Chapter 15

4.6K 134 6
                                    

Gwen's Point Of View

"Jarred? Wake up! It's 9 am!" I'm trying to wake up Jarred. It's Saturday, and Jarred is usually awake before 9 am on the weekends. Wala namang sumagot so I asked Ate Rose to get the spare key of Jarred's room. He's not usually like this. I wonder what happened? Is he drunk? But he didn't even drink last night, so how will it happen?

"Hey, Jarred." Panimula ko nang mabuksan ko ang pintuan ng kwarto niya. It's my first time going inside his room. It's all black and white. From the wall to his bed. His lights are turned off and I think he's wrapped in his blanket. Is he cold?

Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinawi ang kumot na nakatakip sa mukha niya. Napaungol naman sya na parang nahihirapan. Nanlaki ang mata ko nang mahawakan ko ang noo niya. He's sick!

"Hey, Jarred. Wake up. You need to eat para makainom ka ng gamot. You have fever!" Medyo natataranta kong salita. He tried to open his eyes but he failed so he ended up closing them again.

"Saan masakit? Yung ulo mo ba?" I asked him, worried. He nodded. I grabbed my phone and dialed Ate Rose's number.

"Ate, nilalagnat si Jarred. Pakilutuan naman po ng lugaw tapos padala narin po ng gamot dito sa kwarto. Salamat." I ended the call right after Ate Rose said yes.

"Hey, you okay? Kuha lang ako ng towel and basin para mapunasan kita." Tumango naman sya habang mas hinihigpitan ang pagkakahawak sa kumot. He's cold! I immediately turned off the aircon. He wasn't able to do it, malayo ang pinaglagyan niya ng remote.

Pumasok ako sa bathroom niya at kumuha ng basin. I also got a towel from his closet. I filled the basin with warm water pagkatapos ay bumalik na'ko sa tabi niya. Pinunasan ko siya sa mukha lang muna kasi baka masyado siyang lamigin pag sa katawan kaagad. Mamaya nalang pagkatapos niyang kumain. Pagkatapos ay nilagyan ko siya ng bimpo sa noo. I also checked his temperature. 38.5 degrees Celsius. Tsk, ano bang nangyari sa lalaking 'to? Okay naman siya kagabi, ah?

Sakto namang dumating na sila ate na may dalang pagkain at gamot ni Jarred. Good thing, they also brought some fruits.

"Nako, Ma'am! Okay lang ba si Sir?" Nag-aalalang tanong ni Ate Nila pagkalapag nila ng pagkain sa bedside table ni Jarred. I sighed.

"Medyo mataas po ang lagnat niya, ate. I'll feed him first, then tatawag ako sa parents niya so they can ask their family doctor to check up on Jarred." I answered ate. They just nodded at nagpaalam na magaayos muna sa baba. I thanked them at sinimulan ko nang ayusin ang pagkain ni Jarred.

"Jarred, wake up. You need to eat." Dahan dahan niya namang iminulat ang mga mata niya at diretsong tumingin sakin. He smiled a bit.

"You okay? Can you feed yourself or you want me to do it for you?" Tanong ko nang maka-sandal na siya sa headboard ng kama.

"Can you please get me a jacket first?" His voice is raspy and very low. I nodded and immediately looked for a jacket inside his closet.

"Is this okay?" I asked him. He nodded and muttered thank you before slowly putting on his jacket. Medyo nanghihina siya kaya ako na ang nagsuot sa kabilang braso niya. He smiled again, I smiled at him, too.

"Can you feed me, please? Pa-cute na tanong niya. Natawa ako ng bahagya.

"Sure." I started feeding him. Mabuti at nalalasahan niya naman daw yung pagkain niya kaya di siya nahihirapan kumain. Medyo may ubo at sipon din siya.

"Ano bang nangyari, bakit ka nilagnat?" I asked while feeding him. Nilunok niya muna ang pagkain sa bibig niya bago nagsalita.

"I'm not really sure. Dahil siguro sa sipon, nag-start 'to kagabi, eh." I nodded bago iniabot sa kaniya ang baso na may laman na warm water.

Indelible FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon