis na sumunod si Jarred sa akin. Minsan talaga hindi ko maintindihan kung anino ko ba siya o ano. Natawa ako sa naisip ko kaya napabaling sakin si Jarred.

"Why are you laughing?"

"Naisip ko kasi, minsan pala para kitang anino. Palaging naka-sunod, babe." Pang-aasar ko pero imbis na maasar siya ay napangisi pa.

"Alam mo kung anong ibig sabihin noon?" Ang laki ng ngiti niya nang magtanong. Medyo kinabahan naman ako pero napatawa nalang din.

"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay. Kinuha naman niya ang kanang kamay ko at hinalikan ito bago nagsalita.

"Hindi tayo mapaghihiwalay." He smiled genuinely at nakita ko kung paano kuminang ang mga mata niya nang sabihin 'yon. Hindi ko na napigilan at ngumiti narin.

And from that moment, I know that I'm doomed.

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon